Kabanata 3: Pagpapanggap.

2328 Words
INAASAHAN na ni Helena na sa isang mamahaling restaurant sila dadalhin ni Daxon, pero ang hindi niya inaasahan ay mas magara pa ito sa kanyang inasahan. Sa isang five star hotel siya dinala ni Daxon. Sa loob ng hotel ay umakyat sila sa may pinaka-tuktok, sa rooftop. Isang magarang restaurant ang bumungad sa kanila. May mga maliliit na ilaw ang nakasabit sa itaas bilang ilaw sa buong rooftop. Mukhang mamahalin pati ang mga upuan at lamesa. Kung pumasok sila rito na hindi man lang sila binihisan ni Daxon, baka nagmukha silang basahan. Hindi niya naiwasang mamangha nang makita ang view. Kitang-kita mula roon ang mga ilaw na nanggagaling sa mga gusali sa ibaba. Ang gandang tingnan. Habang abala siya sa pagtanaw sa city view, hindi niya namalayang nasa tapat na pala sila ng lamesa kung saan nakaupo ang tatay ni Daxon. “Siya na ba ang apo ko?” tanong nito. Bitbit ni Daxon si Hans na kaagad namang ibinigay ni Daxon sa kanyang Ama. Pagkatapos ay ipinaghila niya ng upuan si Helena. “Thank you,” ani Helena matapos niyang umupo sa upuan. At saka pa lang naupo si Daxon. Nang makita ni Helena na karga ng tatay ni Daxon si Hans, nakaramdam siya ng kaunting konsensya. Paanong hindi siya makokonsensya? Kahit pa totoong kadugo ni Hans ang mga ito, pagpapanggap pa rin ang ginagawa nila. Para saan ba ang lahat ng ito? Bakit ba kailangan niyang maghanap ng magpapanggap na anak? “He looked like you when you were a little,” puna ni Don Pablo. “Sabi ko sa ‘yo, may anak na ako e…” sagot ni Daxon. “Are you satisfied now, Pa?” Nag-angat ng tingin si Don Pablo kay Helena. “Kailan at saan kayo nagkakilala ng anak ko?” Kinakabahang nilingon ni Helena si Daxon. Sinend-an naman siya ni Daxon ng script kung ano ang sasabihin pero likas na hindi yata siya artistahin. Nablangko ang utak niya at hindi na alam ang sasabihin. “Sa Bar, Papa…” sagot ni Daxon saka ibinaling ang tingin kay Don Pablo. “It’s a one-night-stand.” Ang script na sinend ni Daxon sa kanya ay totoo naman talagang nangyari. “Tapos po hindi na kami nagkita ulit. Akala ko hindi niya gustong magkaanak,” sagot ni Helena. “Ang hirap sa iyo, dumudura ka kung saan-saan!” saway ni Don Pablo kay Daxon. “One-night-stand? Sigurado ka bang anak mo ito?” Tiningnan ni Don Pablo si Hans mula ulo hanggang paa. “Kahawig mo siya pero paano ka nakasisigurado? Kailangan n’yo ng DNA test—” “Papa, 100% na sigurado ako. Wala ka bang tiwala sa akin?” Umangat ang tingin ni Don Pablo sa kanya saka siya tinitigan nang masama. “Baka naman niloloko mo lang ako? Baka pagpapanggap lang?” “Papa, bakit ko naman gagawin iyon sa ‘yo?” Marahang tumikhim si Don Pablo at saka inabot si Hans kay Helena. Tumingin siya sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa bago dinampot ang mga kubyertos. “May asawa ka na ba, iha?” “W-wala pa naman po…” “Anong pangalan mo? Paano mo binuhay ang bata na ikaw lang? Anong trabaho mo?” sunod-sunod na tanong ni Don Pablo habang hinihiwa ang steak na nasa plato. Marahas siyang napalunok. Mas lalo pa tuloy siyang kinabahan dahil sa sunod-sunod na tanong na iyon. Halata pa sa mukha ni Don Pablo na naninigurado ito. “Helena Santa Cruz po ang pangalan ko. Ah, nakatira po ako sa mga magulang ko, tumutulong po ako sa maliit