"Wow! Sa iyo ba itong garden na ito, half-sis? Nakaukit ang pangalan mo sa arch." Natuon ang tingin nito sa pangalan ni Dahlia na makikita sa itaas ng arch. Mabilis na nilingon ng bagong amo niya ang garden at nakangiting tumango. Humakbang naman papasok sa loob ng hardin si Paislee saka tumatangong tiningnan ang bawat sulok at halaman sa loob. "Ang ganda rito! Ikaw ang nag-ayos nito?" Yumuko ito upang pumitas ng isang bulaklak ng carnation. Sumunod sa loob ng hardin si Dahlia at nakangiti pa rin na umiling. "Hindi, ate. Si Mama ang nag-ayos nito." Sa sinabi ng babae ay natuon dito ang atensiyon ni Paislee. Nakita niya kung paano ito natahimik nang ibaling kay Dahlia ang paningin. Parehong hindi nagsalita ang dalawa matapos niyon. Binalot ang paligid ng katahimikan. Tanging ang ihip n