"Ano gusto mong kainin? Meron dito barbeque, inihaw na porkchop at mayroon ding inihaw na manok.." Napapangiti ako habang pinagmamasdan si Sir Kristian na nilalambing si Ian. "Pwede po ba na pahingi ng toys niyo? Diba mayroon kayo dati sa office na nakita ko pa po?" Ani Ian kay Sir Kris. Tumango naman si Sir Kristian at niyakap si Ian, "Kahit na ano pang gusto mong toys, bibilhin ko para sa'yo, gagawin ko ang lahat para makabawi sa pagkukulang ko sa'yo..." Ani Kristian at saglit pa siyang napatingin sa akin, nagtama ang mata namin at siya rin ang unang nagbaba ng tingin at muling nagsalita, "K—Kayo ni Mama mo.." "Uhm...." Napasulyap sa akin si Ian, "Mama... Gusto daw ni Papa na bumawi. Natalo ba siya dati?" Napatawa naman ako kasabay ng pag-iling, "Hindi, baby..." Nananatili pa rin a