Nakarating siya sa Vince Bar sa pagnais na makaiwas muna kay Bella. Kailangan niya ng alak para kumalma. Mali ang ginawa niya sa asawa. Mali ang saktan niya ito dahil lang sa galit siya at nagseselos. Nabigla lang siya sa nagawa niya, at pag nahimasmasan na siya, hihingi siya ng tawad sa asawa. May mali rin naman ang asawa sa nangyari. Alam nitong mainit pa ang lahat sa kanila, at hindi naman siya nagkulang sa pagbibilin rito na iwasan nito ang lalaking iyon. Simpleng utos lang, hindi pa nagawa ng asawa. Kaya umabot ang lahat sa ganoon. Pero sa nangyari, mas higit siyang may kasalanan ngayon, dahil nasaktan niya physically ang asawa. Hindi deserve ni Bella ang maranasan ang ganoong karahasan. Walang sino mang babae dapat makaranas ng dahas mula sa sino mang lalaki. “Damn!” mura

