Lorna's POV
Isang linggo na ako dito sa mansion ni Ninong. Nababagot na ako dito sa loob. Hindi ko na rin nakita si Ninong pagkatapos noong gabing tumakas ako. Ang sabi ni Manang Sasa, hindi daw umuuwi dito si Ninong kundi sa condo niya. May condo pa pala siya. Bakit kaya hindi siya umuuwi dito? Abala siguro sa pagiging senator niya.
Napalingon ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.
Sino kaya ito?
Huminga akong malalim bago tuluyang naglakad upang buksan ang pintuan. Pagbukas ko tumambad sa akin ang ngiting-ngiti na mukha ni Manang Sasa.
"Hija, tumawag si Mr. senator, bukas raw ay magsisimula ka na sa pag-aaral mo sa kolehiyo."
"Ho?"
"Ito nga oh!" itinaas niya ang hawak niyang hanger. "Mga uniform mo naipadala na niya. Mawawala na rin ang pagkakabagot mo dito dahil simula bukas nasa school ka na. Marami ka ng makakausap at makikilala."
Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang naisip pa ng Ninong ko na pag-aralin ako. Na-miss ko ang buhay estudyante.
"Manang, hindi po ba uuwi si Ninong senator?" hindi ko alam kung bakit naitanong ko 'yon.
"Mukhang hindi hija. Hindi niya nasabi sa akin kanina na uuwi siya. Nasanay akong kapag uuwi siya bumibilin siya sa akin na magluto ng marami. Alam mo kasi si Mr. Senator, hindi mahilig 'yan kumain sa labas kahit maraming pera. Umuuwi talaga 'yan dito at mag-uutos na magluto ako ng marami."
"Ganoon ba."
Bakit bigla akong nalungkot? Mas mabuti nga 'yong hindi siya uuwi para hindi ko makita ang kaniyang pagmumukha.
"Manang, may girlfriend na po ba si Ninong senator?"
Hindi ko alam kung bakit ko pa naitanong ang bagay na 'yon. Nasagot na rin naman ito ni Ninong noon pero gusto kong marinig mula sa iba kung totoo nga ba talaga. Sa gwapo ni Ninong sigurado akong maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya.
"Alam mo hija, wala pa akong nakikitang babae na dinadala si Mr. Senator dito. Siguro sa condo niya. Hindi natin alam baka doon niya dinadala."
"Ganoon po ba? Mabuti naman po kung ganoon."
"Anong mabuti?"
"W-wala po, Manang."
"Oh, siya! Isukat mo itong uniform mo baka kasi maliit sa 'yo o malaki mapapalitan kaagad natin."
Nang tanggalin ni Manang ang plastic na silbing cover nito ay napangiwi na lang ako.
"Manang, sigurado ka po ba na uniform ko 'yan?"
Kinulang ng tela sa palda. Sumobra naman sa pang-itaas na uniform dahil longsleeve ito.
"Hija, iyan talaga ang uniform mo."
"Puwede bang palitan, Manang?"
"Naku, hija...hindi puwedeng palitan ito. Lalo na at uniform ito. Pagtiyagaan mo na lang ito kaysa hindi ka mag-aaral."
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala na talaga akong choice kundi pumayag na lamang sa uniform na ito. Kung gaano kahaba ang uniform ko doon sa lugar namin, kabaliktaran naman sa haba ang iksi ng uniform ko dito.
"Lalabas na ako, hija may gagawin pa kasi ako sa kusina."
"Sige po, Manang salamat po."
Nang makalabas si Manang Sasa ay napag-isa na naman ako sa kwarto. Bored na bored na ako rito. Kung nasa kumbento lang sana ako ngayon, marami siguro akong ginagawa.
-----
Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi ako makatulog. Maaga pa naman ako bukas. Sa halip kasi na matulog, nagawa ko pa talagang makipagtitigan sa kisame.
"Hay..." bulong ko sa sarili habang marahang kinusot ang aking mga mata.
Ilang oras na lang ay umaga na. Magdamag akong hindi nakatulog. Hanggang sa marinig ko ang alarm clock.
"Umaga na pero hindi man lang ako nakatulog."
Mabigat ang katawan kong bumangon mula sa kama. Pagharap ko sa salamin, halos mapangiwi ako ng makita ang aking mukha
Namamaga ang mga mata ko.
Halatang-halata ang malalalim kong eyebags at maputla rin ang aking mukha. Para akong ilang araw na walang tulog. Kagabi lang naman ako hindi nakatulog.
Sinubukan kong maghilamos ng malamig na tubig nang ilang ulit, umaasang mababawasan ang eyebags ko ngunit hindi. Naglagay pa ako ng concealer sa eyebags ko para naman hindi mahalata.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nagbihis na lamang ako ng uniform ko at muling bumalik sa salamin para ayusin ang mukha ko. Nang matapos ay napagpasyahan ko ng lumabas.
