Hindi lang naman si Leo ang napagod at napuyat. Ako din naman. Kaso kailangan kong magpunta ng farm upang i-monitor ang pag-harvest. "A-Ano iyon?" Umiling-iling si Alex. "Ayos ka lang ba? I think you need to go home and get some sleep." "Ayos lang ako." Uminom ako ng tubig upang manatiling gising ang diwa. Kaso hindi ko na talaga kaya. Umuwi na lang ako. Pagkalapat ng aking likuran sa malambot na kama, agad akong nakatulog. Nagising ako nang may mga braso na yumakap sa akin. May dumagan din sa aking dibdib. Niyakap ko lang ito pabalik pero muli din akong nakabalik sa pagtulog. Nagising lang ako ng tuluyan nang madilim na sa labas. At ang celphone ni Leo, nag-iingay sa gilid ng kama. Mahimbing ang kaniyang tulog. Humihilik pa. Halata na napuyat at napagod ito ng husto kagabi d