Chapter 7: Suprise { YAMI's POV } Tinatamad akong bumangon. Parang ayokong pumasok. First time kong naramdaman ang ganito. Ang tamarin. Sobrang maga parin ang mga mata ko kakaiyak-kagabi. Masyado na ba akong OA? Ewan ko ba. Basta, naiiyak lang talaga ako kahapon. Si Jamie pa ay inuusisa ako kahapon kung totoo daw ba yung sinabi ng walanghiyang Walter na 'yun. Sabi ko na lang ay joke joke lang nya 'yun at gusto lang akong pagtripan. Hindi naman sya naniniwala pero hindi narin nangungulit dahil narin siguro na napapansin nyang wala ako sa mood. Wala ngayon si tita dahil lumuwas sya papuntang maynila. May gagawin ata. Kanina pa nakaalis si Jamie para pumasok pero ako? Eto, nakahiga parin at nag-iisip ng kung ano-ano. Ayokong makita yung Walter na 'yun! Pati na yung nga kaibigan nya. Ayo