Chapter 10: Protection

918 Words
Chapter 10: Protection  Jeila's POV "You need to guard her," sabi ni Mr. Zeon at literal naman na nanlaki ang mga mata ko. "Sorry pero for what purpose?" tanong ko na pilit itinatago ang pagkairita. "In order to make you safe? You've been involved in a very very dangerous situation Jeila ang I just want to take care of you," sabi ni Mr. Zeon at napatigil naman ako. Ito kasi ang unang beses na may nagsabi sa'king gusto niyang ligtas ako.. Hindi ako nakasagot at napatulala nalang sa isang sulok. "Sino ang magbabantay sa kaniya, Zeon?" tanong ni Celestine habang tinitignan ang bawat miyembro ng kanilang organisasiyon. Napansin ko ang dalawang lalaki na prenteng prenteng nakaupo habang mataman na nakatingin sa'ki, hindi ko alam kung paranoid lang ako o sadiyang may kakaiba sa tingin nila? Hindi malaswa kung hindi namamangha? Ewan. Nakita ko rin ang ibang lalaki doon at dalawang babae, so bale tatlo silang babae sa organisasiyon. I wonder kung bakit kaunti lang sila? "Any question, Miss?" tanong nung isang lalaki nang mapansing naglilibot libot ang tingin ko. "Jayvion.." tawag sa kaniya ni Zaylee at yumuko naman siya habang nakanguso. "Jeila, sila Yasser at Zaylee ang magbabantay---" "No, thanks pero okay na ako kay Zaylee," kaagad kong putol at tinignan pa si Zaylee at hindi pinansin si Yasser. "Are you--" "Of course she's not sure, Zeon!" palag ni Yasser at nang tignan ko siya ay nanlilisik nka ang mga mata niya. "Okay," natatawang ani ni Mr. Zeon nang mapansin ang reaction ni Yasser. "'I want to be fair, so Zaylee Villa and Yasser Montelion, you need to sure the safety of Ms. Jeila Frondalle--" "Parang kinakasal naman.." bulong nung Jayvion at binatukan naman siya nung babaeng hindi ko kilala. "As what I've said, you need to guarded Jeila Frondalle. Kung kinakailangan na sabayan niyo siya sa pagkain ay gagawin niyo. Maaari rin kasi siyang lasunin sa ganoong paraan, kapag may nagpapakilala sa kaniya kayo muna ang sumuri dahil bilib ako sa observation niyong dalawa. At kung kinakailangan din----" "Na tabihan ko siya sa pagtulog? Okay lang sa'kin Zeon, it's not a problem." nakangising putol sa kaniya ni Yasser at nakakita naman ako ng ballpen sa lamesa ni Mr. Zeon at kaagad na ibinato sa kaniya. "Tarantado!" sigaw ko at natatawa namang siyang tumingin sa'kin. 'Pigilan niyo ako makakapatay ako dito ora mismo!' Sinamaan ko siya ng tingin bago nagbalik ng tingin kay Mr. Zeon na nagpipigil na rin ng tawa kahit pilit ginagawang seryoso ang mukha niya. Dapat seryoso siya sa ganitong sitwasiyon pero nagagawa niya pa ring tumawa? What kind of headmaster is that? Sarap pumatay, eh. "Okay that's final," sabi niya nang makarecover sa pagtawa. Walang sali salitang tumayo ako pero kaagad ding natumba dahil biglang kumirot ang sugat ko sa kanang binti. Napa aray naman ako at napahawak sa lamesa. Napatayo naman silang lahat, wow standing ovation? "Let me help you,"pag aabot ni Yasser ng kamay niya pero tinapik ko lang 'yon at kay Zaylee ang kinuha. Nang makatayo ako ay nakita ko ang madilim na mukha ni Yasser, mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko. Pero bakit naman? Nagbibiro siya at inaasar ko lang naman siya? Don't tell me he take it seriously? ---- Matapos namin sa office ni Mr. Zeon ay dumiretso ako sa girl's dormitory at pumunta sa kwarto. Nag aalala sila Rina at Zel, sinabi raw sa kanila ni Yasser ang nangyari sa'kin pero siyempre hindi lahat dahil magpapanic ang ibang estudiyante. "Do you need anything?" tanong ni Zel at marahan naman akong umiling. Nabawasan ang pagiging OA nila kanina, dahil pagkarating ko ay may balak pa silang magpadala ng wheelchair at tatlong doktor sa kwarto namin. Kung sa'kin ay simpleng daplis lang sa kanila naman ay mamamatay na ako. "Sigurado ka ha?" paninigurado niya at tumango naman ako. Dumating si Rina mula sa kusina at may bitbit na tray na may lamang pagkain. "Jei-jei. oh kainin mo 'to para mabilis gumaling 'ytang dudu mo," parang batang sabi niya sa'kin at sinamaan ko naman siya tingin. "Oh, kainin mo." utos naman ni Zel kaya wala akong nagawa kung hindi ang kainin ang waffle na ginawa ni Rina. "Masarap ba?" nangingiting tanong ni Rina sa'kin. "Hmm, tama lang ang lasa," sinserong sagot ko dahil hindi naman ako ganon kagaling magluto para manghusga ng luto ng iba. Panay pa rin ang pagtatanong sa'kin ng dalawa, hinahanap ko tuloy yung sinabi nila sa'kin na 'magpahinga ka na muna, Jei' tell me nasaan na yung pahinga ko dito? "Ano ba talagang nangyari? Bakit ka kinidnap ng mga outsiders?" tanong ni Rina with a curious look. Yeah, sabi nila ay kinuha ako ng mga outsiders dahil gusto nilang hingian ng pera ang magulang ko at ang school namin. "Ganon ba talaga kayo kayaman para holdapin este kidnapin ka nila?" tanong ulit ni Zel. "Are you that rich for them to--" "Ininglish mo lang, eh!" palag ko. "Sowy naman," napapakamot sa ulong sagot ni Zel. "YUn nga hindi ko alam, wala naman kasi akong contact sa nanay kong nasa ibang bansa. Pero nakakapag usap pa naman kami hindi nga lang lalagpas sa daliri kung ilan, pero ang alam ko oo may pera kami, but I don't think sapat yun para kinin ako. Anyway hindi na ako nagtataka, people nowadays are thirst in money," kwento ko na hindi naman totoo pero totoo yung sa'min ng nanay ko ah? Hindi sila nakapagtanong nang may kumatok sa pinto ng unit namin. "Ako na," sabi ni Rina at tumango naman kami ni Zel sa kaniya. "Do you expect someone?" tanong ko kay Zel pero umiling siya. Pumasok si Rina sa kwarto ko dala ang isang cute na teddy bear pero hindi kalakihan at isang bloack box with red ribbon. Mukhang may ideya na ako kung kanino galing 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD