Chapter 03: Attack

1689 Words
Chapter 03: Attack Jeila's POV "Alam mo ba Jei-jei ang saya kahapon! Sayang nga hindi ka sumama, eh! Ayokong sabihin pero sa tingin ko killjoy ka! Sorry sa offend, huh? Ih! Naman, ih! Ba't ba kasi ayaw mong sumama? Tapos maabutan ka lang namin dito ni Zel na bumili lang ng arnis? Anyway bakit nga pala arnis ang napili mong weapon? Usually kasi mga guns, machine guns, knife o kaya naman bomba ang kinukuha nila pero bakit ikaw arnis lang? Wala ka bang pambili ng weapon?" dire diretsong sabi at tanong ni Rina sa'kin, hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin. "Labas muna 'ko," paalam ko at saka tumayo. "Ang ingay kasi ng bunganga mo! Ayan tuloy nairita tuloy siya satin!" "Eh, anong magagawa ko kung gusto ng bunganga ko ang putak ng putak!?" "Pwede namang tahiin 'diba?" "Karumadal dumal ka!" Narinig ko pang pag uusap nila bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Saturday ngayon at wala akong ibang magawa sa loob ng dorm. Hindi rin naman ako nakikipag chit chats kina Zel at Rina kahit pa kinakausap nila ako. Naaalala ko sila sa kanilang dalawa, naaalala ko yung unang approach nila sa'kin yung inofferan nila ako ng pagkakaibigan at nangakong walang iwanan, pero sa huli panloloko lang pala ang lahat. Naramdaman ko ang mabilis na pangingilid ng luha sa mga mata ko kaya kaagad ko itong pinahid at naglakad palabas ng dorm. Wala naman akong maisip na better place kung hindi sa garden, alam ko naman na masiyadong siga ang mga tao dito kaya imposibleng mapadpad sila sa garden except nalang kung naglalandian lang sila. Halos wala akong makita sa hallway na estudiyante at kung meron man ay binibigyan nila ako ng who-the-hell-are-you look. Narating ko ang garden ng tahimik at matiwasay. Kaagad akong naupo sa isa asa mga bench na naroon. Nakakaginhawa ang amoy ng mga bulaklak, nakakarelax rin yung tahimik ng lugar at ang view. Ang buong garden ay gawa sa glass, para samga halaman at maarawan naman sila, nakahilera ng maayos ang bawat tanim, nakabukot ito sa isa't isa. Mukhang ito ang magiging tambayan ko kapag gusto kong mag isa. "Tang*na mo ka!" "Mas gag* ka! Siraulo!" Dinig kong sigaw kasabay ng tunog ng nabasag na paso ng mga halaman. Napatayo ako at nakita ko sa likuran ang dalawang lalaking nag aaway---sila na naman!? Inis akong pinagpagan ang sarili ko at nilapitan silang dalawa, kung wala silang mga pasa sa mukha iisipin ko naghahalikan na silang dalawa dahil sa sobrang lapit ng mukha nila. Hawak nila ang kwelyo ng isa't isa, litaw na litaw ang ugat nila sa kamay at leeg pati na rin sa ulo. "Tang*na! Hanggang dito ba naman dala niyo yang pagiging basag ulo niyo!?" inis na sigaw ko sa kanilang dalawa at saka sila pinaghiwalay na dalawa. Parehas silang naghahabol ng hininga habang nakatingin sa'kin, parehas galit ang mata nilang pareho. "Sino ka ba!?" anas ng lalaking may kulay ang buhok, tinignan ko siya ng matalim pero ni hindi man lang siya nagulat sa ginawa ko. "Wala kang pakialam. Ang pakialam ko ngyaon ay ang lugar na 'to—" "Ikaw ba keeper nito!?" singhal naman sa'kin ng lalaking kulay itim lang ang buhok. "Hindi pero dito ang tambayan ko! Kaya pwede ba umalis kayo--pinag iinit ninyo ang ulo ko!" inis na sigaw ko sa kanilang