NAKAKATAWANG isipin na sa halos dalawang taon na naghanap ng paraan, naghanap ng pwedeng makatulong sa kanya at naghanap ng babaeng pwedeng magbigay sa kanya ng kakaibang experience, e dito pa talaga siya tinamaan ng libog. Sa babaeng babayaran niya para magpanggap na nanay ng hindi niya rin anak!
Kanina pa tulala si Daxon habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nakabihis na siya at lahat, humupa na rin ang paninigas ng p*********i niya pero, heto at mukha pa rin siyang tangang nakatulala. Ano bang mayro’n sa makinis niyang hita? Bakit sa dinami-rami ng pwedeng pagpantasyahan, iyon pa?
Hindi pa sana siya tatayo sa kama, kung hindi lang may kumatok sa pinto.
“Daxon, uuwi na kami ni Hans. Mamamasahe na lang kami. Pasensya na sa abala ha? Ingat sa trabaho—”
Hindi pa natatapos ni Helena ang sasabihin ay binuksan na ni Daxon ang pinto. Bumaba ang tingin niya sa suot nito at nakahinga nang maluwag nang makitang pantalon na ang suot.
Dinilaan niya ang nanunuyong labi saka ngumiti. “Ihahatid ko na kayo palabas ng village. Mahirap maghanap ng sasakyan mula rito. Kailangan pang mag-book online.”
“Ay naku! Pwede naman kaming maglakad. Sanay naman akong maglakad.”
“Hindi na, paalis na rin naman ako.”
“E kung iyan ang gusto mo, sige…”
Tuluyang pumayag si Helena na ihatid sila ni Hans sa may labas lang ng village. Na-weird-ohan siya sa ikinilos nito kanina sa kusina. Pero nang tingnan nito ang suot niyang pantalon kanina, alam na niya kaagad ang dahilan. Ano pa nga ba? Edi tumalab ang pagsuot niya sa t-shirt nito!
“Nga pala, iyong t-shirt mo, nilabhan ko na at isinampay sa may banyo ng guest room. Wala kasi akong makitang dryer man lang para mapatuyo ang damit…”
“Bakit mo nilabhan?” takang tanong ni Daxon.
“Ha? S’yempre, hiniram ko lang naman iyon sa ‘yo.”
“You don’t have to worry about that. Pero nagawa mo na kaya hayaan mo na…”
Tumango na lamang si Helena. Kung kahapon ay kumportable sila sa isa’t isa, naging awkward tuloy bigla. Panay ang pakikipag-usap ni Daxon sa kanya kagabi pero ngayon, saglit lang itong magsalita. Sasagot lang sa tuwing may sasabihin siya.
Nang makalabas na sila sa Village, inihinto ni Daxon ang sasakyan sa gilid ng gate at saka bumaba ng sasakyan para alalayan sila sa pagbaba.
“Ingat kayo sa pag-uwi,” ani Daxon. At saka nagtawag ng taxi.
Nang huminto na ang taxi sa harapan nila, saka pa lang naisipang itanong ni Helena.
“Teka, kailan ulit tayo magkikita?”
Umawang ang labi ni Daxon, saglit na hindi nakasagot…
“I’ll call you.”
Tumango si Helena saka tuluyang sumakay ng taxi. Hindi pa man tumatakbo ang metro, binayaran na ni Daxon ang taxi, may kasama pang tip. Mukhang yayamanin nga talaga itong si Daxon, nakabingwit siya ng mayamang tatay ng anak niya… hindi naman alam na totoong anak niya talaga!
Nang makarating sila sa bahay ni Joyce, naroon pa si Joyce sa kwarto niya at tulog na tulog. Kung hindi pa siya kumatok, hindi pa ito magigising.
Napabalikwas si Joyce sa kama at saka nagmamadaling tumayo.
“Bakit hindi kayo umuwi? Saan kayo natulog?”
“Natulog kami sa bahay ni Daxon,” sagot niya. “Mukhang doon na rin muna kami titira pansamantala…”
Namilog ang mga mata ni Joyce sa gulat. “Anong sabi mo? Paanong doon na muna kayo titira? Teka lang!”
Nagmamadaling dinampot ni Joyce ang bra niyang nakasabit sa upuan saka iyon isinuot bago tuluyang lumabas. Pinaglaro na muna ni Helena si Hans sa crib niya bago sila tuluyang naupo para mag-usap tungkol sa nangyari. Ikinuwento ni Helena ang lahat, bawat detalye. Mapagkakatiwalaan naman si Joyce at alam niyang hindi siya nito ilalaglag sa kahit na sino.
