chapter two.

2390 Words
Troy Mercado "Ano ba kasi mga gusto niya? Favorite color, favorite na hayop, favorite na pagkain, ano? Wala ka man lang idea sa gusto ng jowa mo, Brad?" iritableng sabi ni Charles "Ilang beses ko bang sasabihin sa `yong hindi ko siya girlfriend. Pasensya na kung naabala kita pero wala talaga akong mahingian ng tulong. Biglaan kasi." Ilang araw din kaming hindi nakapagkita ni Michelle dahil parehas kaming busy sa mga school works namin pero nagagawa naman naming mag-usap through text or video call sa Yahoo Messenger. All of a sudden, sinabi niya na birthday niya ngayon at hindi man lang ako nakapaghanda ng kahit ano. May handaan daw sa bahay nila at iniimbitahan niya ako. No'ng una, tumanggi ako dahil nahihiya akong harapin ang pamilya niya at ang iba pa nilang kakilala. Pangalawa, gagawa pa sana ako ng Powerpoint presentation para sa reporting ko sa susunod na araw. Pero ayaw niyang hindi ako pumunta. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko roon pero mapilit siya. Nasa isang mall kami sa Makati para maghanap ng ireregalo sa kanya. Parehas kaming namomroblema ni Charles dahil parehas din kaming walang ideya sa kung ano ba ang gusto ni Michelle. Hindi na niya sinasagot ang mga text o tawag ko dahil mukhang abala na siya sa paghahanda. Kanina pa kami naglalakad dito at si Charles, mukhang iritang-irita na. "Wala pa rin bang reply, Troy? Nauurat na ko kakahanap." "Maghanap ka nalang diyan." utos ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paghahanap. Ilang saglit lang bigla niya akong binatukan. "Gago ka pala, eh. Kanina pa tayo naghahanap dito. Wala ka man lang preferences. Pinapahanap mo ko, eh, `di ko nga alam kung ano gusto no'n. May mga pinipili ako, ayaw mo naman. `Yong totoo? Nagsasayang tayo oras dito." "Pasensya na talaga. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto niya. Hindi pa naman kami ganoon katagal na magkakilala at hindi namin napag-uusapan `yong mga hilig namin." "Alam mo, may naisip ako. Bakit hindi nalang stuffed toy ang ibigay mo? Panigurado, magugustuhan niya `yon. Walang babae ang may ayaw sa stuffed toys. Tapos sabihin mo, `yon lang naisip mo tapos babawi ka nalang sa susunod." "Bahala na. Halika na." Naglakad na ulit kami at nagsimula ulit maghanap. Pinipilit pa rin sa `kin ni Charles na kumuha nalanh ng stuffed toy para matapos na pero sabi ko, huli na `yon dahil madali lang naman makahanap no'n. Ilang boutique at department store na ang napasok namin pero wala akong makitang puwedeng ibigay kay Michelle. I almost give up. Huminto muna kami Charles para makapagpahinga saglit. Bumili kami ng shawarma at do'n ako nag-isip kung ano na ang balak ko. It's almost four in the afternoon. Seven o'clock daw ang simula ng party niya. I'm running out of time. Nilibot ko ang tingin ko at may nakita akong nagdidisplay ng bagong item. Nilapitan ko kaagad ang shop na `yon ay pinagmasdan `yong kadidisplay lang nilang manequin. It's wearing a black ruffle top blouse and a beige pencil cut skirt. I started imagining Michelle wearing it and she looks professional with it. I mean, para na siyang teacher ng isang private school with that blouse and skirt. Smart casual lang siya but it will look eligant in her. It has the same size and built as Michelle. This is perfect. Sumunod naman sa `kin si Charles at maya-maya ay nabatukan na naman ako. "Ako ba pinagloloko mo? Kanina pa tayo nakakakita ng ganyang damit, pero hindi mo pinapansin." "Individual product kasi, Charles. Panibagong problema natin `yong kung ano'ng babagay na kulay kapag kumuha tayo ng isa. Pero ito, terno na. Hindi tayo mag-iisip kung ano pa ang babagay kasi as is na." "May point ka nga naman. Sobrang time consuming na kung mag-iisip pa tayo ng mga babagay na kulay diyan. Bakit kasi ang komplikado pati mga gamit ng babae? Bilhin mo na `yan at ng makauwi na ako." Iniwan ko muna `yong binili kong pagkain kay Charles at nagpa-assist na para mabili `yon. Sana magustuhan niya. Almost eight o'clock ng makarating ako sa bahay nila Michelle. Ihahatid na sana ako nila Charles papunta rito pero tumanggi nalang ako at sinabing magko-commute nalang ako. Naipit ako sa traffic mula Ayala hanggang SM Megamall. Rush hour na kaya dumami na ang motorista ng mga oras na iyon. Nang hindi pa rin masyadong umuusad ang daloy ng trapiko, doon ko na napagdesisyunan na mag-MRT nalang hanggang Cubao at doon nalang ako sasakay pa-Marikina. Kanina pa ko sa labas ng gate nila. Kanina ko pa rin hinihintay ang reply ni Michelle pero wala akong natatanggap. Ang dami ng pumapasok at hindi ko alam kung saan siya hahagilapin. Wala naman akong kakilala rito bukod sa kanya. Huminga ako ng malalim at naglakas loob ng pumasok sa loob. Sa garden nila gaganapin ang party. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Michelle pero hindi ko pa rin siya nakikita. Puro mga nakikita ko sa TV ang karamihan sa nandito. Dahil siguro, politiko ang Papa ni Michelle. "Troy," nilingon ko ang tumawag sa `kin mula sa likod at laking gulat ko na ang Papa pala ni Michelle `yon. "Troy Luther Mercado, ang nag-iisang anak ng kilalang Ethan Mercado." "Magandang gabi po, Sir Albert. Kilala niyo po pala ang Papa ko." Natawa ito ng bahagya at tinapik ang braso ko. "Siyempre naman, hijo. Sino bang hindi nakakakilala sa Papa mo? Kung may time ang Paoa mo, I would love to share a big opportunity to him. I would like to invest in your company someday or a merge someday?" "Sasabihin ko po sa kanya, sir," nilibot ko ulit ang paningin ko upang hanapin si Michelle pero wala pa rin siya. "Excuse me, sir. Nasaan po si Michelle?" "Nandoon siya sa kuwarto niya, nag-aayos. Kung gusto mo puntahan, nandoon siya sa ikalawang palapag, pangalawang pinto sa kaliwa." Nagpaalam na ko kay Sir Albert at bumalik na sa loob ng bahay. Umakyat na ako kagaya ng sinabi ni Sir Albert. Huminga ako ng malalim at kumatok. Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan din ako ng isang batang babae ng pinto. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tila kinikilala ako. "Who are you? Sino'ng nagpaakyat sa `yo dito sa taas?" aniya. "Nandiyan ba si Michelle? Kaibigan niya ako. Pinaakyat na ako rito ng Papa niya." "Sino `yang kausap mo diyan, Rachelle?" ani Michelle. Bumukas ng malaki ang pintuan at bumungad si Michelle na may suot ng itim na cocktail dress, ayos na ayos. "Ikaw pala `yan, Troy. Tumuloy ka muna. Pagpasensyahan mo na `yang kapatid ko." Inabot ko sa kanya ang regalo ko pero inagaw ito ng kapatid niya. "Sa baba lahat ng gifts." "Rachelle, don't be so mean. Kaibigan ko si Troy. Iwan mo nalang diyan sa kama ko `yong regalo niya at bumaba ka na. Susunod na kami." Sinunod naman ng kapatid `yong utos niya at dali-daling bumaba na. "Happy Birthday, Michelle." "Salamat at nakapunta ka." Bigla niya akong niyakap na siyang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung paano ko tutugunin `yon. I can feel my heart is beating uncontrolably. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Ang weird ng nararamdaman ko. Nayakap naman na ako nila Mama, nang lola ko, maging ni Sylvia na girlfriend ni Charles, pero hindi ko naramdaman ang ganito sa kanila. Hindi ko maipaliwanag sa bilis ng pangyayari. Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa `ming dalawa, pero ito na ang pangalawa. Kumalas siya sa pagkakayakap niya at tinignan lang ako na nagtataka. "Hindi mo man lang ako niyakap pabalik, Troy." I snapped back to reality. "I'm sorry. Nabigla lang kasi ako." Pinalo naman niya ng mahina ang braso ko at natawa ng bahagya. "Ang cute mo. First time lang ba na may yumakap na babae sa `yo?" "H-Hindi." "Mukhang nakalimutan mo na ko nang ganoon kadali, huh." Napalingon kami sa lalaking biglang nagsalita. Napansin ko ang reaksyon ni Michelle at tila nagulat ito sa pagdating niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Naglakad palapit sa `min ang lalaki at walang pag-aalinlangang binangga ako at humarap kay Michelle. "Your father invited me here. Hindi naman nila alam na wala na tayo, so, I need to act like we're still together. And I'm here to say I'm sorry. Puwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" "Alam mong wala na tayong dapat pag-usapan, Jason. At, hindi mo na rin kakailanganing pang magpanggap sa harap nila dahil balak ko na rin sabihin ang totoo kay Papa. Hindi ko na maatim na makasama ka." "Sino ang gusto mong makasama? Ito?" sabay turo sa `kin. "Ano'ng mayroon ang lalaking `to at ipagpapalit mo kaagad ako? Kaya ba hindi mo ako mapagbigyan dahil sa hayop na `to?" Nakatanggap ng malakas na sampal ang lalaking ito mula kay Michelle na parehas naming ikinagulat. "Napakahayop mo talaga! Lumayas ka na rito." Hindi nagpatinag `yong lalaki at pilit na hinihila si Michelle papasok ng kwarto niya. Nagpupumiglas si Michelle sa pagkakahawak niya pero wala siyang lakas para lumaban. Hindi na ako nagdalawang isip na hilain palayo sa kanya `yong lalaki at binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha. Hindi nagpatalo si Jason at binalik din ang suntok sa `kin. Hindi ako nakapagpigil at sinigurado kong hindi na siya makakaganti. Pilit kaming pinaghihiwalay ni Michelle pero wala siyang ibang nagawa kung hindi sumigaw nalang at humingi ng tulong. May kumaripas ng takbo papunta sa `min at inawat kami. Hinila ako ni Michelle palapit sa kanya habang si Jason naman ay pinipigilan no'ng lalaking umawat sa `min. "Ano bang nangyayari dito? Buti ako ang nakarinig sa inyo sa ibaba at hindi ang ibang bisita." "Palayasin mo na sa pamamahay na ito `yang hayop na `yan, Drew." ani Michelle. "May araw ka rin sa `king hayop ka! Magtutuos pa tayo!" ani Jason. Tinulak niya ng malakas palayo sa kanya `yong lalaking umawat sa `min at naglakad na rin palayo. Lumapit sa `min `yong lalaking umawat. "Ayos ka lang ba?" tanong nito sa `kin. Tumango lang ako bilang tugon. Sunod na ibinaling nito ang atensyon niya kay Michelle. "Ano ba talaga ang nangyari, Michelle? At bakit nandito `yong gagong `yon?" "Hindi ko rin alam, Drew. Pinagtangkaan na naman niya ako kaya napaaway pati si Troy. Pinagtanggol niya lang ako." "Sinabi ko na kasi sa `yo na humingi na tayo ng tulong sa Papa ko. Ipapakulong natin `yon. Huwag mong hintayin na ulitin niya pa `yon. Ang lakas ng loob niyang pumunta pa rito. Bababa muna ako at titignan ko ang sitwasyon." Umalis na si Drew. Niyaya muna ako ni Michelle na pumasok muna sa kuwarto niya para gamutin `yong sugat sa mukha ko. Iniwan niya ako saglit para magtungo sa banyo ng kuwarto niya upang kunin ang first aid kit. Nilibot ko ang paningin ko sa kuwarto niya. Hindi ganoon kalaki ang kuwarto niya. The room was filled with black and white stuff. Napakaminimalist ng dating. Tinignan ko rin ang mga larawan na nasa bedside table niya. Isang picture niya at picture nila ni Rachelle ang nandoon. They both look so beautiful. Pansin din sa picture na sobrang close nilang dalawa. Ganyan siguro kasaya magkaroon ng kapatid. Maya-maya ay bumalik na si Michelle dala ang first aid kit. Pinatingala niya ako at dahan-dahang pinahiran ng betadine ang sugat ko sa bibig. Maingat niyang nililinis ang mga sugat ko. Ang gaan ng kamay niya pagdating sa ganito. She really suits to be a teacher. Bagay sa kanya `yong mga trabahong related sa pag-aalaga. "Pumikit ka muna. Lalagyan ko ng bandage `yong kilay mo." utos niya sa `kin. Tumingala ako at ipinikit ang mga mata ko. Dahan-dahan niyang nilinisan ang sugat ko sa bandang kilay. Nanatiling tahimik lang si Michelle. Hindi ko na nagawang kausapin siya dahil baka ikasama lang ng loob niya kapag nagtanong ako. Ilang saglit lang, bigla akong nakaramdam ng biglang pagpatak ng tubig sa mata ko. No'ng una, akala ko alcohol lang `yon o betadine na tumulo sa mukha ko pero pagdilat ng mga mata ko, siya pala `yon, umiiyak. Kaagad niyang niligpit ang mga ginamit niya at akmang maglalakad na papuntang banyo para ibalik ang first aid kit ng hawakan ko ang kamay niya at pigilan siya sa paglalakad. Nilingon naman niya ako, maluha-luha pa rin. "Ano'ng problema, Michelle? Bakit ka umiiyak?" Pinunasan niya gamit ng isa niyang kamay ang mga luha niya. "Ganito lang talaga ako, Troy. Mababaw lang talaga luha ko. I'm sorry kung dahil sa `kin, nagkaganyan ka." Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at hinila siya palapit sa `kin at niyakap siya ng mahigpit. Hinagod ko ang likuran niya at pinaramdam ko sa kanyang ligtas na siya, walang kahit sino mang makapananakit sa kanya. "You don't have to say you're sorry. Hindi mo naman ginusto ang nangyari." "It's just that, I'm so weak. I feel so helpless. Ano bang ginawa ko para mangyari sa `kin `yon? Ganoon ba ko kadaling babae para tratuhin niya lang ng ganoon?" Sa pagkakataong ito, mas niyakap ko siya ng mahigpit. "Huwag mong sabihin `yan, Michelle. May mga gagong lalaki lang talaga. It just happen that you met one. Not everyone is like him. I'm here for you. This has to stop." Naramdaman kong mas himigpit din ang pagkakayakap niya sa `kin at patuloy lang siya sa pag-iyak. Hindi na niya nagawang sumagot. Sinubukan ko siyang patahanin at pakalmahin. Sinabi ko ang mga salitang kailangan niyang marinig. Pinangako ko sa kanya at sa sarili ko na kahit malayo kami sa isa't isa, poprotektahan ko siya. Maging ako, galit din sa nasaksihan ko kanina at hindi ko napigilan ang sarili ko. Hindi lang `yon siguro ang inabot niya kung hindi lang kami naawat. Kumalas siya sa pagkakayakap ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mga luha niya. Kalat na ang eye make-up niya dahil sa pag-iyak niya. Sinubukan kong ngumiti para mawala na `yong sakit na nararamdaman niya. I don't know if it will work, but at least I tried. "Fix yourself. Baka hinahanap ka na nang mga bisita niyo sa baba. Don't mind me, ayos lang ako. Hintayin nalang kita sa labas." I was about to leave and she suddenly pulled me closer to her and kissed me. I froze at the moment. That's my first kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD