MICHELLE's POV "Ano nangyari, bes? Bakit nakabusangot ka diyan?!" Ani Kyla nang makita niya kami ni Ian na naglalakad papauwi. Kalong-kalong ko si Ian, nakatulog kasi siya habang nasa biyahe kami pauwi. Ang hilig pa naman ng anak ko na matulog kapag nasa biyahe kami. "Na-reject ako... May bwisit kasi, eh." Inis na sabi ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina sa office ay kusang kumukulo ang dugo ko. Bwisit naman kasi! Bakit sa dinarami-rami ng pwedeng mahimatay, 'Yung lalaki pa kanina, na CEO pa ng company! Pero infairness naman ha! Ang pogi ni Kuya, 'Yun nga lang, parang may sapak ang ulo. Tinawag niya kasi ako sa ibang pangalan. Hindi naman Kalleah ang pangalan ko, Michelle kaya, hmp! "Ano ba nangyari?" Tanong sa akin ni Kyla. Inis naman akong napabuga sa hangin, "N