NINONG SENATOR 4

1767 Words
Third Person POV Umaga na nang tuluyang huminto ang itim na sasakyan ni Senator Leandro sa tapat ng kaniyang mansion. Halos magdamag siyang nasa Senado dahil sa emergency hearing tungkol sa malaking corruption case na kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyal. Mabigat ang kaniyang mga mata dahil inaantok ng ngunit pilit niyang nilalabanan pa. Gusot na rin ang suot niyang polo, at bahagyang nakaluwag ang kurbata sa kaniyang leeg. Hindi siya nakauwi kagabi at hindi niya natabihan si Lorna. Pagpasok niya sa loob, agad niyang nadatnan si Manang Sasa sa sala. Isa sa mga maid niyang matagal ng nagtatrabaho sa kaniya. Abala itong naglilinis, ngunit mabilis na napalingon nang marinig ang pagbukas ng pinto. “Mr. Senator, nakauwi na po kayo,” bati nito. Naglakad siya palapit dito. Tahimik na iniabot ni Leandro ang kaniyang coat at mga dalang gamit. Kaagad naman iyong kinuha ni Manang Sasa at maingat na inilapag sa couch. “Si Lorna?” tanong niya habang minamasdan ang tahimik na paligid. “Nasa taas pa po, Mr. senator sa kaniyang silid. Hindi pa nga po bumababa. Baka tulog pa.” Napatingala na lamang siya sa napakataas na hagdan. “Nagustuhan ba niya ang mga damit na pinadala ko?” Napangiti si Manang Sasa. “Mukhang ayaw po niya noong una, Mr. Senator… pero tinanggap rin naman niya.” Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng Senator. "Good. Pabain mo siya, Manang Sasa. Sasabay siyang kakain sa akin mamaya." “Opo, Mr. Senator.” Matapos ang maikling bilin, umakyat na ang Senator sa ikalawang palapag. Dumiretso siya sa kaniyang silid at isinara ang pinto. Isa-isa niyang hinubad ang suot niyang mga saplot. Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas siya ng silid na nakasuot ng gray sweatpants at puting sando. Habang naglalakad patungo sa hagdan, napatingin siya sa pintuan ng silid ni Lorna. Hindi niya napigilang lumihis ng direksiyon upang puntahan ang inaanak. Kumatok siya nang dalawang beses bago sinubukang buksan ang pinto. Nabuksan niya ito kaya tuluyan siyang pumasok sa loob. “Lorna?” Walang sagot. Ilang beses niya pang tinawag ang dalaga ngunit hindi pa rin sumasagot ito. Nanatiling tahimik ang loob ng silid. Napalingon na lamang siya sa banyo ng marinig ang lagaslas ng tubig. Nasa loob ng banyo ang dalaga. Lalabas na sana siya ng bigla siyang matigilan dahil naagaw ang kaniyang atensyon ng iilang pirasong tela na nakakalat sa sahig. Nasapo niya ang noo ng malinawang baby bra itong nakakalat sa sahig at isang pirasong red underwear. Napailing siya, ngunit may munting ngiting sumilay sa kaniyang mga labi. “Mukhang kahuhubad lang niya sa mga ito.” mahina niyang bulong. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa simpleng tanawing iyon ay tila may kung anong nabuhay sa pagitan ng kaniyang mga hita na hindi niya inaasahan. Bigla niyang naramdaman ang kakaibang init na gumapang sa kaniyang katawan. Hindi niya akalaing tanging inaanak niya ang nagpabuhay sa matagal ng natutulog niyang sandata. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "s**t!" napamura siya ng malutong. Ngunit bago pa siya tuluyang makabawi, tuluyan niya ng narinig ang pagbukas ng pintuan sa banyo. Lumabas mula doon si Lorna nakatapis lamang ng tuwalya. "Ay! Diyos ko po! Ninong!" napasigaw ito ng wala sa oras ng makita siyang nakatayo habang nakatingin sa dalaga. "A-ano po ang ginagawa niyo dito?" nahihiyang tanong nito. Hindi nagtagal ay nagbaba ito ng tingin sa sahig. "A-ang panty ko!" sigaw nito tsaka tumakbo upang pulutin ang panty at baby bra nito. ----- Lorna's POV Nakakahiya! Ano ba kasi ginagawa ng Ninong ko dito sa kwarto ng ganito kaaga. Nakita niya tuloy ang baby bra at panty ko. Nang balingan ko si Ninong sapo na nito ang noo habang nakatingin sa akin. Pansin ko rin nakatingin siya sa dibdib ko. "Hindi ka na dapat nagsusuot ng baby bra, Lorna." anito na nakangiti. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa tuwalya na silbing takip sa aking katawan. "Ano po ba dapat na isuot ng katulad ko, Ninong? Hindi naman po kasing laki ng dibdib ng ibang babae ang dibdib ko." napanguso ako. "Palakihin natin." kaagad na sagot niya. "Po? Anong ibig mo pong sabihin?" hindi ko napigilang magbaba ng tingin sa umbok ng pagitan ng kaniyang mga hita. A-ano 'yon? Bakit may bumubukol? Halatang-halata kasi dahil sa suot niyang gray pants. At talaga nga namang bagay na bagay sa kakisigan ng Ninong ko. Tumikhim siya at agad na tumalikod. Para bang may itinatago sa akin. "Magbihis ka na at sumunod na agad sa akin sa labas. Sabay tayong kakain. Marami tayong pag-uusapan tungkol sa pagtira mo dito kaya huwag kang magtagal." sinubukan niya ng humakbang palabas ng silid kaya hinabol ko na lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na nga siyang makalabas sa aking kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lamang lumabas na siya. Kung hindi baka hindi na matapos-tapos ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit tuwing kaharap ko ang Ninong Senator ko ay kinakabahan ako. Ang bilis rin ng t***k ng puso ko. Hindi kaya dahil gwapo siya? Ilang taon na kaya siya? Akalain mong may ninong akong gwapo at mukhang bata pa. Paano kung kasing edad lang pala siya ni Papa mukhang bata lang. ----- Ilang beses akong nagpalit ng damit sa harap ng salamin, ngunit wala talaga akong magustuhan sa mga ibinigay ni Ninong Senator sa akin. Napakamot na lang ako sa aking batok habang hindi naman maipinta ang aking mukha sa inis. Halos lahat ay masyadong fit sa katawan, may maiikling palda, mga blouse na hindi ko kailanman pinangarap isuot. Hindi ako sanay sa ganoong klase ng pananamit. Mas komportable ako sa simpleng damit lang. Maluluwag na blouse, mahabang palda, at mga damit na hindi nakakaagaw ng tingin sa ibang tao. Lalo na sa mga lalaki. Sa wakas, may nakita akong long-sleeved top na puwede kong pagtiyagaan. Wala nga lang itong kaparehang pantalon o palda, kaya napilitan akong magsuot ng shorts. Habang bumababa ako ng hagdan, lalo lang kumukulo ang dugo ko. Ano bang iniisip ng ninong ko? Pagdating ko sa dining area, agad kong nakita si Ninong senator. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang dining table, tila kanina pa naghihintay. Nakasuot siya ng gray sweatpants at puting sando. “Akala ko paghihintayin mo pa ako ng matagal." malamig niyang sabi nang mapansin niya ako. Hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa harap niya at agad na nameywang. “Ninong, ano po bang balak niyo sa akin?” diretsahan kong tanong. Bahagya siyang nagtaas ng tingin, tila hindi inaasahan ang tono ng pananalita ko. “Anong ibig mong sabihin?” “Ang mga damit na ibinigay niyo po sa akin.” Itinuro ko ang sarili kong suot. “Hindi ako sanay magsuot ng ganito. Halos lahat ng ipinadala ninyo ay masyadong sexy para sa akin. Hindi ko po kayang isuot ang mga iyon.” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, para bang sinusukat ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. “Gusto ko pong bawiin ang mga damit ko. Ibigay niyo na lang po sa akin ang mga damit ko. Iyon po ang gusto kong isuot.” Sandaling nanahimik si Ninong bago siya sumandal sa kaniyang upuan. “Well, simula ngayon, kailangan mo ng sanayin ang sarili mo." Napakunot ang noo ko. “Nandito ka na sa pamamahay ko, Lorna. Nakakalimutan mo yatang wala ka na sa bubong ng mga magulang mo. Ako na ang sasagot sa pag-aaral mo, sa pagkain mo, at sa lahat ng mga kailangan mo." Mas lalo akong nainis sa narinig ko. “I never asked for this. Kayo lang ng magulang ko ang nagkasundo tungkol dito. Hindi ko maintindihan kung ano ang motibo niyo.” sabi ko. Kahit naiinis ay nanatiling malumanay ang boses ko. “Una, pinigilan niyo akong tumuloy sa pagiging madre. Ngayon naman, gusto niyong baguhin pati ang paraan ng pananamit ko. What's next, Ninong?” “You’ll find out what I plan to do next,” he replied. “For now, that is all you need to know.” He stood from his chair and faced me. “I am your guardian now, Lorna. While you are living in this house, you will follow my rules. Ibahin mo ang pamamalakad ko dito sa pamamalakad ng Papa mo sa bahay niyo.” Napatitig ako sa kaniya, puno ng inis. "Umupo ka na. Kahit na anong gawin mo hindi kita pagbibigyan sa gusto mo." naupo na ulit ito. Wala na akong nagawa kundi umupo na lang din kahit naiinis ako. "Oo nga pala, mga underwear mo kailangan mo na rin palitan. Baby bra pa rin ang gamit mo. Dalaga ka na kaya dapat lang na bra na ang sinusuot mo." Hindi na ako umimik pa. Kahit naman tumutol ako sa gusto niya siya pa rin naman ang masusunod. Kung kailan naging dalaga na ako ngayon pa nagkaroon ng control ang buhay ko. Nag-umpisa na lamang akong kumain. Kahit papaano nabawasan ang inis ko dahil sa sarap ng ulam na nakahain. Nang sulyapan ko si Ninong hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ko mapigilang panoorin siya habang kumakain. Ang pagpupunas ng kaniyang labi at ang pag-inom niya ng tubig. Sadyang gwapo lang talaga siya kahit na anong gawin niya. "Ninong, ilang taon ka na po ba?" Napahinto siya sa pagsubo tsaka napatingin sa akin. "Bakit mo naitanong?" "Nagtataka lang po ako. Mukhang bata ka pa po kasi. Isa pa, isa ka ng senator at may ganito ka na kalaking bahay. Siguro corrupt ka noh?" Bigla siyang nasamid sa sinabi ko. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil umigting ang kaniyang panga. Tumalim din ang tingin niya. "My family already had many businesses when I was young. I never stepped on anyone just to reach the position I have now and I have never been corrupt. Lahat ng nakikita mo sa bahay na ito ay mula sa malinis na paraan. Ngayon may tanong ka pa ba?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Mabuti naman pala kung ganoon, hindi siya corrupt. "N-nagtanong lang naman po ako. Huwag po sana kayong magagalit." nag-peace sign kaagad ako. Tumawa na siya ngayon. Hindi yung tawa na halakhak kundi tawang sexy sa pandinig ko. "Bakit naman ako magagalit? May tanong ka pa ba? Baka gusto mo rin itanong kung may asawa na ba ako?" Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng sabihin niya ang katagang asawa. "M-meron na po ba?" hindi ko rin natiis. Naitanong ko rin. Tumawa na naman siya. “What do you think?" he paused, and his expression suddenly turned serious. "I’m still looking for a wife, baby girl.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD