Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Sophie paalis sa braso niya. Tinapunan rin niya ng masamang tingin ang babaeng nakangiti sa kanya, dahil sa mga camerang nakapalibot sa kanila. Kailangan nitong umarte. “Enzo,” bulong na tawag nito sa kanya, para marahil pigilan siya. “Hindi ko sasakyan ang palabas niyo ni Papa, Sophie. Kawawa naman ang Daddy mo kung sinusuportahan ka niya sa palabas na ito,” litanya niya na hindi tinatago ang galit dito. “Enzo, you can’t ruin this meeting. Ang papa mo ang nag-set up nito,” bulong ni Sophie, habang hindi nawawala ang ngiti nito sa labi. “Well, I am sorry, Sophie. Mapapahiya ka sa palabas na ito,” taas-kilay na sagot niya at pwersahang inalis ang kamay nito sa braso niya. “Enzo,” tawag sa kanya ni Sophie. Hindi niya ito pinansin. Isa-is

