Makalipas ang tatlong linggo, nagkaroon na sila ng asawa nang regular na set up. Sa tuwing wala siyang pasok sinusundo siya ni Enzo at doon sila nag i stay sa bahay sa San Ignacio. Subsob kasi sa trabaho ang asawa ngayon, kaya halos hindi na ito makauwi ng San Miguel, kaya naman siya na muna ang nag adjust para magkasama sila. Siya ang pumupunta ng San Ignacio sa tuwing wala siyang pasok. Dahil na rin sa mahabang biyahe, hindi siya hinahayaan ni Enzo na bumiyahe mag isa. Sinusundo pa siya mismo ng asawa. Kahit anong busy nito sa trabaho ay na isisingit ng asawa ang pagsundl sa kanya sa San Miguel, para magkasama sila ng ilang araw. Ngayon araw nag-aayos sila ng mga gamit ng asawa na dadalhin nito. May business trip kasi ito pa Europe, limang araw daw doon ang asawa. Nag eempake pa nga lan