Malakas siyang binagsak ni Enzo sa kama nang makapasok na sila sa loob ng silid. Napahiga pa siya sa kama, pero agad siyang bumangon paupo at mabilis na hinila ang unan. Binato niya iyon kay Enzo. “Walanghiya ka! Manloloko ka, Enzo!” sigaw niya. Nakailag naman si Enzo sa unang unan na binato niya, kaya naman hinila pa niya ang isa at muling binato sa asawa. “Isa kang manloloko!” sigaw niya. Nasalo naman ni Enzo ang unan at hinihagis iyon sa sahig. At sumampa ito sa kamang kinauupuan niya. Sinalubong niya ang asawa at pinagsusuntok ito sa dibdib para ilabas ang sakit na nararamdaman dito. “Manloloko ka! Pinaglalaruan mo lang ako!” galit na sigaw niya kasabay ang pagpatak ng kanyang mga luha, habang patuloy pa rin sa pagsuntok sa dibdib ng asawa. “Pinaglalaruan mo lang ako!”

