MICHELLE's POV "Kristian?" Napahawak ako sa ulo ko, akala ko ay makati pero parang may kung anong pumapasok sa utak. Hindi ko masabi at hindi ko rin maipaliwanag. Pakiramdam ko ay ang pangalan niya ay pamilyar sa akin. Nang muli ko siyang balingan ng tingin ay nakita ko na tila may inaantay siya sa sasabihin ko. Para bang excited na excited siya, "Yeap? I'm Kristian." Aniya na lang nang siguro ay hindi na makapaghintay pa sa sasabihin ko. Tumango ako, balak ko pa sanang magsalita para itanong kung bakit pamilyar siya sa akin nang biglang may yumakap sa kanya na magandang babae. "Kanina pa kita hinahanap, babe." Sabi ng isang magandang babae kay Kristian. Nang mapansin naman ako ng babae ay muli naman siyang nagsalita, "Kilala mo siya?" Muli ko namang binalingan ng tingin si Kristian,