Pagkalabas ni Mr. Khaby Ziegler sa conference room na pinagdausan ng kanilang meeting sa Regal Palace ay kilig na nag-apiran sina Kai at Betty. Nagustuhan daw kasi ni Mr Ziegler ang presentation ni Aman at asahan daw nila ang tawag mula sa sekretarya nito kung anong magiging desisyon nito. “Ang galing mo, Aman. Sure ako na makukuha mo na ang project na ito.” Kulang na lang ay masira ang manggas ng suit ni Aman sa ginawang paghila-hila ni Kai. Tiwalang napangiti naman si Aman. Tingin nga rin niya ay ganoon. Nakita niya kasi kanina habang nagpi-present siya sa harapan ang tango-tango ni Mr. Ziegler habang nakangiti’t nakikinig sa kanya. Ngiting nai-impress. “Congratulations agad, Sir,” bati naman sa kanya ni Betty. Ang ngiti’y abot hanggang langit. “And thanks to both of you. This soon