"MAG-RESTROOM muna tayo bago tayo umuwi," aya ni Dara sa akin paglabas namin ng department store ng mall na kinaroroonan namin. Nag-pa-spa kami ngayon at namili ng damit para sa kambal naming mga apo. Ilang araw na lang, ikakasal na sina Lilienne at Darius kaya nagpasya kami na mag-relax ng kaunti. Walang tao sa loob ng restroom. Kaming dalawa lang ni Dara. Dahil hindi naman ako naiihi. Naghugas lang ako ng kamay sa may sink, saka ko nilabas ang aking celphone upang i-text si Leo. It's already three pm. Tiyak na wala na iyon ginagawa sa kaniyang opisina.. Wala siyang text kahit isa. Hindi siya agad nag-reply sa text ko, kaya binalik ko na lang ulit ang celphone sa aking bag. Naghugas ulit ako ng kamay. May pumasok sa restroom pero hindi na ako nag-abala na tignan ito. "Georg