Chapter Eight

2544 Words
ISINABAY ni Jack ang pagpapalakas ng katawan at pagsasanay sa paggamit ng sandata. Gusto niyang matuto kaagad kaya wala siyang sinasayang na oras. Si Luis ang sparing partner niya. Maliban kay Sanji, ito rin ang nagtuturo sa kanya sa paggamit ng iba-ibang uri ng sandata. Mula sa maliliit hanggang sa malalaking sandata ay pinagsikapan niyang matutunan. Naroon sila sa underground ni Luis at nagsasanay gumamit ng maliliit na sandata. Ang target nila ay ang kahoy na hinulma na katawan ng tao. Hindi katigasan ang kahoy kaya mabilis bumaon dito ang matatalim na bagay. Maliliit na kutsilyo ang una niyang ginamit. Tinuruan siya ni Luis kung paano umatake sa target na malayo at nasa ibabaw. Tama si Haru, importante na matibay ang mga binti upang depensahan ang balanse ng katawan oras na gumalaw ang mga kamay at ibabang parte ng katawan. May tamang tindig upang mapanatili ang balanse at lakas ng mga binti. “Kapag gumagalaw ka, ilagay mo ang iyong bigat sa iyong mga hita at binti upang maging magaan ang kilos ng itaas na bahagi ng iyong katawan,” turo ni Luis habang pinapanood siya. Hawak niya ang dulo ng kutsilyo at mauuna ang hawakan nito. Nang pakawalan niya ang kutsilyo ay diretso ang lipad nito patungo sa target. Kontrolado ang lakas niya ayon sa distansiya ng target. Sa unang tira ay hindi niya napatamaan ang target. “s**t! Malas!” nayayamot na bulalas niya. “Nanginginig ang iyong mga kamay, Jack. Kapag bibitawan mo na ang kutsilyo, bumuntong-hininga ka at sandaling pigilan ang paghinga mo kasabay sa pagbitiw ng sandata. Sa paraang iyon, maiiwasan ang panginginig ng iyong kamay,” payo ni Luis. Sumubok siyang muli. Nakatatlong tira siya bago niya napatamaan sa noo ang target. “Alalahanin mo, ang mga bampira at hindi kaagad namamatay kung simpleng sugat lang. Mabilis humilom ang kanilang sugat. Ngunit mayroon na tayong mga sandata na mabilis tumupok sa mga katawan nila,” ani ni Luis. “Kailangan natin ng maraming pilak upang makalikha ng mas maraming sandata,” aniya. “May mga lupain sa paligid ng Altereo na may nakabaong mga ginto at pilak. May naatasan nang grupo upang gawin iyon.” Pinulot niyang muli ang mga kutsilyo. Sinubukan din niya ang star blades. Habang tumatagal ay nalilibang siya sa kanyang ginagawa. Maya-maya ay dumating na si Sanji at dala ang dalawang espada na gawa sa kahoy. Inihagis nito ang isa sa kanya. Ang isa ay para kay Luis. Nagduwelo sila ni Luis na walang balote sa katawan. Hindi naman ganoon katulis ang dulo ng espadang kahoy ngunit masakit pa rin kapag tumama sa katawan. “Ituon mo sa kalaban ang iyong atensiyon, Jack. Bago ka humarap sa mas maraming kalaban, sanayin mo ang iyong sarili sa isang simpleng laban muna. Huwag tayong magmadali,” payo ni Sanji habang pinapanood sila. “Ang bagal mo, Jack!” kantiyaw sa kanya ni Luis. Ilang beses na siyang tinamaan ng espada nito sa dibdib. “Ugh!” daing na naman niya nang tamaan siya ng dulo ng espada nito sa puson. Napalakas iyon kaya sumalampak siya sa sahig. Nang muli siyang sugurin ni Luis ay hinarang niya ng kanyang espada gamit ang sa kanya. Nakipagsukatan siya ng lakas dito. Alam niya hindi pa ibinibigay ni Luis ang isang daan pursyentong lakas nito. “Sa ganyang sitwasyon, maari mong gamitin ang iyong mga paa upang makawala sa lakas ng kalaban,” sabi ni Sanji. Nang hindi na niya kaya ang lakas ni Luis ay tinadyakang niya ito sa puson. Tumalsik ito. Kaagad siyang bumangon at sinugod ito. Nakailag ito sa kanyang espada at kaagad nakatayo. Nagpalitan na naman sila ng hataw ng espada. “Hm, hindi na masama, bumibilis ka na, Jack!” puri ni Luis habang sinasangga ang mga pagsugod niya. “Oo, kailangan kong maging mahusay! Yaaah!” Itinaas niya ang kanyang espada at inihataw kay Luis. Nasalat ng espada nito ang espada niya ngunit huli na. Lumapat pa rin ang espada niya sa ulo nito. “Tama na!” pigil ni Sanji. Pumalakpak ito. “Magaling, Jack!” Binawi naman niya ang kanyang espada at ibinaba. Hinahapong napasandal sa dingding si Luis. “Grabe, ang bilis mong natuto, Jack,” ani ni Luis. “Dahil mahuhusay kayong guro,” nakangising sabi niya. “At mabilis ding nagbago ang iyong katawan at pag-uugali,” gatong ni Sanji. Napansin din niya ang pagbabago na sinasabi ni Sanji. Ang disiplina na gusto nitong makita sa kanya ang unti-unti niyang nagagawa. Maliban sa pagbabago ng kanyang katawan, nagbago na rin ang kanyang pag-iisip. Inalis na niya sa kanyang kukoti ang mga negatibong bagay. Napupuno siya ng determinasyon at positibong pananaw. “Magpahinga muna kayo. Mamaya ay magsimula ulit tayo sa iba pang estilo,” sabi ni Sanji saka sila iniwan. Lumapit sa kanya si Luis at umakbay. Ang bigat ng braso nito. Sabay na silang naglakad paakyat ng hagdan. “Bilib ako sa ‘yo, Jack. Ikaw ang tipo ng mortal na kayang makipagsabayan sa mga nilalang na hindi mo kauri,” sabi nito. Ngumisi siya. “Ang totoo, ginagawa ko ito dahil gusto kong makatulong sa inyo at matulungan din ninyo ako sa problema ko.” “Oo nga, mahalaga ang pamilya mo.” “Inosente ang mga kapatid ko kaya hindi sila maaring magtagal sa lugar na ito.” “Sana nga ay buhay pa sila.” Inalis ni Luis ang braso sa kanyang balikat. Bumuntong-hininga siya. “Naniniwala ako na buhay pa sila,” puno ng antisipasyong sabi niya. “Pero ang tungkol sa iyong nobya, mukhang mahirap paniwalaan na buo pa siyang makababalik sa ‘yo,” sabi ni Luis. Huminto siya sa paghakbang at hinarap ang kasama. Humiunto rin ito at hinarap siya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” kunot-noong tanong niya. “Hula ko maganda ang iyong nobya,” anito. “Oo, para sa akin siya ang pinakamagandang babae sa mundo,” aniya. “Ang mga nilalang dito sa Altereo ay uhaw sa kakaibang bagay. Bihira ang mga mortal na tumatagal sa lugar na ito. Kung hindi sila pinapatay, ginagawa naman silang pagkain o kaya’y alipin. Asahan mo na hindi maayos ang kalagayan ng iyong nobya.” Sa halip na mabahala ay lalo siyang tumapang. Inaasahan na niya na hindi maganda ang kalagayan ni Alona at ng mga kapatid niya saan man napadpad ang mga ito. Kaya hindi niya hahayaang tumagal ang mga ito sa kamay ng sinumang nilalang sa Altereo. “Ililigtas ko sila,” matatag na wika niya. Tinapik ni Luis ang balikat niya. “Ganyan mag-isip ang mga mandirigma, Jack. Humugot ka ng lakas at inspirasyon sa mga layunin mo,” anito. Tumango siya. Pagkuwan ay sabay na silang pumanhik sa ikalawang palapag. Sumabay sila sa oras ng kain ng mga kawal. Nakikilala na rin si Jack ng mga kawal at ibang elgreto na naroon sa Golereo. ORAS na ng pagtulog ngunit naroon pa rin sa silid ng mga sandata si Jack. Sa dami ng mga sandata na naroon, natitipuhan niya ang espada na yari sa pilak. Nag-iisa lamang iyon na ginawa ni Gastor. Inalis niya ito sa sisidlan at sinubukang gamitin sa isang shadow fight. Habang nag-i-iskremang mag-isa, naramdaman niya na tila may nanonood sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Tinuruan siya ni Haru kung paano maging mapamatyag at patalasin ang kanyang pandamdam. Kahit maingay sa paligid, ang kanyang atensiyon ay dapat nasa kalaban lamang. Nararamdaman pa rin niya ang presensiya ng nilalang na nanonood sa kanya. Hindi naman ito nagdudulot ng kaba sa kanyang pagkatao. Huminto siya sa pagkilos. “Maari ka namang manood na nakikita ko,” sabi niya sa nagtatagong nilalang. May ideya na siya kung sino ito kaya nang lumitaw si Souljen mula sa pintuan ay hindi na siya nagtaka. Humakbang ito palapit sa kanya. “Ang talas na rin ng iyong pandamdam. Pinahanga mo ako, Jack,” nakangiting sabi nito. “Salamat. Alam ko’ng nais mo pa ring makipagduwelo sa akin pero ayaw ko,” aniya. Hindi siya nakakibo nang haplusin ng malalambot nitong daliri ang matipuno niyang dibdib. Namumungay ang mga mata nitong sinusuyod siya ng tingin. Nakararamdam siya ng init ngunit nakakaya niya itong labanan. “Noong una pa lamang kita nakita, nararamdaman ko na na magiging makisig kang binata. Natutuwa ako dahil pinili mong manatili rito,” sabi nito sa malamyos na tinig. “Ang totoo, ginagawa ko ito para sa mga taong mahal ko. At bilang pagsandal ko sa organisasyong ito, kailangan ko ring magsilbi at protektahan ang Golereo,” seryosong wika niya. Gumapang ang kamay nito paakyat sa kanyang leeg. Lumapit pa ang mukha nito hanggang ga-daliri na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. Aminado siya na kahit hindi normal na tao ang anyo ni Souljen ay maganda ito. Pero walang ibang laman ang puso niya kundi si Alona. Akmang hahalikan siya nito ngunit marahan niya itong itinulak sa balikat. “Pasensiya na,” sabi lamang niya saka ito tinalikuran. Hindi na kumibo ang babae. Nang harapin niya itong muli ay nagulat siya nang wala na itong saplot sa katawan. Tumambad sa kanya ang malulusog nitong dibdib at makinis na p********e. Sa halip na gupuin ng init ay kinilabutan siya. Hindi siya maaring madaig ng tukso. Nang lapitan siya nito ay kaagad siyang umiwas. “Makababawi ako sa pagtulong mo sa akin pero hindi sa ganitong paraan. Narito ako para sa babaeng mahal ko, hindi para pagtaksilan siya,” walang gatol niyang wika saka tuluyang iniwan ang babae.   MARIING nagtagis ang mga bagang ni Souljen nang balewalain ni Jack ang kanyang pan-aakit dito. Ang akala niya’y mapupusok ang mga tao at marupok pagdating sa kamunduhan. Ngunit nagkakamali siya. Nahihiya siya sa kanyang sarili dahil sa kanyang ginawa. Malapit na siyang mag-isang daang-taong gulang sa Golereo ngunit wala pa siyang napupusuang lalaki maliban kay Hazer, na namatay sa digmaan. Si Hazer ang nag-iisang anak ni Gastor. Simula noong namatay si Hazer, may dalawang dekada na ang nakalilipas, hindi na muling tumibok ang kanyang puso sa ibang lalaki. Nagdadalang-tao siya noon sa anak nila ni Hazer, noong nalaman niya na namatay ito sa digmaan kontra sa mga bampira. Hindi niya kinaya ang kalungkutan at apektado ang kanyang anak. Namatay ito sa kanyang sinampupunan, na sanhi ng pagkasira ng kanyang isip. Sa tulong ng dyosang si Ramona, nabigyan siya nito ng pagkakataong mabuhay pa matapos niyang tangkain na kit’lin ang sarili niyang buhay. Naglingkod siya sa lupain ng mga patay upang salatin ang mga kaluluwang ligaw na gumugulo sa payapang lupain. At sa kanyang pagbabalik sa Golereo, nagpasya siya na maging parte ng organisasyon ng mga mandirigma. Nakikita niya ang katangian ni Hazer kay Jack, kaya ganoon na lang kadaling mahulog ang loob niya rito. Nang makapagbihis ay sinundan niya si Jack. Patungo na ito sa kuwarto nito. Namataan niya itong nakahubad habang nakadungaw sa bintana. Batid niya’ng pagnanasa ang kanyang nararamdaman sa binata ngunit naroon ang kanyang paghanga. Nababasa niya ang payak na pagmamahal ni Jack sa babaeng tinutukoy nito, at hindi niya maiwasang mainggit. Maaring hindi nila katulad magmahal ang mga tao, ngunit pareho ang mga layunin ng bawat nagmamahalan. Bumalik na lamang siya sa kanyang silid. Nagulat siya nang madatnan niya roon si Kilian, ang kanyang dating kalaguyo bago si Hazer. Wala itong anumang saplot sa katawan. “Palagi mo na lang akong iniiwasan simula noong dumating si Jack,” may hinampong wika nito. Nakatayo ito sa harapan ng kanyang kama. Tuluyang siyang pumasok ngunit nilagpasan lamang ito. Natigilan siya nang hagipin ng braso nito ang maliit niyang baywang. Napilitan siyang harapin ito. Magandang lalaki si Kilian, ngunit nababahala siyang makipagrelasyon dito sapagkat maraming babae ang sinisipingan nito. “Umiibig na ka ba sa mortal na iyon, Soul?” tanong nito sa malamig na tinig. “Hindi ko maiwasan. Nakikita ko sa kanya si Hazer,” aniya. “Ngunit isa siyang mortal. Kailanman ay hindi maaring maging isa ang inyong mga puso. At dinig ko, may nagmamay-ari na sa puso ni Jack.” “Alam ko.” “Kung gan’on, iwasan mo siya. Narito ako, Soul.” Nadaig siya ng mapanukso nitong titig. Hinayaan niyang halikan siya nito, haplusin ang kanyang katawan, at tuluyang palayain sa saplot. Humalinghing siya nang hubugin ng kamay nito ang malusog niyang dibdib. Tumugon siya sa halik nito nang parehong init. “Killian...” sambit niya sa pagitan ng maalab na paghinang ng kanilang mga labi. Suminghap siya nang mariin nitong haplusin ang kanyang kaselanan. Ibinaba nito ang kanyang munting saya at kaagad siyang binuhat. Iniupo siya nito sa ibabaw ng lamesa at sinimulang punuin ng maiinit na halik ang kanyang kahubaran. “Uhh!” dumaing siya nang dagli siya nitong angkinin. Umulos ito nang mariin sa kanya na malugod niyang tinanggap. Ang kanyang pagtugon ay naging mitsa upang lumalim ang halik nito at tuluyang mauwi sa nag-aalab na pagtatalik. Nagpatuloy sila sa kanyang higaan habang ito’y nasa kanyang ibabaw.   HINDI makatulog si Jack. Nagsuot siya ng salawal at lumabas ng kuwarto. Nangangati ang mga kamay niya na humawak ng espada kaya naisip niyang bumalik sa silid ng mga armas. Ngunit napako ang mga paa niya sa tapat ng kuwarto ni Souljen nang makarinig siya ng mga daing at halinghing. Gawa lamag sa makapal na tela ang pinto ng kuwarto at nakahawi iyon nang bahagya. Hindi man niya sadyang sumilip ay nakita niya ang nagaganap sa loob nang hinangin ang kurtina. Mariing kumunot ang noo niya nang makita si Kilian na umaangat-baba sa ibabaw ni Souljen. Parehong hubad ang mga ito. Hindi na siya magtataka bakit pumatol si Souljen kay Kilian. Matindi ang kailangang sekswal ng katawan nito nang maalalang naghubad ito sa kanyang harapan. Ngunit iniwasan niyang husgahan ang babae. Ramdam niya na busilak ang kalooban nito. At itong si Kilian, ilang beses niya itong nahuli na may katalik na ibang babae. Naisip niya, para sa isang maliit na bayan katulad ng Golereo, ang mga lalaki ay uhaw sa atensiyon ng babae na iilan lamang na naroon. Nasa kultura ng mga ito na maaring makipagtalik ang mga lalaki sa kahit ilang babae roon. Wala namang nag-aaway dahil sa isang babae sapagkat nasa kultura ng mga ito na walang limitasyon ang pakikipagrelasyon. Layunin din ng Golereo na maparami pa ang lahi ng mga ito kaya ang mga lalaki ay hindi namimili ng babae. Walang kasal sa lugar na iyon. Kahit sinong lalaki ay maaring magkaanak sa babaeng naroon. Hindi rin kasing sinsitibo ng katawan ng tao ang mga elgreto. Hindi nadadapuan ng karamdaman ang mga ito. Hindi man magandang pakingkinggan ngunit iginagalang niya ang kultura ng mga elgreto. Ang sabi ni Peter, labin-limang kababaehan lang ang naroon sa Golereo. Ang mga lalaki ay may tatlong daan na lamang dahil marami nang nasawi sa digmaan. Marami na ring bagong silang na sanggol na lalaki at wala pang babae. Tumuloy na siya sa silid ng mga armas at kinuha muli ang paborito niyang espada. Ngunit hindi pa niya ito nai-aangat ay may pumigil na sa kanyang kamay. “Bago mo gamitin ang espada na iyan sa digmaan, tiyakin mo na malinis ang iyong hangarin, bata,” wika ng pamilyar na boses ng lalaki. Ibinalik niya sa sisidlan ang espada saka ito hinarap. Si Gastor. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD