Chapter 02: Weapon

1921 Words
Chapter 02: Weapon Jeila's POV Nakarating kami ngayon rito sa office ng tinatawag nilang Godfather, it's sounds corny but mysterious at the same time. Why would they called him Godfather if he's not deserving? Somehow he's like a puzzle to me. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin nadating ang sinasabi ng matandang 'to na Godfather. I don't know that much, but I'm pretty sure that this University is fit in my plan. Prente lang akong nakaupo sa couch habang nakadkwatrong pangbabae at natuon lang ang paningin ko sa lamesang kaharap ko. Matapos akong dalhin rito ni Sir Ownel ay iniwan niya na ako rito at sinabing hinatyin ko nalang daw ang Headmaster sa loob. Ilang minuto pa akong naghintay bago ko narinig ang paglangitngit ng pinto at kasabay non ang pagpasok ng isang gwapong lalaki, tuloy tuloy lang itong naglakad at naupo sa kaniyang swivel chair bago niya inangat ang paningin sa'kin. "Ms. Frondalle, sorry I'm late, I hope you don't mind?" nakangiting tanong niya at bakas ang awtoridad at kapangyarihan sa mga mata niya. "It's okay," pormal kong sabi sa kaniya saka siya tumayo at lumipat sa kaharap kong couch at naupo ron. "Shall we start?" tanong niya at tumango naman ako. Umubo siya ng kunwari at saka ako seryosong tinignan pero hindi ako natinag. Ramdam ko ang pagiging seryoso niya sa harapan ko bago pa man siya mag salita. "Caldwell University is not the typical type of school that you've known before, somehow it's similar to other schools magkakaiba nga lang sa learnings and the way they educate students. Mag aaral ka pa rin sa bawat sa subject pero hindi katulad ng mga Mathematics, Physics, Biology, Chemistry, History or whatever na tinuturo sa normal na eskwelahan. Dito kasi.." bitin niya sa sasabihin niya kasabay ng pagtingin sa'kin ng diretso sa mata."..tuturuan ka kung paano lumaban," nakangiting sabi niya. "Lumaban?" I see now why I'm sensing this is a great choice. "Yes, every year may mga batch na gumagraduate, but sadly ang iba sa kanila ay hindi naaabot ang standard and quality na gusto namin kaya hindi sila napapabilang sa'min. They follow guidelines, rules at may kaakibat na kapalit kapag nagkamali ka." tumigil siya pansamantala. "Naiintindihan mo ba Ms. Frondalle ang University na pinasok mo?" tanong niya at dahan dahan akong tumango. I heard na isa itong school for the deliquents, based from the reviews and gossips but there is something here that will make you let them lure you in. Pero hindi naman 'yon ang habol ko, gusto ko lang matuto dito at makabuo ng sariling organisaiyon ko, but in other part, mas maganda kung makakasama ako sa mga may position. "Caldwell University, hindi basta basta at walang masiyadong nakakakilala o nakakaalam na ang eskwelahang ito ay nageexist, maliban sa mga sumubok at hindi nagtagumpay. But they know how to keep this confidential." Kinuwento ni Mr. Zeon Ridge ang lahat lahat about sa school ang history nito at ang mga taong malaki ang naiambag sa University. Inabot rin kami ng isang oras bago ako umalis at pumunta sa girl's dormitory para tignan ang magiging kwarto at makilala ang mga makakasama ko. Pagkarating ko ng 5th floor ay kaagad akong nagtungo sa dulong parte ng hallway. Ang room number ko 215, kumatok ako ng tatlong beses at dalawang babae ang bumungad sa'kin. "Oh my gosh! Zel nandiyan na siya! Hihihi! Hello, I'm Czalarina but you can call me Rina!" sabi ng babaeng may pagka brown ang buhok, tinunguan ko naman siya at saka nakipag shakehands. "Ako naman si Zelerina, call me Zel for short. Nice meeting you," sabi naman ng babaeng may itim na buhok at straight pa ito. Alaga sa aloevera. Matapos kong makipagkamay pareho sa kanila ay seryoso ko silang tinignan. "I'm Jeila Frondalle, you can call me whatever you want," "Hihihihi! Hi, Jei-jei, friend—" "Uunahan ko na kayo wala akong balak makipag kaibigan dahil iba ang depinisiyon ko non," kaswal na sabi ko at saka pumasok sa loob, nakita ko ang isang pintuan na bukas kaya naman sigurado akong ito ang kwarto ko rito. Pagkapasok ko sa loob ay kaagad kong isinara ang pinto at saka inikock. I don't feel sorry for them, I don't want to attached again and I don't like being betrayed by the people you trust more than yourself. Inayos ko ang gamit ko at saka iyon inilagay sa kanilang designated place. Hindi rin ako nahirapan dahil kaunti lang naman ang dala kong damit and besides may botique akong nakita dito sa school ground. Iba na ang mayaman may sariki ng mall sa school. Lumabas ako ng kwarto para maligo bago maglibot libot sa University. Ito-tour ko ang sarili ko, hindi naman ako pwedeng mang abala ng iba para lang samahan akong mamasiyal. That's a waste of time for them and one more thing, who would kike to spend time with me? Naabutan ko sina Rina at Zel sa may entertainment area na nanonood ng isang nakakatawang movie. Sabay silang napalingon sa'kin nang maramdaman nila ang presensiya ko. Nag iwas ako ng tingin dahil hangga't maaari ayaw kong makipag eye to eye contact sa iba. "Uy! Jei-jei! Sa'n punta mo—" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil pumasok na ako sa bathroom at saka naligo. Hindi ko alam ang naging reaction niya o kung nabastusan siya sa ginawa ko pero wala naman akong intensiyon na ipahiya siya. Mabilis akong naligo at naglinis ng katawan. I wear a black sando na pinapatungan ng chekered na kulay green, pinartneran ko rin ng jeans at rubber shoes and black cap. Baka mapagkamalan akong dancer sa outfit ko pero ito na ang nakasanayan ko and besides hindi naman sila ang magsusuot 'diba? Pagkalabas ko ng room ay nandoon pa rin yung dalawa at nakaayos sila. Mukhang lalabas rin sila kagaya ko. Rina is wearing a simple white dress while Zel is wearing a crop top. Seriously, what's with this girls? Nasa school ba sila o sa party? Hindi ko sila pinansin at nagtungo sa kwarto para mag spray ng pabango ko. Pagkalabas ko ay nakabantay sila sa harap ng kwarto ko. "Jei-jei, gusto mo sumama?" excited na tanong ni Rina habang ngiting ngiti ganon din si Zel na nakatingin sa'kin. "Ayoko." tipid kong sagot saka lumabas ng pinto at inayos ang cap na suot ko. Habang naglalakad sa hallway ay napapansin ko ang tinginan ng mga tao sa paligid ko. They are all wearing their P.E uniforms because it's friday, then why Rina and Zel dressed like that? By the way, who I am to care? "Ito ang listahan ng mga nasa rank ngayon ng Mafia," sabi ni Sir Ownel, siya yung matandang sumalubong sa'kin kanina, hinanap ko siya dahil nasa kaniya raw ang schedule ko at information ng mga may ranggo sa University. Inabot ko ang papel at tinignan ang mga pangalan na nakasulat katabi ang posisiyon nilang lahat. Ranking in Organization Zeon Ridge ( Godfather ) Zaire, Zaylee, Jayvion and Yasser ( Weaponry ) Jeremy, Joshua and Nico ( Soldiers ) Mr. Black/ Blake Anthony Ckeifer ( Caporegime/ Lieutenant ) Mr. Red/ Rod Emerson Drix ( Consigliere/ Chief Advisor ) ( The Bosses right hand-man ) Zenith and Celestine ( Bosses ) Toria ( Underboss ) "Bakit po kay Mr. Ridge lang ang may surname? How about the others?" nagtatakang tanong ko kay Sir Ownel na noon ay nakatunghay lang sa'kin. "Dahil anumang oras ay maaari silang matanggal sa pwesto nila, maaaring may pumalit o kaya naman ay bumababa ang posisiyon na hawak nila sa organisasiyon. Iyan ang pinaka bago ngayon na listahan nila," magalang niyang sagot at puro talagalog. Matapos kong basahin ang nakasulat na pangalan ay nagpaalam na ako kay Sir Ownel, hindi ko naman kilala ang mga nandito except kay Mr. Zeon na siya rin palang Headmaster ng Caldwell. Tinignan ko ang schedule ko at sa Monday na ako papasok sa una kong klase, sa ngayon ay asikasuhin ko raw muna ang uniform ko. Pumunta ako sa school ground dahil dito ko nakita ang tindahan na may mga damit, next week ko pa naman makukuha ang uniform ko kung bibili ako ngayon, meaning isang linggo akong naka-civilian. Ang mga maiikling damit ay ipinagbabawal nila, any dress that can attract or seduce someone. Mukha ba akong mang aakit? Pumunta ako sa isang tindahan na puro uniform ng caldwell ang nakalagay. Pagpasok ko ay dumampi kaagad ang lamig ng aircon sa balat ko, nasa close area din kasi at hindi gaanong nasisikatan ng araw ang place nila kaya naman talagang napakainit. Pag pasok ko ay kaagad akong lumapit sa counter at sinabi ang size at kung ilan ang uniforn na kailangan ko. Pero dahil may medyo pagkatamad ako ay limang pares ng uniform ang binili ko, ayokong maglaba everyday so better be prepared. "You can have your uniform next week, Ms. Frondalle. Please leave us your contact number so we can communicate with you," anang babae at iniabot sa'kin ang ilang papel at ballpen. Nilagay ko ang number ko doon at nagbayad na ako kaagad, nagulat pa ang babae na cash ang binayad ko, normally raw kasi ay cards ang ginagamit. Wala naman sa'kin kung magkano ang gagastusin, malay ba nila sa laman ng bangko ko? Lumabas ako ng store at nilibot pa ang ibang tindahan, ilang tindahan ang nadaanan ko pero isang tindahan lang ang umakit sa atensiyon ko. "Deadly Shop," basa ko sa pangalan nito at dahil tinted ang labas ng store ay pumasok ako sa loob. Kita ko ang panlalaki ng mata ko matapos kong pumasok sa loob, sumalubong sa'kin ang iba't ibang klase ng armas. May nakita pa akong M60 machine gun at AK-47 assault rifles. May mga matatalas rin na kutsilyo na nandito, maghahanap ako ng bomba mamaya. Habang nililibot ko ang store ay pinapadaan ko ang daliri ko sa bawat gamit na narito. Nakita ko ang isang malaking lalaki sa counter, eh, ampangit naman kung sa cashier siya nakatoka pero mukhang hindi kayang i handle ng maaarteng saleslady ang shop na'to. Hinahayaan niya lang akong mag ikot dito sa tindahan niya. Malawak ito at talaga namang wala kang ibang makikita kung hindi mga nakamamatay na bagay, kaya pala deadly shop ang pinangalan nila. Malawak ang ground ng school at kung inaasahan niyo na kasing ingay ito kagaya ng palengke ay nagkakamali kayo dahil dinaig pa nito ang tahimik na library. Maraming tindahan ang narito pero ito lang ang gusto kong balika balikan syempre kasama ang tindahan kung saan ako bumili ng uniform. Napatigil ako sa pagiikot nang makita ang dalawang arnis. Nakahilera ito sa mga samurai na katabi pero napansin kong nag iisa nalang ito. Hinawakan ko muna ito saka iginuhit ang aking daliri bago ito kunin. May kung ano sa utak ko ang nagsasabing bilhin ko raw ito. dinala ko ito sa counter at tinignan naman ako ng lalaking cashier, eh, sagwa para sa'kin dahil bukod sa malaki ang katawan niya ay mukha rin siyang hoodlum. Sorry sa panlalait I'm just stating the facts. Inabot ko sa kaniya ang dalawang arnis, nagtataka pa siya pero kaagad ring nilagay sa lalagyan na isang pahabang bag na swak lamang para sa dalawang arnis at saka ibinigaty sa'kin. Syempre hindi na ako nagulat dahil inaasahan kong malaki ang presyo nito pero ako mismo ang nagulat dahil libre lang ito. Hindi nagsasalita ang cashier na lalaki sa tuwing tinatanong ko siya imbis ay inabot niya nalang sa'kin ang arnis at lumabas nalang ako sa shop. Weird, anong meron dito sa arnis?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD