“Si Shopie ang tumatawag kaya sinagot ko na,”* alanganing sagot niya sa asawa. Mukha kasi itong galit at wala na sa mood. “I told you, don’t mind her! Bakit hindi ka nakinig?!” sita nito sa kanya. Bahagya siyang napapitlag sa pagtaas ng boses ng asawa. “Enzo,” she whispered habang nakatingin sa mga mata ng asawa. Uminit nga yata ang ulo ng asawa sa ginawa niya. “Next time, matuto kang sumunod sa sinasabi ko!” galit pa ring sabi nito sa kanya. Medyo natakot pa siya kay Enzo. Parang wala pa kasi siyang naaalalang pinagtaasan siya nito ng boses. Cold treatment, yes. Pero ang magalit ito sa kanya, ibang usapan na. “Hin-” Naputol sa ere ang sasabihin pa sana niya nang bigla siyang hapitin ng asawa sa bewang. Napatili pa siya nang ikutin nito ang katawan at magpalit sila

