MABIGAT ang katawan ko paggising ko kinaumagahan, pero kahit na ganoon, kakaiba ang sigla na nararamdaman ko lalo pa at nagising ako sa tabi ng lalakeng mahal ko. Nakadapa siya at hanggang ngayon, mahimbing pa din ang tulog. Sabado naman ngayon kaya hinayaan ko na lamang siya. Napagod yata ng husto. Mula sa abandonadong bahay, umuwi kami dito sa bahay, bandang alas-dies y media ng gabi. Talagang sinunod niya ang curfew na binigay ni Daddy. May curfew pa talaga ako, gayong ang tanda-tanda ko na. Paglapat ng aking talampakan sa sahig, agad na akong tumayo. Pero napatigil din agad nang maramdaman ko ang pagsakit ng aking panggitna at isama na din ang mga hita ko. Ang tuhod at binti ko ay nanginginig din. Nasobrahan yata kami. O nabigla lang talaga ang katawan ko. Sa tagal ba nam