“So magsasama kayo para tingnan kung pwedeng maging buong pamilya talaga kayo?” tanong ni Joyce.
Tumango siya. “Oo, gano’n…”
“Pero paano kung totoong ma-in-love ka sa kanya?”
Hindi kaagad nakasagot si Helena…
“Pwede, pero sisiguruhin kong mauuna siyang mahulog sa akin.”
“Ay ang taray! Ano ‘to game of love ganern? Talo ang unang mahulog? Sabihin mo nga sa akin kung ano ba talagang plano mo! Mukhang mayroon na pero ayaw mo lang sabihin sa akin, e.”
Kagat-labing nagkibit-balikat si Helena. “Ayaw ko na munang sabihin. Sasabihin ko na lang kapag nasimulan ko na.”
“Ang daya naman! Pero… sige kung ano ang sa tingin mong tamang gawin. Kung ano man ang mangyari, tatawagan mo lang ako palagi. I-update mo ako palagi, araw-araw mo akong i-text.”
“Daig mo pa ang mga magulang ko kung magpa-update.”
“Speaking of, wala ka na ba talagang komunikasyon sa kanila?”
Malungkot na ngumiti si Helena saka nagkibit-balikat. “Wala na… mukhang kinalimutan na nila ako bilang anak.”
“Noon pa man, ganyan naman na sila ‘di ba? Parang ang gusto lang ay gawin kayong investment. Siguradong subsob ngayon ang Kuya mo sa pagtatrabaho…”
Hindi na sinagot iyon ni Helena. Ang totoo, ganoon nga ang mga magulang niya. Kung gaano sila ka-spoiled, ganoon din ang gusto nilang balik na gagawin para sa kanila balang-araw. Dahil palagi silang sinasabihan na sila ang mag-aahon sa kanila sa hirap balang-araw. Lumaki si Helena na ang lahat ng kanyang achievements ay bilang ng mga magulang nila… lalo na ng kanyang ina.
Ilang araw ang lumipas at hindi pa rin tumatawag si Daxon. Gusto niyang i-text ito at tanungin pero nahihiya naman siyang magsabi kung sakali. Isa pa, binayaran na siya ni Daxon ng kalahati ng napagkasunduang presyo. Hindi kaya… hindi na ito tutuloy?
Abala siya sa paghuhugas ng pinggan nang biglang kumalabog ang pinto.
“Joyce! Ilabas mo ang mag-ina ko!”
Namilog ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Ronnie. Nagmamadali niyang binitiwan ang pinggan. Kahit na may bula pa ang kamay niya ay patakbo niyang kinuha si Hans sa crib at tinungo ang kwarto para doon magtago.
“Putangina! Joyce buksan mo ang pinto! Helena! May nagsabi sa akin na dito ka nakatira ngayon! Umuwi ka na sa bahay, bwiset ka!”
Nanginginig si Helena dahil sa takot. Marinig niya pa lang ang galit na boses ni Ronnie, takot na siya. Malaki ang trauma niya sa lalaking ito.
“Helena, please? Bumalik ka na… okay sorry? Hindi ko na uulitin.”
Pumikit siya nang mariin habang yakap si Hans. Wala na sa katinuan ang utak niya, nanlalamig ang buo niyang katawan habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Helena, sige na, buksan mo na ang pinto. Bukas ang ilaw, sigurado akong nand’yan ka… Magbabago na ako, hindi na ako mambababae, okay? Hindi na kita sasaktan. Bumalik ka na.”
Isang buwan na ang nakalipas, bakit ngayon lang sila nito hinanap? Nakapag-isip na siya nang maayos, hindi na siya babalik kay Ronnie kahit na anong mangyari. Ganito na ang epekto sa kanya ni Ronnie, paano pa sa susunod? Paano kung patatawarin niya ulit at umulit ngunit mas malala pa ang gagawin? Hindi na niya iyon makakaya.
“Punyeta naman, Helena! Hindi na tayo bata para umakto kang bata! Sinong magpapalamon sa inyo? Si Joyce? Aabalahin mo pa 'yong tao! Lumabas ka na r’yan at uuwi na tayo!”
Sunod-sunod at malalakas na kalabog ang ginawa ni Ronnie sa pinto. Parang gusto na nitong wasakin para lang mabuksan. Habang si Helena, nakaupo pa rin. Hindi siya makagalaw habang si Hans ay nakayakap sa kanya.
Habang patuloy siya sa pag-iyak at patuloy sa pagkalabog ang pinto, huminto iyon nang may narinig siyang humintong makina ng sasakyan.
“Sino ka?”
“Bakit sinisira mo ang pinto?” tanong ng lalaking kadarating lang.
Hindi alam ni Helena kung sino iyon, hindi masyadong marinig ang usapan dahil mahina na iyon kumpara sa sigaw ni Ronnie.
“Aalis ka o tatawag ako ng pulis?”
Iyon na lang ang huli niyang narinig bago narinig ang sunod-sunod na mura ni Ronnie. Hanggang sa may kumatok muli.
Kinabahan siya roon dahil akala niya, si Ronnie pa rin at hindi pa umalis.
“Helena, ako ‘to, si Daxon.”
Nag-angat ng ulo si Helena nang marinig ang pangalan ni Daxon.
“Buksan mo na ang pinto, umalis na siya.”
Kahit kinakabahan pa, binuksan niya ang pinto ng kwarto habang karga si Hans. Pilit niyang pinalis ang mga luha sa kanyang mga mata habang naglalakad patungo sa pinto palabas.
“S-sigurado ka?” kabadong tanong niya.
“Oo, umalis na siya…”
Nanginginig ang kamay na pinihit niya ang seradura ng pinto at nang tuluyan niyang hilahin at buksan ang pinto, naroon nga si Daxon.
Hindi niya napigilan, mas lalo siyang naiyak. Akala niya magagalit si Daxon, lalo na at hindi niya sinabi ang tungkol kay Ronnie pero hindi iyon nangyari. Hinawakan ni Daxon ang balikat niya at pinapasok sila sa loob.
Nang maisara ang pinto, kinuha ni Daxon si Hans mula sa kanya at siya mismo ang nagpunas ng luha sa kanyang pisngi.
“Kunin mo na ang mga gamit n’yo, kung hindi ako dumating, paano na lang kayo ni Hans?”
“S-sorry… sorry dahil hindi ko sinabi sa ‘yo. Pero maniwala ka, ayoko na talagang bumalik sa kanya. Ayaw ko na…”
Hindi na sumagot pa si Daxon at ipinakuha na sa kanya ang mga gamit nila. Dali-dali silang umalis ng bahay ni Joyce matapos na kunin ang kanyang bag.
Habang nasa byahe, tulala lang si Helena. Habang si Daxon ay panay ang sulyap sa kanya, hindi rin mapakali na ganoon ang nadatnan niyang eksena kanina.
Alam niyang maling pumagitan sa away ng iba pero base sa narinig niya kanina mula sa lalaking tumatawag kay Helena, mukhang nananakit ito at nambababae. Halata rin sa mukha ni Helena na may takot siya rito, na malaki ang trauma nito sa lalaki.
Tulog na si Hans nang makarating sila sa bahay ni Daxon. Kaya idiniretso na nila ito sa kwarto, doon din sa guest room kung saan sila unang natulog.
“Hindi ka pa rin kumakalma, titimplahan kita ng tsaa.”
“Naku, huwag na! Malaking abala na ang nagawa namin sa ‘yo.”
Hindi hinayaan nito hinayaang tumanggi si Helena. Kaagad niyang hinawakan ang kamay nito. “Halika na, uminom ka na para makatulog ka nang maayos.”
Kahit nag-aalangan, pumayag na si Helena. Ang totoo ay nanginginig pa rin siya at mabilis ang t***k ng puso dahil sa nangyari.
“Maupo ka, ipagtitimpla kita. Saglit lang ako.”
Naupo si Helena sa sofa na nasa living room. Katapat niya ay isang 32 inches na TV. Umalis si Daxon habang naiwan si Helena roon.
Kahit pa hindi naman nakabukas ang TV, nakatulala siya roon, titig na titig at naglalakbay pa rin ang isip. Paano kung dito naman siya mahanap ni Ronnie? Paano kung kulitin nito si Joyce? Paano kung…
“Ito na ang tsaa. Peppermint tea iyan, maganda para makatulog ka nang mahimbing.”
Bumaba ang tingin niya sa maliit na tasang nakapatong sa babasaging lamesa bago nag-angat ng tingin kay Daxon.
“Thank you…”
Naupo na rin si Daxon sa tabi niya saka sila nagkatinginan.
“Asawa mo ba iyon? Live in partner o…”
“Ex-boyfriend… naging live in partner ko siya sa loob ng isang taon. Naghiwalay kami noong nakaraang buwan lang,” sagot niya. “Pasensya ka na at hindi ko nasabi sa ‘yo ang tungkol dito. Pero promise, hindi ko naman na siya babalikan.”
“Sinasaktan ka ba niya noon?”
Naitikom ni Helena ang bibig niya saka yumuko. “Oo…”
“s**t, I couldn’t believe those kind of men. Niligawan ka, pinasagot ka, pagkatapos sasaktan ka lang?”
“Ayaw ko nang balikan… sorry, pwede bang huwag muna nating pag-usapan?”
Umawang ang labi ni Daxon sa tanong niyang iyon. Nang masilip niya ang mga mata ni Helena, kitang-kita roon ang trauma sa kung ano ang pinagdaanan niya sa kamay ng dati nitong boyfriend.
“Okay, I’m sorry…”
Kagat-labing napatitig si Helena sa kanya, sa kabilang banda, naisip ni Helena ang pwedeng nangyari kung sakaling nahanap niya kaagad si Daxon. Siguradong hindi niya naranasan ang p*******t ni Ronnie…
Hindi niya namalayang tumulo na pala ang luha sa kanyang mga mata. Habang si Daxon, kaagad na pinunasan ang tumulong luha sa mata niya.
Bumaba ang tingin ni Daxon sa mapulang labi ni Helena. Wala iyong lipstick, pero bakit mapula? Mukha pang malambot, nakakaakit. Wala sa sariling hinalikan niya si Helena sa labi.
Namilog ang mga mata ni Helena nang maramdaman ang malambot na labi ni Daxon sa kanya. Imbes na kumalma, mas bumilis pa ang pagtibok ng puso niya sa sobrang kaba! Nataranta siya, hindi niya alam kung itutulak niya ba si Daxon o hahayaan lang pero sa huli…
Hinawakan niya ang matipunong dibdib ni Daxon at marahan itong itinulak palayo sa kanya. Namumungay pa ang mga mata ni Daxon nang lumayo ito sa kanya. At mukhang ngayon lang din niya napagtanto ang kanyang ginawa. Mabilis na umatras si Daxon kasunod ng pagbasa niya ng labi gamit ang dila.
“s**t… s-sorry! Sorry, I was… I… inumin mo na ang tsaa, aakyat na ako para matulog.”
Kabadong tumayo si Daxon at tumakbo palayo kay Helena. Nang makarating siya sa kwarto niya ay kaagad na tumakbo siya sa banyo. May pagmamadaling hinubad niya ang suot na t-shirt, kinalas ang butones ng suot niyang pantalon saka isinunod ang zipper. Mabilis na ibinaba niya ang kanyang pantalon at saka binuksan ang shower.
Hinihingal na itinukod niya ang kamay sa tiles na pader saka hinayaang umagos ang malamig na tubig mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang katawan. Halik lang iyon, pero tangina, tigas na tigas siya! Si Helena lang ang nakagawa nito sa kanya!
Noong unang beses na tinigasan siya nang dahil kay Helena, sinubukan niyang manuod ng p**n, sinubukan niyang patigasin ulit ang t**i niya pero hindi na nangyari. Ngayon na lang ulit!
Hinawakan niya ang tigas na tigas niyang p*********i saka iyon marahang pinisil. Mahabang ungol ang pinakawalan niya saka pumikit. Sa pagpikit niya, mukha kaagad ni Helena ang nag-flash sa utak niya. Umawang kaniyang labi kasunod ng pag-angat at pagbaba niya sa kanyang kahabaan. Nag-iinit ang buo niyang katawan, nakikiliti ang kanyang puson sa sensasyong nararamdaman niya.
“H-helena…”
Hindi niya napigilang iungol ang pangalan nito habang nagsasalsal. Alam niyang mali ang ginagawa niya, pero nindi niya mapigilan.
Umangat ang pang-upo niya habang patuloy siya sa pag-angat baba ng kanyang palad sa tigas na tigas niyang t**i. Marahas ang bawat ungol niya. Napakapit siya sa lababong naroon habang ang kiliting namumuo sa kanyang puson ay mas tumitindi.
“Helena… s**t, ah!”
Hanggang sa…
“D-daxon? Anong nangyayari sa ‘yo?! Nadulas ka ba?!”