na grocery store ni Mama…” sagot niya na isang malaking kasinungalingan. Iyon kasi ang napag-usapan nila ni Daxon. “Ganoon ba? Ibig sabihin, wala ka pang asawa?” tanong nito. “P-po?” kabadong tanong niya. “Ang sabi mo nakatira kayo sa mga magulang mo. Huwag mong sabihing kasama pati ang asawa mo?” Maagap na umiling siya. “Hindi po, wala po akong asawa…” Lumipat ang tingin ni Don Pablo kay Daxon pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa kanya. “Kung gano’n, bakit hindi ka na lang muna tumira sa bahay ni Daxon? Mag-live in kayo at tingnan ninyo kung pwedeng magpakasal kayong dalawa.” “Papa! Ano bang sinasabi mo r’yan?” “Bakit? Wala ka pa rin namang asawa. May anak kayo, kailangan ng bata ang buong pamilya.” “Pero Papa, hindi naman iyon ganoon kadali… isang beses lang may nangyari sa aming dalawa at hindi naman talaga kami nagkaroon ng relasyon. Pa, I can’t see the reason to live in with her—” “Sige po, wala pong problema sa akin,” mabilis na pagpuputol ni Helena kay Daxon. Bigla na lamang iyong lumabas sa kanyang bibig. Pero sa tingin niya, magandang pagkakataon iyon para maakit si Daxon. Ang goal niya ay aminin dito ang katotohanan na anak niya si Hans, pero isa rin sa goal niya ang maakit ito para mas maging madaling sabihin. Alam niyang isang malaking kalokohan pero nakapagdesisyon na siya, nandito na siya, bakit hindi niya pa itutuloy? “Helena, teka, baka nabibigla ka lang?” gulat na tanong ni Daxon. Ibinaling niya ang tingin kay Daxon at saka ngumiti. “Ayos lang. Ang totoo, nahihiya na rin kasi ako sa mga magulang ko. Hindi ako makapaghanap ng ibang trabaho dahil walang mag-aalaga kay Hans… baka mas ayos kung susubukan nating i-work out.” “Oh? Wala naman palang problema kay Helena, bakit hindi n’yo na lang subukan?” Nginitian niya si Daxon. Halata ang pag-aalinlangan sa mukha ni Daxon pero sa huli, napipilitan itong sumang-ayon sa ideyang iyon. Alas nwebe na ng gabi nang matapos ang dinner kasama si Don Pablo. Masayang kausap si Don Pablo, mabait ito at mukhang open minded. Hindi nahirapan si Helena na kausapin ito. Natakot pa siya noong una na baka masama ang ugali dahil mayaman pero nabigla siyang malayo sa inaasahan niya… “Sigurado kang titira kayo sa bahay ko? Pwede namang hindi… si Papa kasi, gusto na yatang mamatay at sumunod kay Mama. Gusto niyang makitang may anak at asawa na ako para makapahinga na raw siya.” Bahagyang natawa si Helena sa sinabi ni Daxon. “Nag-aalala lang siguro siya na tumanda kang mag-isa… Ah, Sir, hindi naman po sa usisera ako, pero bakit n’yo po ba ginagawa ito? Gwapo naman kayo, pwedeng-pwedeng makahanap ng girlfriend na pwede mong anakan para magkaroon ka ng sariling anak…” Dinilaan ni Daxon ang labi niya bago tuluyang sumagot. “It’s kind of personal.” Tumango na lamang siya. Curious man siya at gustuhin man niyang magtanong pang muli, nakakahiya na. Pero… “Hindi naman po kayo bakla ano?” Kung bakla man itong si Daxon, delikado! Paano niya aakitin kung bakla? Isang malakas na tawa ang kumawala mula sa bibig ni Daxon. Hindi niya kinaya at talagang inihinto niya pa ang kotse sa gilid ng kalsada para lang ituloy ang pagtawa. Habang si Helena ay nagtatakang nakatingin lang sa kanya. “Ano pong nakakatawa?” takang tanong niya. Huminto si Daxon sa pagtawa pero nakangiti pa rin nang tumingin sa kanya. Isinandal niya ang kanyang siko sa manibela saka ipinatong ang pisngi sa kanyang palad habang nakatitig sa kanya. “Sana nga gano’n lang ang problema ko. Hindi ba’t sabi kong kagaya mo ang mga babaeng tipo ko noon? Hindi ako bakla, Helena. Malaki lang talaga ang problema ko kaya ginagawa ko ito. You don’t have to know the reason.” Nakahinga siya nang maluwag. At least hindi bakla. Iyon lang naman ang kinatatakot niya. Kasi kung bakla ito, baka hindi niya kayaning akitin… pero kung bakla nga, paano nangyaring nakipag-s*x ito sa kanya? Ah basta! Bahala na. Basta’t gagawin niya ang lahat para lang maakit ito. Tumuloy ang byahe hanggang sa makarating sa bahay ni Joyce. Pagbaba niya’y sumunod kaagad si Daxon at tinulungan siyang ibaba si Hans mula sa likod ng kotse. “He’s sleeping, careful.” Tinulungan siya ni Daxon para bitbitin si Hans. “Okay lang bang kargahin mo muna siya? Bubuksan ko lang ang pinto.” “Yes, sure.” Tumango siya at kaagad na dinukot ang susi sa bag niya. Bubuksan na sana niya ang pinto nang mapansing may sapatos ng lalaki sa harap ng pinto. Hindi lang iyon… “Ah! Babe, teka lang naman! Hindi pwede, may kasama na nga ako sa bahay, hihi! Ano ba?” Napapikit siya nang mariin saka umatras at nilingon si Daxon. “Pwede bang sa inyo na muna kami ngayong gabi?” tanong niya. Saka hinarap si Daxon. Nagtatakang umangat ang gilid ng labi ni Daxon. “Bakit?” “Ah…” Saglit siyang nag-isip ng idadahilan pero mukhang napansin na nito ang dahilan kung bakit. “Alright, you can come to my house tonight. Pero bukas uuwi na muna kayo. Kailangan ko na munang paghandaan ang lahat bago kayo lumipat sa bahay.” “Thank you, pasensya ka na.” Alam niyang may sarili din namang buhay si Joyce. Nakakahiya naman kung hindi nito magawa ang mga bagay na dati niyang ginagawa dahil lang naroon sila ni Hans. Tama lang din pala ang desisyon niyang tumira na muna sa bahay nila Daxon. Hindi lang dahil sa plano niya, pero para na rin sa kaibigan niyang si Joyce na naging mabait sa kanya… Halos nakatulog na siya nang makarating sila sa bahay ni Daxon. Mabuti na lang at naalimpungatan siya kaagad pagkahinto ng sasakyan. Agad niyang pinalis ang takas pang laway sa gilid ng kanyang labi saka nilingon si Daxon. “Nandito na po tayo?” “Oo, tara na sa loob para makapagpahinga na kayo.” “Pasensya ka na talaga, Sir… pati kayo naabala namin.” “It doesn’t matter. And please don’t get used to call me Sir. Huwag na rin ang po at opo dahil baka makasanayan mo hanggang kaharap natin si Papa.” “Sige, Sir—ibig kong sabihin, Daxon.” Hindi na siya nanibago pa nang pumasok sila sa bahay ni Daxon. Maging ang guest room ay malaki at magara. Parang hindi nga lang pang-guest. Mas malaki pa ang kwarto kaysa sa inuupahan nilang apartment dati… Nakahiga na siya sa kama at ready na siyang matulog nang may kumatok. Kaagad niyang binuksan ang pinto at nakita si Daxon na may hawak na mga damit. “Here, you can use this. Iyan lang ang maliit na damit ko. Kaso si Hans, anong ipapalit niyang damit?” “Naku, ayos lang! Iyong suot na lang namin kanina…” Bumaba ang tingin niya sa damit na hawak ni Daxon. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kukote niya, pero kinuha niya iyon. “Salamat, Daxon. Lalabhan ko na lang bukas bago kami umalis.” Tumango si Daxon at saka tuluyan nang umalis. Pagkaalis ni Daxon ay kaagad siyang nagpalit ng damit at isinuot ang puting t-shirt nito. Naging tila loose shirt ito sa kanya. May pang-ilalim na shorts naman siya kaya ayos lang. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Daxon kapag nakita niya ang mga hitang ito? Iyon ang nasa isip ni Helena habang nakatingin sa whole body-sized mirror na nasa harapan niya. Nang matapos niyang usisain ang sarili ay binihisan na niya si Hans at pinasuso sa kanya. Breastfeeding pa rin si Hans pero dahil isang taon na ito mahigit ay sa pagtulog na lang ito dumedede sa kanya. Dahil sa lambot ng kama at lamig ng aircon, nakatulog siya nang mahimbing. Hindi niya namalayan ang oras kung hindi lang niya napansing nawawala si Hans sa tabi niya! Nagmamadali siyang bumangon at hinanap si Hans. Pero wala sa ilalim ng kama, wala rin sa buong kwarto maging sa banyo. Kahit na hindi pa siya nakakapagsuklay o hilamos man lang, wala sa sariling lumabas siya ng kwarto at hinanap si Hans. “Hans? Hans! Nasaan ka?” Nagmamadali siyang kumatok sa kwarto ni Daxon na katabi lang ng guest room pero walang sumasagot. Kaya namang tumakbo siya pababa ng hagdan. Kumakabog nang husto ang puso niya dahil sa kaba! “Hans? Baby? Nasaan ka?” Lakad-takbo niyang tinungo ang sala. Hanggang sa may narinig siyang tawanan. Boses iyon ni Daxon! Sumunod ang tawa ni Hans! Doon pa lang siya tumakbo patungo sa kusina kung saan doon niya narinig. Tuluyan siyang nakahinga nang maluwag nang makitang nakaupo si Daxon sa upuan habang si Hans ay nakaupo sa lamesa at tawang-tawa sa kanya. Nang mapansin siya ni Daxon, kaagad itong napatingin sa kanya… hindi… sa hita niya! Saglit na natulala si Daxon nang makita ang maputi at malamang hita ni Helena. Naging tila loose shirt ang damit niya rito at ni hindi lumagpas ang laylayan sa tuhod niya. Bahagya siyang nanginig, at agad na nag-angat ng tingin kay Helena. “A-ah, nagising si Hans kanina, umiiyak. Tulog na tulog ka kaya kinuha ko…” Nakabusangot na kinuha ni Helena si Hans. “S-sa susunod gisingin mo ako, kinabahan ako. Akala ko umalis siyang mag-isa.” Marahas siyang napalunok at kaagad na nag-iwas ng tingin kay Helena. “S-sige, sorry. Kumain ka na ng almusal. We already had breakfast.” Mabilis siyang tumayo habang hindi nakatingin. “I have to go, may pasok pa ako sa trabaho.” Mabilis na tumakbo si Daxon palabas ng kusina, paakyat sa hagdan hanggang sa makabalik sa kwarto niya. Kasi tangina, ano ‘yon? Nakita lang niya ang legs ni Helena pero bakit parang kinilabutan siya? Hindi lang basta kakaibang kilabot ang naramdaman niya… kun’di… Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize ang nangyari sa kanyang katawan. Kaagad niyang ibinaba ang tingin sa suot niyang shorts saka kinapa iyon… Sa loob ng halos dalawang taon niyang paghihintay at paggawa ng paraan para lang tigasan, bakit sa ganitong paraan pa siya tuluyang tinigasan muli? Ang malupit pa nito, hindi maalis sa utak niya ang makinis na hita ni Helena! Imbes na hintaying humupa ang paninigas niya, kaagad niyang tinakbo ang banyo para doon magpahupa. Kailangan niyang ilabas ang init! Baka sakaling mawala iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD