Nabungaran niya ang matandang don na abalang nakatuon ang tingin sa monitor ng laptop nito. Mukhang hindi man lang nito naramdaman ang presensiya niya. Tumikhim siya upang makuha ang atensiyon ng lalaki. "Oh, Rael. Nandiyan ka na pala. Upo." Nilahad nito ang kamay sa upuan sa harap ng mesa bago muling itinuon ang paningin sa laptop. Sandali pa itong may kinalikot doon bago tuluyang binaling ang buong atensiyon sa kaniya. "Nagkita na ba kayo ni Paislee? Kalalabas lang niya. Ah, siya nga pala ang anak ko." Nagbuga siya ng hangin bago tumango sa don. "Akala ko ho, nag-iisang anak ninyo si Dahlia." Ngumiti ito sa kaniya. "It's a long story." Napa-ah siya sa sinabi nito bago tumikhim. "Ang sabi sa akin ni Miss Jiya, kakausapin n'yo raw ako." Ilang ulit na tumango ang lalaki. "Ngayon ang