“GOOD morning po, kuya Jerry!” Nag—start na akong magtrabaho lalo naʼt hindi na ako pupunta rito pagkatapos ng lunch break. “Oh, iha! Good morning din! Pinapasabi pala ni Mr. Larkin, sa office room ka na maglinis. Hindi naman marumi sa restroom, meeting room at maging dʼyan sa receiving area. Kaya diretso ka na roon,” sabi ni kuya Jerry sa akin. “Po? Sure po ba kayo, kuya Jerry? Nandito po si Mr. Larkin? Pumasok po siya?” tanong ko sa kanya. “Oo, iha. Nagulat din ako ng lumabas siya dʼyan sa elevator kanina, nauna lang siya sa iyo ng ilang minuto. Akala ko ay ikaw ang dumating.” Bakit pumasok siya? “Ah, sige po, kuya Jerry. Maglinis na po ako sa office room niya.” Tinanguan niya ako at tinulak ang aking cart. Isang himala yatang pumasok. Ang ibig kong sabihin, hindi pumapasok si Mr

