Chapter 09: Suspect
Jeila's POV
"You want some snacks?" nakangiting tanong sa 'kin ni Celestine. She's one of the bosses here in Caldwell, isa siya sa may hawak ng organization at mataas na posisiyon.
"Yeah, thanks." sabi ko at saka kinuha ang pagkaing nasa tray, waffle and juice.
Nasa clinic ako ng University at hindi ko inaakalang si Celestine din pala ang incharge dito dahil marami siyang nalalaman about sa panggagamot.
"Are you feeling well?" tanong niya at nilunok ko pa muna ang kinakain ko bago sumagot.
"Yeah, thanks to you." maikling sagot ko at tumawa naman siya.
"You're a girl with few words, right? I wonder why," sabi niya habang nakatingin sa ere pero hindi ko siya pinansin at kumain nalang.
Matapos nang nangyari ay dinala nila ako sa clinic at ginamot ang sugat ko pero matapos non ay wala pa akong balita sa kanila. Isang araw pa lang naman ang nakakalipas ,eh. Ngayon si Celestine ang kasama ko dahil siya ang incharge ngyaon sa clinic.
"Paano mo nakilala ang mga 'yon?" tanong niya at seryoso naman akong nag angat ng tingin sa kaniya.
Hindi ako umimik at nanahimik lang, para bang kinakausap ko siya sa pamamagitan ng tingin.
"Oh, ayaw mo bang pag usapan?" tanong niya at nangunot naman ang noo ko.
"They are just part of my past," maikli kong tugon at laking pasasalamat ko naman na hindi na siya muli pang nagtanong.
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang may kumatok at pumasok si Zaylee.
"Celes," bati niya rito at nagtitigan silang dalawa at tumayo si Celestine.
"See you later, Jea!" paalam niya at tumango naman ako sa kaniya, lumabas na siya ng kwarto at nauiwan kami ni Zaylee.
"Hey," panimula niya kasabay ng paghila ng upuan at nilagay sa tabi ng kama ko at naupo siya roon.
"Hey," pormal na bati ko rin sa kaniya at ngumiti naman siya.
"You okay? I mean, your wound? Does it hurt?" magkakasunod niyang tanong at napakurap na lamang ako ng mata ko.
Natawa siya nang makita ang reaction ko kaya naman inayos ko ang sarili ko.
"Haha, sorry. Ayos ka na ba?"
"Oo," mabilis kong tugon saka kinuha ang tinidor at tumusok ng waffle.
Nanatili kaming tahimik na dalawa hanggang sa siya ang naunang magsalita.
"Alam mo hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may..na may traydor pala sa'min all this time. Since first year highschool magkakasama na kami. Nakakatawa kasi maikli palang ang pinagsasamahan namin pero hindi naman sapat kung gaano na kayo katagal magkakakilala para magbuild ng friendship 'diba?" tanong niya at tumango naman ako.
Hindi ako nakatingin sa kaniya pero kitang kita ko ang sakit at panghihinayang sa mga mata niya.
"Kaya pala....kaya pala lahat kami nagtataka kung paano nagleleak ang information na alam namin dahil may traydor pala sa'min---"
"You mean isa siya sa inyo?" kunwaring gulat kong tanong para hindi mapaghalataan na may pinaghihinalaan ako.
Sa panahong ganito wala kang ibang dapat na pagkatiwalaan kung hindi ang sarili mo kaya mas mabuting umarte at mag maang maangan.
"Oo, nung una hindi rin ako makapaniwala pero nang sabihin ni Mr. Zeon ang lahat nang napapansin niya ay naniwala na 'ko,"
May alam na rin ba siya?
"Kaya pala sa tuwing magpaplano kami sa grupo na'yon ay nalalaman kaagad nila ang plano namin na pagsalakay, ang ending nakakalusot sila," pagpapatuloy niya.
"Bakit at paano kayo naging magkaawayt ng grupo nila?" I asked out of curiosity.
"Hmm, it happened a long time ago. Mr. Zeon build this University for who want to become strong and in order to gather and recruit more people in his organization. Pero mabuti ang layunin ng organisasiyon na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi sa amin," sabi niya at napakunot naman ang noo ko.
Hindi pa niya sinasabi? Ano naman kaya 'yon?
"Ang organisasiyon nila at namin ay noon pa man magkaaway, hindi magkasundo. Pero namatay ang pinakaboss nila kaya naman akala namin ay titigil na sila pero mali kami. Mas lalao lang silang nagpursige na talunin at kalabanin kami," dagdag niya.
Sabagay sa ganong ugali nang mga 'yon talagang hindi yun susuko.
"Pero may pinaghihinalaan na kami," sabi niya at nabuhay naman ang dugo ko!
"Sino?"
"Si--"
"What the heck are you doing here?" sabi ng nakakainis na boses at hindi ko naman napigilan ang sairili ko at naibato ko sa direksiyon niya ang tinidor na hawak ko. "What the f*ck, Jeila! Are you trying to kill me!?" nagugulat niyang tanong sa' kin.
"Easy," bulong naman ni Zaylee.
Kung kailan naman maganda na yung sinasabi niya saka pa eepal itong asungot na 'to. Bwisit!
"Hey, are you ok----"
"I'm more than okay at kayang kaya na kitang sapakin ngayon!" sigaw ko at nagulat naman siya, kinalma ko ang sarili ko at nahiga sa kama.
"Did do something to her that's why she's mad?"
"No. Hindi ko alam, bigla nalang nag init ang ulo niya nang makita ka,"
"What? I don't believe you, boy."
"Nobody said that you need to believe me, bro."
"Whatever."
"Hahaha,"
"Jeila---"
"Shatap!" pigil ko sa kaniya at narinig ko naman ang paghagalpak ng tawa ni Zaylee.
"Ano bang problema mo?" naiinis na tanong niya sa'kin.
"Ikaw" kasawal kong sagot.
"Bakit anong ginawa ko sa'yo?"
"Inistorbo mo ako,"
"Kasalanan ko ba kung gusto kitang makita?"
"Oo,"
"Ganon?"
"Oo,"
"Okay. Anyway ayos ka na--"
"Oo,"
"Hindi na ba suamasakit---"
"Oo,"
"Sigurado ka ba---"
"Oo,"
"Gusto mo ba ako--"
"Oo--" kaagad akong napatigil sa pagsasalita nang marealize ang sinasbai niya sa'kin.
Nilingon ko siya at ganon na lamang ang inis ko nang makita ko ang malaki niyang ngisi.
"Tigilan mo ako, hindi ako natutuwa," naiinis man ay nahihiya kong sabi sa kaniya.
"It's okay alam ko namang gwapo ako at----"
"Manahimik ka!" sigaw ko at biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Mr. Zeon.
"Sumunod kayo sa'kin," sabi niya at lumabas na ng kwarto.
Nagkatinginan kami ni Yasser pero inirapan ko siya at tinignan nalang si Zaylee.
Napapansin na kaya niya ang napapansin ko?