Hinde ako makatulog kaya nagpatugtog na lang ako sa cp ko,
habang nasa malalim na pag iisip talaga ba Mahal ko na si sir albert?
tanong ko sa sarili ko Pero masyado pa ako Bata para maramdaman Ang ganito, Sabi ko sa sarili ko,
hindi kami bagay Ang layo ng katayuan niya sa katayuan ko, napatingin ako sa cp ko Kasi biglang huminto Ang kanta,
Nakita ko na may tx ako,
Albert Casimiro; "nagselos ako"
Nagulat ako sa tx niya hindi ko alam Kung ano iisipin ko,
Ako; bakit po?
Albert Casimiro; "When the right times come I will tell you"
Hindi na ko nagrply Basta importante hindi naman yata siya galit sa akin Nakatulog na ko ng may ngiti sa labi,
Nagising ako ng mas maaga para hinde na ko gisingin ni nanay,
pagkalinis ng katawan bumaba na ko nakita ko si Nanay na patapos na magluto ng paninda,
Si tatay nilalabas na Ang mga nailuto nito dahil pagkatapos mamasada na ito binati ko silang dalawa,
"Good morning Nanay! Good morning Tatay!"
Ngiti ko sa kanila,
Parehas sila napalingon sa akin ng Nakangiti.
Nagsalita si Nanay,
"Anak nakita mu ba yung naka plastik dun sa sala? Kunin mo at isukat mo para mapalitan Kung hindi kasya sayo"
Pagpunta ko nakita ko ang dalawang plastik yung isa sandals at isang sleeveless na dress na kulay peach,
Alam talaga ni nanay ang paborito kong kulay, napangiti ako na binilhan talaga Nila ako ng susuotin para sa graduation ko,
Pagkatapos magtinda ni nanay nag paalam ako na pupunta ng school para maibigay ko na Yung mga pinagawa ng teacher ko,
nagpaprint muna ako sa katabing barangay.
Habang naghihintay may narinig ako nag uusap na dalawang Tao ng barangay sa labas ng pinto,
"talaga pare? Anak ni kapitan ipapakilala ng anak ni governor sa pamilya Niya?"E sino ba dun sa dalawang anak ni governor?"
"Yung panganay ata pre si sir albert"
"Ganun ba? Nirereto ata ni kapitan Yung anak niya dun Kasi type daw ng anak ni kapitan"
"Eh type din kaya siya ni Sir Albert?"
"Siguro eh maganda naman Ang anak ni kapitan ah! At ipapakilala ba siya kila governor Kung hindi siya type ni sir Albert?"
Sagot ng isang lalake.Parang pinipiga Ang puso ko sa mga narinig ko.
Pagkaabot ng mga papel na pinaprint ko Nagmamadali ako umalis sa lugar na yun.
Ayuko na marinig Ang pinag uusapan nila Dahil Ang sakit ng dulot nito sakin.
Pagkagaling sa school maraming mga estudyante Lahat sila tumutulong para sa nalalapit na graduation namin bukas.
Pumunta ako sa room namin at nandun Ang mga kaklase ko Wala si michael dahil nagtx ito kanina na hindi makakapunta ng school at may inuutos daw dito Ang tatay Niya.
Lumapit ako sa mga kaklase ko at tumulong sa kanila. Nakangiting lumapit si francis sa akin.
"Ang ganda mo ngayon ash a!"
Namula ako sa sinabi Niya dahil nagulat ako ngayon lang Niya ako pinuri ng ganoon.
Dahil hindi ito Yung Tao na pagtitripan ka lahat ng bagay dito ay seryoso.
Kaya nga Sabi Nila basta pag nagbiro Ang president namin may laman,
Nginitian ko lang siya Pagkatapos namin tumulong sa school Nagsabay sabay na kami nagsiuwian,
sa ikalawang kanto lng naman ang bahay ni francis kaya sinsabayan na Niya ako umuwe.
Dahil Wala daw ako kasabay Kasi Wala si michael Kaya nagprisinta siya na hangang bahay ihatid ako Sobrang tanggi ko kaya lang mapilit siya.
Nagtatawanan kami habang nag uusap pagtapat nahagip ng mata ko Ang sasakyan ni sir Albert sa gilid ng barangay.
Aayain ko Sana si francis na tumawid kami para sa kabilang kalsada kami dumaan pero huli na dahil tinawag ito ng tito niya nanatatrabaho din sa barangay.
Hinila ako ni francis para sumama sa kanya na huli na para tumangi ako,
Pagtapat namin sa pinto nakita ko si kapitan at annalyn at si sir albert na nagulat pa na napatingin sa amin ni francis,
Ang talim ng tingin niya Kay francis na hindi nahalata ni francis dahil kausap nito Ang tito Niya.
Nakita ko din Ang simpleng paghawak ni annalyn sa braso ni sir albert na kinaiwas ko ng tingin sa kanila.
Hangang matapos Ang pag uusap ng mag tito hindi ko na sila tinignan pa na Alam ko na hindi kami nilubayan ng tingin ni sir albert,
Pagkahatid sakin sa bahay ni francis nagpaalam na ito
maya maya siyang dating ni michael,
"Hay bez exited na ko pra bukas"
Masayang Sabi nito.
Nginitian ko siya hindi ko pinahalata na naiinis ako dahil bukod sa magulang ko si michael Ang magaling kumilatis ng nararamdaman ko,
"Sabay Tayo bukas ah"
"Nga pala bez nabanggit ni francis saken Yung party bukas punta Tayo haSiguro Naman papayagan Tayo ni Tita dahil halos lahat naman ng kaklase natin kilala ni tita ahh"
Patuloy na salita ni michael.
"Pupunta talaga Tayo bez naka oo na din ako Kay fran e"
"Ayy! Bongga!!" Ang Saya sigurado.
Pero siyempre malungkot din kasi yun na Yung huli natin pagsasama lahat bukas noh? Kaloka!!"
Malungkot na Sabi Niya
Ou nga masaya na malungkot
Bulong ko sa sarili ko.
Natulog ako ng may lungkot sa mga mata ko ang sakit pala talaga pag nagmahal,
Natatakot ako para sa nararamdaman ko hindi ko alam pero natatakot talaga ako.