Kinabukasan siya na ang naghatid kay Bella sa university, para naman makabawi sa asawa. Naayos na nila ang ano mang problema nila kagabi. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa asawa at nangakong hindi na ito sasaktan pa ulit. Agad naman siyang pinatawad ng asawa. Alam niyang sobrang sakit ang nagawa niya rito, pero ganoon pa man napatawad siya agad ng asawa. Dahil mahal siya nito at ayaw nitong mawala siya rito. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Bella kagabi. Natatakot ang asawang mawala siya rito. Nais man niyang ituloy ang ginagawa nila ng asawa kagabi, lalo na't nagpapaubaya na ito, ay hindi pa rin niya tinuloy. Hindi niya sisirain ang pangako niyang hihintayin muna niyang makapagtapos ng pag aaral ang asawa. Sa estado ng pagnanasa at pananabik kasi niya sa asawa, ay wala