“Sir Enzo!” gulat na bungad sa kanya ni Manang Lucing nang pagbuksan siya nito ng pintuan. Malalim na ang gabi nang marating niya ang San Miguel. Kahit anong bilis ng pagpapatakbo niya sa kotse, inabot pa rin siya ng hatinggabi sa daan. “Magandang gabi ho, Manang Lucing,” bati niya rito nang makapasok na sa loob ng bahay. “Pasensya na po kung naistorbo ko po ang pagpapahinga niyo,” paumanhin niya. “Ah… eh… wala ho iyon, Sir Enzo,” tila kabadong sagot nito sa kanya. Nagtataka man sa ikinikilos ni Manang Lucing, nagpaalam na rin siyang aakyat na sa itaas at magpahinga na ito. Palakad na siya patungong hagdan nang magsalita si Manang Lucing. “Sir Enzo…” tawag nito sa kanya sa kabado pa ring tinig. Huminto siya at sinulyapan ito. “Ano ho iyon, Manang?” “Eh, Sir Enzo… kaya h

