“Bakit mo ginawa iyon, Bella? Bakit ka umalis sa ganyang kalagayan mo?” tanong sa kanya ni Enzo nang maiwan na silang dalawa lang sa loob ng bahay. Wala sa mukha ng asawa ang galit, ngunit hindi naitago ng asawa ang galit sa tinig nito. Inaasahan naman na niyang magagalit sa kanya ang asawa, dahil mali ang ginawa niya. “Natakot ako, Enzo,” sagot niya at nagyuko ng ulo. Nahihiya siya sa ginawa niya. “Natakot ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Araw-araw tayong nag-uusap, kinukumusta kita lagi. Sabi mo okay ka lang. Pero look what you’ve done?” may himig galit na litanya ng asawa sa kanya. Nanatili siyang nakayuko. Hindi magawang tingnan ang asawa sa mga mata. Hiyang-hiya siya sa ginawa niya. Napaka-selfish at childish ng ginawa niya. Tama lang na magalit sa kanya ang asawa at pag