Panay naman ang hila ko sa suot kong palda dahil sa ikli nito. Kaunting galaw ko lang makikita na ang cycling na suot ko.
Pagbaba ko nga ay hindi ko akalaing masisilayan ko si Ninong. Nakatitig siya sa akin habang papalapit ako sa kaniya. Sinuyod niya yata ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ninong, bakit ngayon ka lang?" ako na ang naunang magtanong sa kaniya.
"I've been very busy these past few days—"
"Kaya ba nandito ka dahil hindi ka na busy?" putol ko sa pagsasalita niya.
"Ihahatid kita kaya ako nandito." sagot niya. Muli siyang napatingin sa aking mga mata. "What happened to your eyes? Bakit ang laki ng eyebags mo?"
Sabi ko na nga ba mapapansin niya. "Ah, wala ito, Ninong. Hindi lang ako nakatulog kagabi."
"Sa susunod matulog ka ng maaga. Hindi yung nagpupuyat ka. Halika na, ihahatid na kita. Wala ka na bang nakalimutan?"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "I-ihahatid mo 'ko?"
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman po sa ganoon, Ninong. S-sige po ihatid niyo na ako. Sa iksi kasi nitong palda ko baka mabusuhan pa ako sa jeep kapag nag-commute ako." napanguso ako. Napatingin siya sa palda ko. Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
"Masyado ngang maiksi. Hayaan mo papalitan ko."
"Hindi ba't ito naman ang gusto mo, Ninong? Lahat nga ng damit na binigay mo sa 'kin kulang sa tela. Kaya masasanay din po ako sa uniform kong ito."
Tiningnan lamang niya ako tsaka ito tumikhim. "Halika na, baka ma-late ka pa. Ang dami mo pang sinasabi."
"Opo, Ninong."
Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na lamang ako. Naghihintay ang sasakyan niya sa tapat ng mansion. Pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka pinapasok sa loob ng kotse niya. Siya naman ay umikot sa driver seat.
Nang makapasok ay hindi ko inaasahang lalapit siya sa akin.
"Ninong, ano po ang ginagawa mo?"
"Fasten your seatbelt." utos niya tsaka ito lumayo na.
Oo nga pala, nakalimutan kong mag-seatbelt. Umandar na ang kotse habang isinusuot ko ang aking seatbelt.
Tahimik lang ang byahe. Hindi ako umiimik, ganoon din si Ninong senator. Ganito pala katahimik si Ninong. Minsan nakakatakot siya, minsan naman nagiging misteryoso habang minsan nagiging sweet at charming.
"Lorna..." sambit niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ano po 'yon, Ninong?"
"May boyfriend ka bang iniwan sa lugar niyo?"
"Boyfriend? Wala po, Ninong. Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend."
"Good."
"Bakit po, Ninong?"
"I'm just making sure you don't have a boyfriend. As long as you're living under my roof, I don't want you having one. Just focus on your studies. If I find out you have a boyfriend—
Hindi niya tinapos ang gustong sabihin.
"Ano po 'yon Ninong? Ano po ang gagawin mo kapag nalaman mo na may boyfriend ako?"
"Nothing. Malalaman mo kapag sinuway mo ako."
Napanguso na lang ako. Hindi na umimik si Ninong kaya hindi na rin naman ako nagsalita.
Hanggang sa huminto ito sa tapat ng gate.
"We're here." nauna siyang lumabas sa sasakyan at umikot. Pinagbuksan niya ako at inalalayan.
Narinig kong umingay ang paligid. Dumami ang babaeng studyante sa tapat namin.
"Ninong, a-anong nangyayari?" bigla akong na-confused. Biglang dumami ang mga babae at lahat sila nakatingin kay Ninong senator.
"Nandito yung pinakabatang senator."
"Ang gwapo niya lalo na sa personal."
"Sino naman 'yang babaeng hinatid niya ngayon ko lang 'yan nakita."
"Oo nga eh! Hindi kaya kapatid ni Mr. Senator?"
Iba't-ibang usapan ang narinig ko mula sa mga marites dito sa school na ito.
Hindi ko tuloy maiwasang tingnan si Ninong senator. Sikat pala siya sa mga studyante dito. Lahat humanga sa kaguwapuhan ng Ninong ko.
"Ninong, hindi mo naman po sinabing sikat ka pala dito."
Bago pa man makapagsalita si Ninong ay meron ng tuluyang lumapit sa amin.
"Hello po, Mr. Senator." bati ng isang babaeng maputi at blonde ang buhok. Napatingin siya sa akin ngunit inirapan niya ako ng mga mata.
Hindi lang 'yon ang lumapit kay Ninong kundi marami pa. Wala na akong nagawa kundi iwan na lamang si Ninong doon. Hindi na ako nakapagpaalam pa. Tuluyan na akong pumasok sa loob upang hanapin ang room ko.
Mukhang maliligaw pa yata ako sa laki ng campus na ito. Ang lawak ng campuz plaza.
Sa wakas! Nakita ko rin ang room ko. Nandito na ako ngayon sa tapat ng pinto kaya tuluyan na akong pumasok. Pagpasok ko, marami ng studyante sa loob. Napatingin silang lahat sa akin. Ako lang yata ang transferee dito.
Hindi ko alam kung saan ako uupo. May bakante doon sa likod kaya naglakad ako patungo doon para umupo. Habang naglalakad ako, hindi ko akalaing matatapisod ako. Hindi ako puwedeng magkamali, may humarang sa daraanan ko kaya ako natapisod. Muntik pang tumama ang nguso ko sa likod ng upuan.
"Oops! Sorry." narinig kong sabi ng babae sabay tawa nito. Sinundan pa ng ibang babae.
Unti-unti akong tumayo at pinagpag ang aking palda. Hinarap ko sila. Iilan ang mga babaeng tumatawa. Ang iba naman ay nakatingin lang sa akin.
Anong problema ng mga 'to?
Huwag mo na lang silang papatulan, Lorna. Hayaan mo sila. First day mo 'to kaya dapat maging mabait ka na lang sa kanila kahit hindi sila mabait sa 'yo.
Nginitian ko na lamang sila. Unti-unting gumuhit ang pagtataka sa mukha nila ng makitang ngumiti ako.
Bago pa ako makapagsalita ay bigla ng dumating ang aming professor. Kaya biglang tumahimik ang buong classroom.
----
Third Person POV
Tahimik na naglakad ang tatlong senador palabas ng gusali ng Senado matapos ang mahabang session. Halata ang pagod sa kanilang mga mukha matapos ang halos buong araw na talakayan at sunod-sunod na pagpupulong.
Leandro loosened his necktie while William stretched his shoulder.
Napabuntong-hininga naman si Joseph, ang pinakamatanda sa senado, saka marahang umiling.
"Goodness," Joseph muttered. "After a day like this, I think we've earned ourselves a proper break."
Napatawa si William.
"My back is killing me." He glanced at Leandro with a playful grin. "Honestly, I feel like unwinding tonight. Know any good places, Leandro?"
Leandro remained silent for a moment, thinking.
"There's only one place I usually go whenever I want to relax," he finally replied. "It's quiet, private, and they have excellent service."
"If that's your recommendation, then I'm in." Joseph agreed.
"Sounds good to me. Let's head there."
Ilang minuto lamang ang lumipas ay magkakasunod na umalis ang kanilang mga sasakyan patungo sa isang exclusive bar.
Pagdating nila roon, agad silang sinalubong ng manager at magalang na binati. Dahil suki na si Leandro ay kilalang-kilala na siya dito. Mabilis silang naihatid sa isang pribadong VIP lounge na malayo sa ingay ng pangunahing bahagi ng bar.
Komportable silang naupo sa mamahaling leather sofa habang isa-isang inilapag ng staff ang kanilang mga inumin.
Sumandal si Joseph at napabuntong-hininga.
"Now this is exactly what I needed."
Inilibot naman ni William ang paningin sa paligid bago tumingin kay Leandro.
"So... are we just going to drink tonight, or are we letting the manager arrange some hostesses to keep us company?"
Leandro casually swirled the whiskey in his glass.
"You can ask the manager to send a few over if you want."
Joseph chuckled. "Just make sure na maganda at sexy."
William grinned. "Siguro naman sexy at magaganda ang mga babae dito. Hindi ka naman siguro babalik-balik dito, Leandro kung hindi." natatawang sabi ni William.
Maya maya lang ay may mga babae ng pumasok sa VIP lounge. Nakasuot lamang ang mga ito ng mini dress.
"Woah!" napahanga si William at Joseph.
Isa-isang lumapit sa kanila ang mga babae. Kaagad na umupo sa kandungan ni Joseph ang isang babae. Si William naman ay pinapanuod ang babaeng sumasayaw sa harapan nito. Habang si Leandro, pinaglalaruan ang whiskey sa baso. Sinubukan siyang lapitan ng babae sabay upo nito sa kandungan. Hinayaan niya lang ito na gawin kung anong gustong gawin sa kaniya ng babae.
"Sir, anong gusto mo? Sasayaw ako sa harapan mo o luluhod sa harapan mo?" mapang-akit na tanong ng babae kay Leandro.
Matalim niya itong tiningnan bago sumenyas na palapitin ito sa kaniya. Inilapit niya ang mukha sa tainga nito tsaka bumulong
"I don't need a woman like you. Go entertain my friends. I'm fine with my whiskey."
Sumimangot kaagad ang mukha ng babae sabay alis sa kaniyang kandungan. "Napakasungit naman."