Kabanata 8:

1208 Words
Kabanata 8: Hindi niya pinilit na makabalik sa mundong ito. Kung kailan hindi niya pinilit, saka naman siya nakarating. Nang magising siyang nakalabas na sa kanyang katawan, dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Unang bumungad sa kanya ang tahimik na gubat. Kunot ang noong hinanap niya roon si Brenda. Boring kasi kapag wala ang dalaga. Isa pa, kahit pa sabihin niya ritong madaldal ito at maingay, minsan nakakairita rin, mas masaya pa ring may kasama siya sa loob ng gubat na ito. Ano pa bang choice niya? Wala naman siyang pagpipilian kung sino ang makakasalamuha niya rito sa gubat! Ilang minuto na rin siyang palakad-lakad sa gubat. Medyo napapalayo na nga siya ngunit wala pa rin siyang nakitang bakas ni Brenda. Sa kanyang paglilibot, isang kweba. Ang kwebang iyon ay tipikal na itsura ng mga kwebang nakikita niya sa telebisyon. Pero ang ikinakatakot niya, paano kung may makita siyang kakaibang nilalang sa loob? Nilingon niya ang kanyang likuran, kumislap ang silver string na pwede niyang kalabitin sa oras na siya’y magkaroon ng problema. Kusa ring nawala ang silver string na iyon. Saka siya matapang na ibinalik ang tingin sa kweba. Curious siya, gusto niyang exlore-in ang lahat sa loob ng asttal realm na ito. Dito na nga lang siya malayang nakakapaglakbay, bakit kailangan niya pang limitahan ang sarili. Tuluyan siyang pumasok sa loob ng kweba. Bumungad sa kanya ang mga maliliit na paniki, nagsiliparan nang gambalain niya. Ngunit hindi naman siya natakot sa paniki, mas lalo lamang siyang na-curious. Basa ang loob ng kweba, malamig din at madilim. May mga tubig na pumapatak mula sa malalaking batong naroon ngunit hindi sapat para mabasa siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa isang liwanag ang kanyang natagpuan. Sa dulo ng kwebang ito ay isang lagusan. Kaya naman, nagmamadali niyang binagtas ang kweba hanggang sa marating niya ang pinakadulo. Napanganga siya nang sa huling tapak niya sa basang bato na nasa loob ng kweba, bumungad sa kanya ang mundong ginagalawan niya. Ngunit kakaiba, dahil ang lahat ay nakasuot ng lumang damit! Mga sinaunang kasuotan noong unang panahon. “Ito lang? Kulang ito sa para sa bangkang gusto mong bilhin,” anang isang lalaking nakatayo malapit sa dagat. Mukha itong batak na batak sa trabaho. Kayunanggi ang balat at nakabahag lamang. Mahaba rin ang buhok. Ang kausap naman nito ay nakabahag lang din ngunit kulay pula at nay mga burloloy na ginto sa kanyang katawan. Mga tattoo rin! “Kukunin mo ba o hindi ko na ipagpapalit iyan sa aking ginto? Para sa akin, sapat na ang gintong iyan para sa bangka mong mas may edad pa sa akin.” Napakurap siya at saka inilibot ang tingin sa paligid. Kailangan niyang umatras, tila hindi maganda ang napuntahan niya. Nasa panahon pa siya kung saan nahahati pa ang mga tao sa pangkat. Baka mamaya kapag nahuli siya ng mga tao rito, gawin siyang alipin—pero! Tutal nasa astral world lang siya, pwede niyang kalabitin ang silver string at makababalik na siya. Akmang lalabas na sana si Johnson mula sa gubat nang isang malamig na kamay ang humatak sa kanya pabalik sa loob. “Whoa! Mama! Mama!” sigaw ni Johnson. Nanliliit ang mga matang bumungad sa kanya. Si Brenda na nakasimangot habang nakatingin sa kanya na mukhang tangang gulat na gulat. “Ano na naman bang experiment ang balak mong gawin? Kapag pumunta ka r’yan, magugulat silang lahat kung bakit ganyan ang suot mo.” Bumaba ang tingin niya sa sarili niyang suot. Nakasuot lang siya ng sando at boxers! Lubhang nahiya siya kay Brenda, kaagad niyang sinapo ang harapan niya kahit na hindi naman iyon gaanong kalakihan. “Huwag mo nang takpan, nahiya ka pa sa lagay na ‘yan?” taas ang kilay na tanong ni Brenda. “A-ano k-kasi, hindi ko sinasadyang makarating dito!” “Alam ko naman, halika na nga!” Hinablot ni Brenda ang kamay niya saka hinatak palayo sa dulo ng kweba. Sayang! Curious pa naman siya. “Hindi ba pwedeng kapag may nangyaring masama sa akin, kalabitin ko na lang ang silver string?” “Hindi, kasi pwedeng may makakita sa iyo. Baka ma-trap ka sa panahong ‘yon,” sagot ni Brenda. Tuluyan na silang lumabas ng kweba. Sa kanilang paglabas, nabigla si Johnson. Bumungad sa kanila ang isa na namang ibang panahon. “N-nasaan tayo?” takang tanong niya. “Hindi ko rin alam, akala ko babalik tayo sa gubat.” Halata rin ang pagtataka sa sagot nito sa kanya. Luminga sila sa paligid malabong gubat ito dahil patag na ang sahig at may dumaan pang kalesa. Hanggang sa ilang saglit pa ay may dumaan na ring tao. Isang babae at isang lalaking nakasuot ng damit na parang kapanahon-an pa ni Doctor Jose Rizal! “Balik tayo.” Hinawakan muli ni Brenda ang kamay ni Johnson saka siya hinatak pabalik. Ngunit nang harapin nila kung saan sila lumabas, hindi na kweba ang bumungad sa kanila. Kundi isang makalumang pintong yari sa mahogany! At hindi na iyon kweba, kundi isang makalumang bahay. “N-nasaan na ‘yong kweba?” kabado at puno ng pagtatakang tanong ni Johnson. “Alam mo, imbes na magtanong ka nang magtanong. Bakit hindi na lang natin buksan?” Sa pagkakataong ito, lumapit si Brenda sa pinto. Hahawakan na sana niya ang seradura upang buksan ngunig bago niya pa magawa, pareho silang nabigla nang bumukas ang pinto at may lumabas na lalaki! “Tangena, paano ‘to?” pabulong na mura niya. Napatingin sa kanila iyong lalaki, nakasuot ito ng don cap at may nakaipit na sigarilyo sa kanyang bibig. Mabuti na lang at hindi na sila nito kinausap at dumiresto na lang sa paglalakad. “Subukan pa rin natin,” determinadong ani Brenda. Tuluyan nitong pinihit ang seradura ng pinto saka iyon binuksan. Pagbukas nila ay nakahinga sila nang maluwag nang ang kweba ang bumungad sa kanila. Muli silang pumasok doon saka diretsong tinahak ang daan hanggang sa dulo. Ngunit paglabas nila, ibang panahon na naman ang kanilang naabutan. Isang malakas na tunog ng kakaibang hayop ang sumalubong sa kanilang dalawa. Pareho silang nagkatinginan. “Paano tayo makakabalik sa gubat?” kinakabahang tanong ni Johnson kay Brenda. “Kung saan-saan ka kasi nagsusuot e! Tingnan mo na? Hindi ko rin alam!” Napapakamot sa ulong ibinalik ni Johnson ang tingin sa kweba, mabuti’t naroon pa rin iyon. “Halika, bumalik tayo at mag-explore na lang kaysa masayang, baka malaman din natin kung ano ang pwedeng gawin para makabalik sa gubat,” suhestiyon ni Johnson. “Maigi pa nga.” Papasok na sana sila sa may kweba nang malakas na tunog na naman ang gumulat sa kanila. At sa kanilang paglingon, isang malaking t-rex ang bumulaga sa kanila! “Aah!!!” sabay nilang sigaw. Mabilis silang tumakbo papasok sa kweba ngunit ramdam pa rin nila ang paggalaw ng sahig dahil sa malakas na hampas ng mga paa nito sa sahig. “Bilisan mo! Kailangan na nating makalabas ulit!” utos ni Brenda. Bago sila makalabas muli ng kweba, nakita pa nilang sumilip ang dinosaur sa butas saka sila nakalabas sa kabilang dulo. Pareho silang hinihingal nang makalabas. Napalingon si Johnson sa isang bagay na lumipad sa kanyang uluhan. Ngayon, wala na sila sa nakalipas. . . nasa hinaharap na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD