Chapter 04: Thief

1792 Words
Chapter 04: Thief  Jeila's POV "I'm sorry, Jei-jei. Hindi naman namin gustong lokohin ka, eh. Sinunod lang namin ang utos ng Godfather," nakayukong sabi ni Rina at ganon din si Zel. Nakaupo ako sa harap nilang dalawa. "At ang utos niya ay lokohin ako? Alam niyo bang ilang beses na akong--" ako na mismo ang pumutol sa sarili kong sasabihin dahil ayokong mag open ng problema sa kanila. "Ganon talaga ang Godfather, Jei-jei. Hindi lang ikaw ang ginawan niya ng ganiyan, ganito kasi kinikilatis ni Mr. Zeon ang magiging estudiyante ng University niya," sabi niya at gulat naman akong napatingin sa kaniya. "Ibig sabihin pati rin kayo, ginanito niya?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanilang dalawa at sabay naman silang tumango. "Hindi ganito pero same pa rin naman. Ang sa'kin kasi ay binalak rin akong kidnapin pero ako lang ang tutulong sa sarili ko, that time ginamit ko yung nabili kong latigo sa deadly shop hehehe," kwento ni Zel at binigyan ko naman siya ng what-the-f*ck look. "Latigo?" tanong ko at tumango naman siya. "Jei-jei, sorry na huhuhuhu! H'wag kang magalit sa'min! Pramis! Hinding hindi na kami magsisinungaling sa'yo!" sabi ni Rina na itinaas pa ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay nasa dibdib niya katapat ng puso. Tiwala. Yan kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Hindi ko siya sinagot at bigla nalang akong tumayo at pumasok sa kwarto ko. Hindi naman ako galit sa kanila dahil unang una sinangkapan lang sila sa pesteng palabas na 'to. Kidnap kidnap--ba't ba hindi ko naisip 'yon? Lumapit ako sa side table ko ay kinuha ang isang picture frame. Ako ito kasama ang bestfriend ko. Ang kaisa isang taong nanatiling tapat at tunay sa harap ko. "Ba't ba kasi nawala ka? Gag* ka, ang sabi mo pa naman ay walang iwanan pero ikaw 'tong unang nang iwan. Letse ka!" kausap ko sa litrato at pumatak ang mga luha ko rito. Namimiss ko na siya, namimiss ko na ang bestfriend ko. --- Nagising ako sa isang malakas na kalabog sa labas ng kwarto ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong mag aalas otso na ng gabi. Sandali pa akong nag stretching bago tuluyang lumabas ng kwarto. Kaahad bumungad sa'kin ang makapal na usak. Naalarma ako dahil baka may sunog pero nag iba nang makita kong nanggagaking ito sa kusina. "Tanga, hindi 'yan!" "Boplaks, ito kaya 'yon! Nako! Shunga nito magbabasa nalang mali mali pa!" "Sinabi ng hindi 'yan eh! Bahala ka kung anong kalalabasan niyan diyan, bwisit!" Rinig kong pagtatalo nila Zel at Rina habang nakatunghay pareho sa kaldero at mukhang nagluluto pero bakit ang usok naman yata? "Ano bang ginagawa niyo?" tanong ko na hindi na rin maiwasan ang maubo. Sabay nila akong nilingon na may gulat na ekspresiyon kaya naman medyo nagtaka pa ako. What's with this two crazy people? Nagpapasabog ba sila kaya mausok sa koob ng kwarto? Lumapit ako sa kanilabat sinilip ang kaldero. "Nagluluto kayo ng nilaga?" gulat na tanong ko sa kanilang dalawa habang nakaturo pa sa kaldero. "Anong nilaga!? Kaldereta 'yan!" nakangusong sagot ni Rina nagpalit palit naman ang tingin ko sa kaniya at sa kaldereta na niluluto raw niya! May kaldereta bang walang kulay? Transparent lang? Sa unang tingin o kahit sino man ay aakalaing nilaga kahit nilaga naman talaga itong niluluto nila. Malalaki ang hiwa nung patatas dito naka large dice and hiwa. May lumulutang rin na pamintang buo, tell me is it kaldereta? "Dapat tinawag niyo nalang ako para ako nalang ang nagluto," buryong tugon ko saka kinuha ang kaldero at nilagay sa lababo. Pumunta ako sa ref at tinignan kung may ingredients pa doon na kailangan ko and to my surprise nandito lahat. Mukhang masipag mag grocery ang dalawa kong roommate, but not my friends. Dinampot ko ang lahat ng kailangan ko saka iyon nilagay sa center table. Island option ang kusina namin kaya malawak rin. Naisipan kong magluto ng adobo. "Anong lulutuin mo?" excited na tanong ni Rina at talagang dinungaw pa ang mukha ko habang inaayos ang mga gamit. "Yung pwedeng kainin," I sarcastically said. Si Zel naman ay busy sa pagliligpit ng iba pang ginamit nila ni Rina sa kalderetang nilaga. Inumpisahan ko ng magluto at dahil marunong naman ako ay hindi na 'ko nahirapan, nanonood naman sina Zel at Rina na mukhang aliw na aliw sa bawat gagawin ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Hanggang ngayon suot pa rin nila ang apron na may nakaburdang C.U.S.O.M sa harapan in cursive form. --- Isinalin ko na ang ulam sa lalagyan nito habang umuusok pa. Pinuntahan pa kami ng ilang nasa dorm kung may sunog raw ba pero sinabi nila na nasunog lang daw ang niluluto nila. Sinunod ko ang mainit na kanin at kinuha ko na rin ang pitsel na may lamang malamig na tubig. Pagkalapag ko ay kaagad ng nanguna si Rina, nilantakan niya kaagad. Hindi pa siya nakuntento, nilapag niya ang kutsara at tinidor niya sa lamesa at saka biglang nagkamay. Maging ako ay nagulat, akala ko anak mayaman siya kaya hindi siya marunong pero parang mas dinaig niya pa yata ako. Naupo na rin ako at kumain na rin, mahirap na baka wala ng matira ni isang pirasong kanin. "Hehehehe! Charap!" parang batang sabi ni Rina saka hinimas ang tiyan na, busog na siguro 'to. Tahimik akong tumayo at tinulungan ako ni Zel na magligpit dahil si Rina ay hindi na kayang tumayo baka naempacho. ---- Pare parehas lang kaming nakaupo sa sala ng tahimik, I'm reading Harry Potter and the Deathly Hallows book while Zel and Rina busy with their chitchats. Chapter One The Dark Lord Ascending, nakalagay sa unang chapter ng libro. I already watch the movie version, but I want to imagine what I read. Seryoso akong nagbabasa habang silang dalawa ay nagtutulakan na ewan. Alam kong may gusto silang itanong sa'kin pero nahihiya o natatakot lang sila. Bumuntong hininga ako saka nilapag ang libro sa lamesa at tinignan silang dalawa. "May gusto ba kayong sabihin?" seryosong tanong ko sa kanila. "A-hh, salamat pala k-kanina.." mahinang sabi ni Rina habang nakayuko. "Okay," maikling tugon ko saka akmang kukuhin ang libro. "Bakit ayaw mong makipag kaibigan?" natigil ang pagkuha ko sa libro at saka nag angat ng tingin kay Zel. Inaasahan ko na ring itatanong nila 'yan. Tutok naman si Rina sa akin. "Dahil ayoko ng responsibilidad.." ayoko ng maloko at masaktan. "Responsibilidad?" takang tanong nila at hindi ko naman malaman kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. "Oo. Ayaw kong maattached sa ibang tao.." sabi ko saka nag iwas ng tingin. "Huh? Bakit naman?" tanong ulit nila. "Hindi niyo maiintindihan. Sige na magpapahinga na 'ko," malamig kong tugon at binitbit ang libro papasok sa kwarto ko. 'Ayoko at hindi ko na kasi kayang magtiwala dahil ilang beses na nila akong trinaydor, baka tuluyan na akong magalit sa mundo.' Nahiga lang ako sa kama hanggang sa pabigat na nh pabigat ang talukap ng mata ko. Bigla ko nalang naalala yung mukha ng lalaki kanina. Yasser Montelion, tanda ko pa ang pangalan niya. Everything went black. Naalimpungatan ako, bumangon ako sa kama at tinignan ang orasan. Alas dos palang, mukhang tulog na ang lahat. Nadapa ulit ako sa kama at pinikit ang mata pero hindi na ako makatulog. Lumabas ako at nagpunta sa kusina, iinom ako ng tubig. Matapos non ay sumilip muna ako sa bintana para magmuni muni tungkol sa mga bagay bagay. Binuksan ko ang bintana at nakapalumbaba na tumingin sa buwan. Ang payapa ng langit, parang walang problema. Masarap sigurong lumipad. "F*ck! Faster! We need to get out of here!" "Shut up! I'm focusing, bro!" "Just do it!" "Easy!" Napatingin ako sa ibaba at nakita ang dalawang hindi pamilyar na lalaki. Kahit madilim ay naaaninag ko silang dalawa dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Nakasuot sila ng black I mean all black! Pinanliit ko ang mata ko para maaninag sila ng mabuti. Anong ginagawa nila? Mukhang natataranta silang dalawa. Yung isa panay ang tingin sa paligid at ang isa naman ay may kinakalikot na ewan. "Bilisan mo tang*na!" "Pucha oo sandali!" Nagmumurahan pa silang dalawa at hindi alam ang gagawin. Sinarado ko ang bintana at saka pumasok sa kwarto ko at kinuha ang black jacket ko. Hindi na ako nag abala pang dalhin ang arnis ko dahil mukha naman silang mahihina. Maingat akong lumabas ng kwarto at sinilip ang hallway kung may tao pero imposible dahil malalim na ang gabi. Prente at pa chill chill lang akong naglalakad sa hallway kahit na madilim, sumisilip din naman ang liwanag ng buwan sa bawat bintana kaya naaaninag ko ang daan. Nang makarating ako sa first floor ay naging maingat na ako sa kilos ko at nagtatago sa likod ng mga pader. Maya maya pa ay naririnig ko na ang boses ng dalawang lalaki, saka ko lang nakita kung anong ginagawa nila. May hawak na bag yung isa at pilit na binubuksan ang bintana ng isang kwarto. Magnanakaw sila? Lalabas na ako ng isang pangahas ang humila sa'kin at takpan ang bibig ko gamit ang kanang kamay niya. "Ssshh, they might hear us," bulong niya sa mismong mukha ko dahilan para manindig ang balahibo ko. Nakatakip pa rin sa bibig ko yung kamay niya at tumingin sa mga lalaki. Hindi ako komportable sa posisiyon namin, nakahawak or let's just say na nakayakap ang kaliwang kamay niya sa bewang ko habang ang kanang kamay niya ay nakapatakip sa bibig ko. I can't help but to stare in his neck. Nakatingin lang ako sa leeg niya at nang matauhan ay dali dali ko siyang itinulak palayo sa akin. "What the hell are you doing!?" singhal ko sa kaniya at kaagad naman niya akong hinila palayo at tumakbo pabalik sa loob. "Tsk! Sabi ng h'wag maingay ayan tuloy nakiya nila tayo!" singhal niya sa gitna ng pagtakbo namin pero hindi ko na makuhang sumagot dahil madadapa ako. Hinila o kinaladkad niua lang ako kung saan at nang tumigil kami ay padarag kong hinila ang kamay ko para bitawan niya saka siya matalim na tinignan kahit hindi niya nakikita. "Anong ginagawa mo dito?" hinihingal na tanong niya sa'kin. "None of your business," sagot ko saka lumanghap muna ng hangin dahil napagod ako. "Kilala mo ba 'yon?" tanong niya. "Hindi bakit ikaw kilala mo ba?" "Hindi rin pero mukhang may masama silanh ginagawa," Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. "Kasama ka sa kanila ano?" sabi ko habang nakaturo pa sa kaniya. "What? What the hell is that!" anas niya saka ako tinignan. Ako lang ba o sadiyang naging cool ang dating niya dahil natatapatan siya ng liwanag ng buwan. Doon ko lang din nakita ang suot niya. Naka sweater siyang blue at cotton pants. Lamig ah? Sabay kaming lumingon nang may maliwanag na tumutok sa mukha namin. Nakita namin si Sir Ownel na naglalakad at may hawak na flashlight. "Mr. Montelion at Ms. Frondalle!" sigaw niya at matagal bago ko ma realize kung ano ang tumatakbo sa utak niya! "Nako! Sir Ownel--" "Sumunod kayo sa'kin at nang maparusahan kayo!" pigil niya sa akin at tinikuran na kaming dalawa. Iniisip niya bang boyfriend ko itong kutong lupa na 'to? Ugh! Paano ko malulusutan 'to!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD