Chapter 8: Effort { YAMI's POV } Nandito na ako sa harapan ng gate ng Unibersidad namin pero parang may mali eh. Bakit wala ng tao except kala manong guard? Jusme. Late na ba ako? Pumasok na ako sa gate ay parang may kakaibang ngiti kay manong guard. Ano ba 'yan. Baka kanina pa nagsisimula ang klase. O baka naman kaya na-suspend na yung mga classes namin? Hala. Ay engot ka talaga Yami! Hindi pa naman umuuei si Jaime kaya baka late ka lang talaga. Binilisan ko na ang paglalakad ko at inayos ko pa yung eyeglasses ko. Nang makarating ako sa classroom namin. Eh? Walang katao-tao. O-----kay? Nasaan yung nga kaklase ko? May napansin akong nakasulat sa board. At The Gym. Now. Dali-dali akong lumabas ng room at tinakbo ang daan papunta sa gym. Sana kakaumpisa pa lang nila. Pero...baki