dalawa at parehas naman silang natahimik, pero dahil sira na ang mood ko ay lumabas nalang ako ng garden. Nadaanan ko pa ang paso na nabasag nila, sinipa ko 'yon at tumalsik ito sa dingding, mas lalong nadurog yung mga laman."Mga peste! " Malalaki ang hakbang ko habang pabalik na ako ng dorm. Sana ay wala sina Zel at Rina doon dahil baka masigawan ko lang sila at ikagalit pa nilang dalawa— "Putspa naman oh!" anas ko nang may humila sa braso ko at saka ako hinarap sa kaniya! Una kong nakita ang damit ng pesteng gumawa sa'kin non, nakita ko ang kulay asul na t-shirt "Ano na namang kailangan mo!?" galit na tanong ko sa lalaking may kulay ang buho, tinignan ko ang likuran niya pero hindi ko makita ang lalaking may kulay itim naman na buhok. "Kung siya ang hinahanap mo wala siya. Ako ang nandito kaya ako lang ang tignan mo babae," sabi naman ni Mr. Color. Pero dahil hindi ko gusto ang lapit ng mukha namin ay tinulak ko siya dahilan para ma out of balance ako at mapaupo sa sahig. Nagulat pa ako nang iabot niya sa'kin ang kamay niya pero tinapik ko lang iyon at saka tinulungan ang sarili kong tumayo. Pahiya siya. "Sino ka ba at anong kailangan mo sa'kin?" maangas na tanong ko sa kaniya kasabay ng pagpapagpag ng damit ko d ahil napaupo ako at napahiran ng alikabok. Umubo siya bago ako sinagot. "Ako si Yasser. Yasser Montelion, ikaw babae?" pakilala niya at talagang tinanong niya pa ang pangalan ko, ah? "Ahh, Yasser. Okay," tanging sagot ko rito at kumunot naman ang noo niya at tila nauubusan na ng pasensiya. "Tinatanong kita, anong pangalan mo?" pag uulit niya ng tanong niya at tinawanan ko naman siya. "Tinanong ko lang pangalan mo pero wala akong balak makipag kilalanan sa'yo mister," seryosong sagot ko at saka siya iniwan doon. Rinig ko pa ang pagmumura niya at napangisi ako. Pagpasok ko ng kwarto ay kataka taka ang katahimikan na namamayani sa loob. Sanay kasi ako na kinukulit o di kaya naman ay naririnig ang bunganga ni Rina kahit na iilang araw palang ako dito. Pero bakit ngayon wala sila? Umalis ba sila? Pero hindi ko nalnag ito pinansin at pumasok sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit at dumiretso sa banyo. Masiyado akong badmood ngayon dahil sa nangyari kanina, wala bang peaceful place dito? Ramble everywhere? Mabilis akong naligo at lumabas, nagtimpla ako ng coffee dahil medyo nilalamig ako. Naupo lang ako sa sala habang nanonood ng pwedeng panoorin, panay ang lipat ko ng channel, hindi ako mapirma sa isa dahil walang kwenta. Hindi naman ako mahilig sa cooking show, hindi rin ako mahilig sa mga battle battle na kakanta at mas lalo naman sa cartoons. Wala ba silang Harry Potter sa HBO? Inis kong pinatay ang TV at saka humigop ng kape. Muntik ko ng maiduwal ito nang may nagbalibag ng pinto at iniluwa non si Zel na pagod na pagod at pawis na pawis. May bahid din ng pag aalala sa mukha niya kaya medyo kinabahan ako. "Jei-jei!" sigaw niya sa pangalan ko kasabay ng paglapit sa'kin at hinawakan ang dalawa kong kamay kaya medyo napapitlag ako. "Jei-jei si Rina!" naghihisterikal na sabi niya sa'kin at bakas na bakas ang takot sa mukha niya. "May mga lalaking nagpupumilit na isama siya! Jei-jei tulungan mo siya!" nagmamakaawang sabi ni Zel at hindi ko alam pero naalarma