MABILIS na natigilan si Rael nang makita ang babaeng lumabas mula sa loob ng bagong dating na sasakyan. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makikita niya ang dating nobya sa lugar na iyon. Tila siya pinako sa kinatatayuan. Maging ang huminga nang maayos, pakiramdam niya ay nahihirapan siyang gawin. Mariin siyang lumunok at mataman na pinagmasdan ang mukha ng dalaga. Si Paislee naman, mula kay Sanchez ay pinaglandas nito ang paningin sa buong paligid habang may nakasilay na ngiti sa mga labi. Nang sandaling lapitan ito nina Butler Jose at Miss Jiya, saka naman natuon sa kaniya ang paningin nito. May ilang segundong napukol sa kaniya ang mga mata ng babae, ngunit hindi niya nakitaan nang kahit na kaunting emosiyon o gulat man lang ang mukha nito. Napansin lang niya na ilang ulit itong lu