Hindi ko lubos maipaliwanag ang labis na sakit ng ulo ko nang maalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Kahit na nahihilo ay inilibot ko ang paningin ko sa buong kapaligiran. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi naman kasi pamilyar sa akin ang lugar na ito. "Mama! Buti na lang at nagising ka na!" Marahan akong napangiti nang makita ko si Ian. Naglalaro pala siya ng toy car sa upuan, malapit sa kinahihigaan ko. Lumapit sa akin si Ian at hinalikan ang noo ko, "Matulog ka lang po, Mama.. Si Papa po kasi ay nasa labas, inaasikaso yung mga babayaran natin sa ospital." Ani pa ni Ian sa akin. "Si Nick?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Nandito si Nick? Ang huli ko lang na naaalala ay tumakas ako palayo kay Nick dahil sa labis na takot. Pero, bakit nandito si Nick? "Papa!" Napabaling ang aki