ako. "Sandali lang," sabi ko at saka pumasok sa kwarto ko at mabilis na kinuha ang arnis. Pagkalabas ko ay kaagad kaming nagtungo sa likod ng University, naabutan namin ang limang malalaking lalaki na pilit sinasakay si Rina sa sasakyan pero nagpupumiglas ito. "Anak ng..!" sigaw ng isa sa kanila nang makita kaming dalawa. "Dito ka lang," bulong ko kay Zel at naramdaman ko naman na tumango siya. Inilabas ko ang dalawang arnis sa lalagyan at pinatong sa dalawa kong balikat habang naglalakad patungo sa kanila. Hindi ito ang unang beses na maka encounter ako ng ganitong klaseng lalaki. "Laban na," aya ko sa kanila at iniwan nilang apat si Rina sa isang lalaki saka sabay sabay na lumalapit sa'kin. Habang palapit ng palapit ay pahigpit na rin ng pahigpit ang kapit ko sa arnis. Ito anh pinili kong armas dahil dito ako bihasa. Sabay sabay nilang pinapatunog ang mga daliri nila at naunang sumugod ang isa sa kanila. Nakapwesto ako sa gilid niya pero niyukuan ko lamang ang suntok niya saka siya hinarap dahil nasa likod ko siya at binigyan ng isang hampas sa likod na nagpaluhod sa kaniya. "Haaaaaa!!" sigaw naman ng dalawa at sabay na sumugod sa'kin with their hands formed ito fist. Lumiyad ako at dumaan sa ibabaw ko ang kamao nilang dalawa saka tumayo ulit ng diretso at saka sila mayabang na nilingon. "Yan lang ba?" paghahamon ko pa sa kanila at hindi naman sila nag atubiling sumugod ulit sa'kin. Pero tumalon ako at ginawang apakan ang magkabila nilang balikat saka tunalon at hinampas silang dalawa sa binti. Hangga't maaari ayokong makasakit ng grabe kaya panay sa binti lang ang tinatarget ko. Tatlo na sila ngayong namimilipit sa sakit at sinulyapan ko naman ant dalawa pang natitira. "Talaga naman, oh!" anas ko nang makitang pasakay na sila sa sasakyan nila pero hinagis ko ang isang arnis ko na parang dart at tumama 'yon sa bintana ng sasakyan, wasak ito at sinamantala ko naman ang pagkakataon na na distract sila saka ako sumugod ng mabilis. Mabilis kong nadampot ang isang arnis ko at ginawang pangipit sa leeg ng isa sa mga lalaki saka ngumisi ng malaki. Tinadyakan ko ang baba niya at napahiyaw naman siya sa sakit. Magkakaanak ka pa kaya? Binalingan ko naman ang nasa loob ng sasakyan at bakas ang takot sa mukha niya pero matindi pa rin ang kapit niya sa leeg ni Rina. Halatang nasasaktan na ito at hindi na makahinga ng ayos kaya naman itinaas ko ang arnis sa ere— CLAP! CLAP! CLAP! Kaagad akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si Sir Ownel, isang babaeng maganda pero hindi ko kilala at si si Mr. Zeon. Hindi ba sila nag aalala? Kikidnapin na ang estudiyante nila, unless.. "Palabas lang ba 'to?" madilim ang mukhang tanong ko pero ni hindi man lang non nabura ang malawak na ngiti sa labi nilang tatlo. "Very good, Ms. Frondalle. Hindi ako nagkamaling tanggapin ka dito sa University," sabi ni Mr. Zeon na hindi mabura bura sa labi niya ang mga ngiti. "Very well, Ms. Frondalle. Yes, you're right this is just part of our plan to know your skills and what talents you have and we guess that you're very brave yet deadly girl," sabi naman ng babaeng napapagitnaan nilang dalawa ni Sir Ownel. For a hundred times, they fool me again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD