chapter one.

2403 Words
Troy Mercado Busy ka ba? Do you have any plans for tonight? Nandito ako sa labas ng school niyo. Hintayin nalang kita :) Pauwi na ako sa `min ng bigla akong makatanggap ng text mula kay Michelle. Dali-dali kong sinabi sa driver na bumalik kaagad sa school `yong sasakyan. It's been a week since the day we last met at ngayon lang siya ulit nagparamdam after that. Hindi ko inaasahan `yong niyang `yon dahil una, akala ko `yon na talaga ang huling araw na magkikita kami. Pangalawa, it took her days para makapagtext sa `kin and I thought, she's already fine and she don't need any companion at all. Wala akong contact number niya at hindi ko alam ang buong detalye tungkol sa kanya kaya hindi ko siya masearch sa Friendster upang macheck if how she's doin' right now. All I know is, Michelle ang pangalan niya. Isang kanto nalang ang layo namin mula sa school, napagdesisyunan ko nalang na bumaba na, dala-dala ang cellphone ko at pinauna ko ng umuwi ang driver namin. Nireply-an ko na si Michelle at tinanong kung nasaan siya pero hindi siya sumasagot. Doon na ako nagsimulang hanapin siya sa labas ng school premises. Nagpabalik-balik na ako sa entrance gate ng school sa pagbabaka sakaling bumalik na roon si Michelle pero wala pa rin. Sinilip ko na rin ang ilan sa mga shops na malapit dito sa school baka sakaling napadaan din siya roon habang hinihintay ako kanina. She's not answering my text messages. Napadaan ako sa isang tindahan at doon na nagpaload para matawagan siya. Matapos ang ilang ring, sinagot naman niya kaagad ang tawag ko. "Nasaan ka?" tanong ko. "Sorry, `di kaagad ako nakareply. Nakasilent kasi ang phone ko. Nandito ako sa isang computer shop, nagpapaprint ng mga assignments at reports ko. Akala ko kasi matagal ka pa kaya dumaan na ko rito." "Okay, I'll be there. Hintayin mo nalang ako diyan." Ibinababa ko na ang tawag at naglakad na patungo sa computer shop na sinabi niya. Madali ko namang nahanap ang computer shop na sinasabi niya dahil tatlo lang naman ang computer shop na malapit sa school namin. Pagpasok ko, nakita ko kaagad siyang nag-aayos ng mga pinaprint niya at isa-isa itong nilagay sa clear book na dala niya. Mukhang galing pa siyang school niya because she's wearing her school uniform. Lumapit na kaagad ako sa kanya at tinulungan na siya sa ibang ginagawa niya. Matapos ang mga gawain niya, nagpresinta na akong dalhin `yong bagpack niya dahil marami siyang bitbit. Hindi naman siya tumanggi dahil kailangan niya talaga ng tulong. May kabigatan ang bagpack niya dahil naglalaman pala ito ng laptop niya at ilang libro. `Yong tote bag niya, may mga folders at visual aids pa. "Kaya mo siguro ako pinapunta rito kasi kailangan mo ng tagabitbit sa mga gamit mo." pagbibiro ko sa kanya. "Huy, hindi, ah! Gusto lang kita makita," aniya. Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Nakangiti siyang nakatingin lang sa `kin. "Gala tayo ngayon. Kung gusto mo lang naman." I snapped back to reality. "Sure." `yon nalang ang tanging nasabi ko. Naglakad na kami papuntang sakayan. Wala naman akong ibang lugar kung saan siya puwedeng dalhin kung hindi sa SM Sta. Mesa lang dahil `yon lang ang malapit sa school namin. Hindi naman siya tumutol doon. Habang nasa biyahe, pilit niyang nilalabanan ang antok. Ilang beses na siyang humikab at maluha-luha na rin ang kanyang mga mata. Mukhang pagod siya sa maghapon, pansin sa hitsura niya `yon. "Umidlip ka muna, Michelle. Medyo traffic naman." suhestyon ko sa kanya. "Sorry, wala pa kasi ako masyadong tulog mula kahapon." "Dapat nagpahinga ka nalang sa bahay niyo para nakabawi-bawi ka naman. Bakit mo naman naisipang gumala nalang?" "Ayoko pa kasi umuwi sa `min saka gusto ko munang makapagrelax. Sobrang stressed ako ngayon, malapit na midterms at ang dami pa ring gagawin. Buti nalang sa susunod na araw, free day ko." Napatango nalang ako sinabi niya. Isinandal ko nalang ang ulo niya sa balikat ko at tinapik ang ulo niya. "Okay. But for now, umidlip ka muna habang nasa biyahe tayo. Gigisingin nalang kita kapag pababa na tayo." Tumango nalang siya bilang tugon. Isinandal na nga niya ang kanyang ulo sa balikat ko at pumikit. Sinamantala ko ang pagkakataon na `yon para mas matitigan siya ng matagal. Para akong nakatitig sa isang magandang anghel. Hindi ko nagawa ito no'ng unang nagkita kami dahil walang pagkakataon. Pero ngayon, mas kita ko ng malapitan ang kanyang mukha at walang duda na sobrang ganda niya. Makinis ang balat niya, maliit lang ang kanyang mapupulang mga labi, mahahaba ang kanyang mga pilikmata at may katangusan din ang kanyang ilong. I traced her facial features using my index fingers; from his forehead, down to his nose until it reaches her lips. Bigla niyang idinilat ang kanyang mata at nanlaki ang mga mata ko roon. Our faces are inches closer. She's staring at me. Kaagad kong inalis ang daliri ko at inalis ang tingin ko sa kanya. Nakakahiya. Hindi ko na siya muling nilingon buong biyahe. Inalalayan ko nalang ang ulo niya sa pagkakasandal sa balikat ko. "What do you want? Do you have something in mind na gusto mong kainin?" I asked her. "Gusto ko sana mag-Korean buffet kaso wala naman dito no'n," nilibot ng paningin niya ang buong lugar, naghahanap ng makakainan namin. Hanggat sa hinila nalang niya ako sa tapat ng isang fast food chain. "Dito. Matagal na rin akong hindi nakakakain dito. For sure, mabubusog tayo rito. Tapos manuod tayo movie after." "Okay. Kung `yan ang gusto mo. Ano'ng order mo? Ako na ang pipila, maghanap ka nalang ng mauupuan natin." Umalis na siya sa harapan ko at naghanap na ng mauupuan. Marami-rami rin siyang in-order, mukhang balak niyang magstress eating. Um-order ako ng dalawang spicy chicken na unli rice, isang order ng dinuguan at puto, isang order ng pork sisig at dalawang to be served later na regular halo-halo for dessert. I can't believe this. Sinigurado ko sa kanya kung mauubos ba niya `yon at sinabi niya nalang na oo. We waiting for almost 15 minutes bago dumating ang mga order namin. Ako ang nalula sa dami ng gusto niyang kainin. Duda pa rin ako na mauubos niya ang lahat ng ito. "Magkano sa `kin, Troy?" tanong niya. "Sagot na `to. Basta ba uubusin mo ang lahat ng `to." "Hindi, Troy, magbabayad ako. Ikaw na nga sumagot no'ng unang lakad natin, nakakahiya na." Kukuha na dapat siya ng wallet niya pero pinigilan ko. "I insist. Let's just eat, okay?" "Ganito nalang, ako nalang sa ticket natin mamaya, okay?" I sighed in defeat. Nagsimula na kaming kumain. Mukhang kaya nga niyang ubusin ang mga in-order namin. Nakakatatlong cups na siya ng kanin. Ganado siyang kumain at mukhang ineenjoy niya talaga. Masaya na ko na makita siyang ganyan. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyari sa kanya after a week no'ng huli kaming magkita, but she seems fine now. Hindi ko na kayang ubusin `yong halo-halo na in-order namin kaya pinagmasdan ko nalang siyang kumain no'ng kanya. Natigil siya sa pagkain niya at mukhang naconscious siya which was not my intention. "May dumi ba mukha ko?" she asked. "Wala naman. Parang gutom na gutom ka ngayon, huh. How's your day?" Umupo naman siya ng diretso at nakangiting hinarap ako. "I'm fine. Gusto ko lang talaga kumain ng marami ngayon." "Don't you have friends in your school? Don't get me wrong. Nagtataka lang ako kasi malayo ang school natin sa isa't isa pero ako pa rin ang gusto mong kasama." "I do have. Pero, nasa iisang circle of friends lang kami ng ex ko. At saka, mas nauna nilang naging kaibigan `yon kaysa sa `kin. I'm sorry if I bother you. Ikaw lang kasi naisip ko. Pero kung ayaw mo naman, just let me know." Mukhang nalungkot siya pagkasabi niya no'n. Ako naman, naguilty dahil mali ata ang pagkakasabi ko. Inabot ko ang isang kamay niya at hinawakan `yon. "No, that will be fine with me, seriously. Kung kailangan mo ng makakausap or kung kailangan mo ng tulong, just let me know as well. I'll be happy." Tinignan niya naman ang kamay ko ns nakahawak sa kanya. Kaagad ko namang inalis `yon at kita ko sa mukha niya na parang natawa siya ng bahagya. Sobrang kahihiyan na `tong ginagawa ko. Matapos naming kumain, nagpasama muna siya sa `kin sa bookstore para bumili ng ilang materials na gagamitin niya para sa kanyang mga reports. Michelle is taking a bachelor's degree in Education while I'm taking a bachelor's degree in Business Administration. Parehas na kaming third year college student pero nasa magkaibang school. Ever since she was a child, she really dreamt to be a teacher. Very passionate siya pagdating sa pagtuturo sa mga bata. Nalaman ko rin na anak pala siya ni Mr. Albert Rodriquez, mayor ng Marikina City. Kaya sa tuwing may outreach program ang Papa niya sa sinasakupan niya, nagpepresinta si Michelle ba sumama dahil gusto niyang magturo sa mga bata. Ako naman, I'm taking Business Administration because I want to be like my father. Hindi sa pagyayabang pero kilala ang Papa ko bilang isa sa magagaling na negosyante. At his very young age, nagawa na niyang pamunuan ang kumpanyang iniwan sa kanya ng aking lolo. Ginusto ko maging successful na businessman hindi dahil `yon ang ginusto ni Papa para sa `kin. I want it for myself. Gamit ang mga natutunan ko kay Papa, naniniwala akong maaabot ko rin `yong naabot niya. Ako, personally, naniniwala kasi ako na when you go into business, it will provide you a sense of stability for our future, and the future of our employees. It will also give you a sense of satisfaction especially when you succeed. Hindi lang ikaw ang umangat, kasama mong aangat `yong mga taong tumulong sa `yo at ang saya sa pakiramdam no'n. Alam mo sa sarili mo na somehow, nakatulong ka sa isang individual na magkaroon ng magandang buhay. Matapos mamili ng gagamitin niya, nagtungo na kaagad kami sa sinehan. Magkaiba ang gusto naming panuorin. Gusto niyang panuorin ay `yong Night at the Museum habang ako naman ay `yong Pirates of the Carribean. She'll be the one shouldering the expenses this time kaya hindi ako nanalo sa kanya. Pampalubag loob ko nalang daw sa kanya. Habang nakapila siya, tinignan ko na ang cellphone ko na kanina pa nagvavibrate sa bulsa ko. Tinignan ko kung sino `yon at napag-alaman kong si Mama pala `yon na tinadtad na ako ng text messages. Tinawagan ko siya at hinintay na sagutin ito. Ilang sandali lang ay sinagot na niya ito. "Anong oras ka uuwi, Troy? Hindi ka man nagpapasabi na may lakad ka. Sinabi nalang ni Mang Roger na bumalik ka raw sa school niyo." "Pasensiya na po, `Ma. Uuwi rin po ako maya-maya. Tapusin ko lang `tong ginagawa ko." "Ano'ng ginagawa mo, Brad? Bakit hindi mo sabihin kay Tita Lizelle na may kadate ka ngayon diyan sa SM Sta. Mesa?" "Charles?" Tumawa naman siya sa kabilang linya. "Akala mo hindi ko kayo mahuhuli, ano? May pabitbit-bitbit ka pa ng bag. Naks naman, Brad! Mukhang magkakalovelife na ang pinsan ko, huh?" Napailing naman ako sa mga sinabi niya. "Sira ulo. Nagpasama lang siya sa `kin. Tinulungan ko lang kasi marami siyang dala at mabigat ang bag niya. Huwag mo nang bigyan ng malisya ang pagtulong ko." "Okay. Sinabi mo, eh. Hintayin namin kung kailan mo ipapakilala sa `min `yang jowa mo." panunukso niya. "Ibababa ko na. Pasabi nalang kay Mama uuwi rin ako kaagad." Ibinaba ko na ang telepono ko at bumalik na sa kinaroroonan ni Michelle. Imabot niya sa `kin `yong ticket ko at naglakad na kami papasok ng sinehan. Tinanong niya kung sino `yon at kung hinahanap na ba ako sa `min, pero sinabi ko nalang na wala `yon at nagpatuloy na. Sakto lang ang dating namin dahil kasisimula lang din ng screening sa oras na ito. Hinanap na namin `yong upuan namin at nakayukong dumaan sa harapan ng ibang nanunuod. Hindi ganoon kapuno ang sinehan. Nagsimula na ang movie at mukhang aliw na aliw si Michelle sa pinapanuod niya. I have no choice kung hindi enjoy-in na rin ang pinapanuod namin. The movie was really entertaining and intriguing. Not until hindi na ko nakakarinig ng pagtatanong kay Michelle habang nanunuod. Sinilip ko siya at mukhang nakatulog siya. Napailing nalang ako sa kanya. Hinubad ko ang cardigan na suot ko at ipinatong sa katawan niya. Kung alam ko lang tutulugan niya `to, dapat Pirates of the Carribean nalang pinanuod namin. "Dapat hindi mo na ko hinatid, Troy. P'wede naman akong magtaxi pauwi or magpasundo sa driver namin." ani Michelle. Inabot ko na sa kanya `yong bag niya. "Wala namang kaso sa `kin `yon, Michelle." "Masyado ng malayo pauwi sa inyo `tong lugar namin. Pero, maraming salamat, Troy. Pasensya na rin kung nakatulog ako kanina." "I understand. Pero, kung alam ko lang talaga na matutulog ka, dapat `yong Pirates of the Carribean nalang pinanuod natin. Sayang `yong pera. Eh `di sana, mas nag-enjoy ako sa panunuod. Iba ka rin, Michelle." pagbibiro ko sa kanya. Kumuha niya ng cartolina at hinampas sa `kin. "Grabe ka rin sa `kin. Sorry na nga, `di ko naman namalayang nakatulog na ko, eh. Babawi nalang ako sa `yo sa susunod." Nahinto ang pag-uusap namin ng may bumisinang sasakyan sa likuran namin. Tumabi kaming dalawa at bumaba mula rito ang isang matandang lalaki. Yumuko ako ng makita at makilala kung sino `yon. "Magandang gabi po, Mr. Rodriquez." bati ko sa kanya. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa kaya napaatras ako ng kaunti. "Kaibigan mo, Michelle?" "Opo, Papa. Hinatid niya lang po ako rito. Pauwi na rin po siya." "Bakit hindi mo yayain sa loob at imbitahing maghapunan? Hindi `yong nandito kayo sa labas ng bahay." "Hindi na po, Sir. Uuwi na rin naman po ako. Nuce meeting you po." "Sumakay ka na sa kotse ko at ipapahatid kita hanggang sa gate. Huwag ka ng tumanggi, malayong lakaran palabas at baka maligaw ka pa." Napakamot nalang ako ng ulo at ngumiti pabalik. "Maraming salamat po, sir. Mauuna na ko, Michelle." Pumasok na ako ng sasakyan at tinanaw sila sa bintana. Kumaway naman sa `kin si Michelle at magkasabay na silang pumasok ng kanyang ama sa loob ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD