Hinila siya ni Enzo palapit sa kama. Kahit anong tili niya at pagpupumiglas, nagawa pa rin siyang ihiga ng asawa sa kama at walang-ingat siyang dinaganan nito. “Enzo! Get off! Sinasaktan mo ako!” tili niya. “Hindi ka sana masasaktan kung nakikinig ka sa akin!” galit na sagot nito at tinaas ang dalawang kamay niya sa may ulunan. Nagawa nitong pigilan ang dalawang kamay niya sa isang kamay lang nito. “Enzo, ano bang nangyayari sa iyo at ginagawa mo sa akin ito?” naiiyak sa takot na tanong niya. Nakatunghay sa kanya ang galit na mga mata ng asawa. Isama pa na hindi niya maigalaw ang katawan sa pagkakadagan nito sa kanya. Nakaipit ang mga binti niya sa binti nito. “Hindi ba’t sinabi ko sa iyong iwasan mo si Lucky! Bakit hindi mo magawa?” hiyaw nito na tila ba anumang oras magwawal

