Pinarada ni sir Albert Ang sasakyan sa isang gilid ng bangketa at sumama siya sa amin sa loob,
naiilang ako Kasi pinag titinginan kami ng mga Tao Kasi naman hindi naman nalalayo Ang itsura Niya sa matitikas na artista na lalaki,,
Sana Naman hinde siya makilala na anak siya ni governor.
"Ahh sir albert pupunta lang po kami sa bilihan ng sapatos"
Sabi ni michael,
"Ok sige samahan ko na kayo"
Sagot niya nuna si Michael maglakad nasa likod ako ni Michael at nasa likod ko Naman si sir albert,
hinde kasi kami pede maglakad ng magkaktabi dahil makipot Ang daan At merun mga kariton na nagtitinda sa labas,
naiilang ako Kasi pakiramdam ko nakatitig si sir Albert sa likod ko Hinde ko na lang pinansin Nilibang ko na lang Ang mata ko sa mga nakasabit na mga paninda,
nakarating kami sa bilihan ng sapatos at pumili si michael ng black shoes at binigay Yung size na gusto Niya sa tindera,
Pero natawa ako ng tinarayan ni michael Ang tindera.
"Miss Yung size ng sapatos ko Ang pansinin mo!! Wag mo kabisaduhin Ang size ng kasama namin!! Dahil may nagmamay ari na diyan hmmmmp!! Kaloka!"
Hinampas ko si michael kasi parang napahiya Yung tindera napatingin ako Kay sir Albert pero nakatingin lang siya sa akin,
Sunod namin pinuntahan ang bilihan ng mga slack na pantalon at polo,
habang namimili siya ay tinanong niya ako,
"Ikaw bez hinde kaba talaga bibili??aba sa makalawa na graduation natin"
"Hinde na bez Merun pa naman ako masusuot dun"
Ngiti na katwiran ko sa kanya,
Nasa tabi ko na pala si sir albert dahil kanina saglit itong nagpaalam at may kakausapin daw sa cp.
"Kelan graduation ninyo?"
Tanong Niya sa akin narinig niya pala yun Si michael naman ay nasa loob na abala sa pagpili ng susuotin,
"Ahmm si... Ay!"
Putol ko sa sasabihin ko,
"Sa sunday po!"
Tiningala ko siya Nakangiti siya.
siguro nahalata niya na muntik ko na Naman siyang tawagin na sirNaalala ko Kasi Yung banta Niya. Namula ako dahil dun.
"You're so beautiful baby!"
Malambing na bulong niya sa akin
Dahil sa sinabi Niya Lalo ako namula,
Pagkatapos bumili ni michael,
nag aya si michael kumain ng lugaw na natanaw niya,
umupo agad siya nag alangan ako umupo Kasi naalala ko si sir Albert
baka hindi siya kumakain sa ganito kaya bigla ako humarap sa kaniya,
"Ahmm! Kumakain po ba kayo ng lugaw?"
Nahihiyang tanong ko sa kanya
Na kinangiti Niya,
"Gusto mu ba kumain niyan"?
Tanong din niya sa akin na tumango lang ako,
"Go ahead what you want I want too!"
Sagot niya na kinasiya ng puso ko, umupo ako sa tabi ni Michael at siya Naman umupo sa tabi ko,
Parehas kami ng mga order lugaw na may lama, tokwa't baboy at nilagang itlog,
kumakain na kami ng mapansin ko na hiniwalay niya ang pulang itlog sa Puti,
Nung mapansin ko siya napatingin siya sa akin na nakangiti sabay Sabi,
"Hindi Kasi ako kumakain ng pulang itlog"
"Ahh"
napatango ako kaya ginawa ko yung akin din hiniwalay ko binigay ko sa kanya yung puting itlog at kinuha ko sa kanya Yung pulang itlog
napatingin siya sa akin na nagtataka
"hindi po ako kumakain ng puting itlog"
Sabi ko sa kanya na Nakangiti
Nawala ang ngiti ko nung ng bigla nabilaukan si Michael sabay salita
"Nay!!! Palinis naman po yung mesa ninyo dito ahh! kaloka nilalanggam po kami dito!"
Sabay nagising aso sa akin,
"ayy sige day!! Baka may natapon ng sabaw na minatamis diyan"
Sagot Naman ng tindera,
Hangang matapos kami kumain hindi na ako tumingin Kay sir Albert nahiya na ulit ako,
inalok kami ulit ni sir Albert na ihatid pauwe, Pero Sabi ko kala ko may pupuntahan pa siya dito sa bayan,
Mamaya na lang daw pagkahatid Niya sa amin Sa tabi niya ulit ako pinaupo..
tahimik kaming tatlo Paglingon ko Kay michael nakaidlip ito.
Nabusog at napagod siguro sa isip ko maya maya nagsalita si sir albert,
"Ashley anung oras Ang graduation mo?"
"Mga 8am po"
Sagot ko sa kanya Hinde na siya nagsalita,
Maya maya nag ring Ang cp ko Si francis Ang president sa room namin pagkatingin ko.
Napansin ko din na tinanaw ni sir Albert Ang hawak ko na cp, sinagot ko ito baka Kasi importante at may kinalaman sa school.
Ako: hello?!
Francis; hello Ashley? "Nagawa mu naba Yung mga pinapagawa ni mam"
Ako; Oo tapos ko na isasabay ko na lang sa graduation. Iaabot ko na lang agad Kay mam.
Francis; "ok sige Oo nga pala ash may party Tayo ha pagkatapos ng graduation, Sa bahay nami lahat ng classmate natin pupunta naka schedule na yun kaya wag kayo hinde pupunta ni michael!"
Ako: "ok sige sasabihin ko Kay Michael!"
Sabay lingon ko kay Michael na tulog pa din nahagip ng mata ko ang ekspresyon ng mukha ni sir albert na parang may pinipigil na inis,
Francis; "ok sige Ash aasahan ko kayo wag na kayo magdala ng food Kumpleto na dito lahat sinagot na tito"
Pagtatapos nito sa pag uusap namin.
Ako; "ok sige Fran, thank you!
Nilagay ko Ang cp ko sa bulsa
"Pupunta ka?"
Pagtatanong Niya sa akin na may bakas na lungkot sa mata,
"Opo"
Sagot ko sa kanya mga kaklase ko Kasi yun at huling pagsasama namin lahat Sa isip ko,
Buong biyahe hindi na siya nagsalita Nakarating kami sa kanto ng bahay namin saktong nagising na si michael,
Hindi pa din niya ako tinitignan kahit nagpasalamat na ako dahil sa paghatid niya sa amin,
Hangang sa paandarin niya ang sasakyan niya na hindi tumitingin sa akin Nalungkot at nasaktan ako sa pangyayari na yun.