"Good afternoon po, Mr. De Silva," magalang niyang bati sa Papa ni Enzo na kampanteng nakatayo sa loob ng bahay nila. Sinulyapan siya nito. Nasa mga mata nito ang pagka-disgusto sa kanya. Saka ito umismid. "Nasa business trip po si Enzo, wala po siya ngayon dito," patuloy niya. "Alam ko, kaya nga ako narito. Ikaw ang sadya ko at hindi ang anak ko," matalim na sagot nito. Hindi siya kumibo. Kumakabog ang dibdib niya sa takot. Takot siya, oo, takot na takot. Pero hindi siya puwedeng magpakita ng takot, dahil paniguradong sisindakin siya lalo ni Mr. De Silva. Alam niya ang sadya nito sa kanya: ang sabihing hiwalayan niya si Enzo. Bagay na kailanman ay hindi niya gagawin, lalo na ngayong naisuko na niya ang lahat, lahat kay Enzo. Isama pang baka nga sa mga oras na ito ay nakabuo na ri

