"Hindi pa ba kami pwedeng umuwi? Nagugutom na kasi ang anak ko." Sabi ko sa isang security officer mula sa SMOffice. "Ma'am Castro, Hindi pa kasi gumising si Sir Kristian.. Dito ho muna kayo hangga't wala pa sa ayos ang lagay ni Sir." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa sinabi ni ng isang security officer, kanina pa 'tong guard na 'to, eh! Akala ko friends kami pero magiging kontrabida rin pala sa buhay ko. Binalingan ko naman ng tingin si Ian na nakaupo sa tabi ko habang nakikinuod ng palabas sa television na nasa harapan namin. Mabuti nga at hindi siya nagrereklamo pero alam ko naman na kumakalam na ang sikmura niya sa gutom katulad ko. "Itsine-check rin po namin 'yung CCTV sa may Elevator 1 dahil baka mayroon kang ginawang masama kay Sir.. Gusto lang ho naming malaman ang lahat."