NAG—ISANG linya ang aking kilay nang makita ko ang awards na ibibigay mamaya. “Star of the Night. May King and Queen of the Night. May Prince and Princess of the Night. May Best Dress for Male and Female...” Iilan iyon sa mga best awards na ibibigay mamaya. “Anong sinabi mo, Lady?” Napatingin ako kay Amanda. Nakaupo na kami sa table namin, may department na nakalagay bawat table. “Sabi ko may King and Queen of the Night and My Prince and Princess of the Night, pwera pa iyong Star of the Night and Best Dress for Male and Female,” sabi ko sa kanya at tinuro ang binigay sa aming pamphlets kanina pagkapasok. Tinignan nila am kanilang hawak. “Hala, oo nga! So, kung ikaw na ang Star of the Night, Lady—” “Hindi pa. Malabo iyon,” putol ko sa kanyang sasabihin. “Ikaw na talaga iyon, Lady. May

