"Are you ok?" Tanong ni Dale sa kanya na biglang sumeryoso ng iwan sila ni Annika sa hapag kainan. "I don't know," honest na sagot niya. Magaan ang loob niya kay Dale. Isa pa alam naman nito ang sitwasyon niya, kaya hindi na niya kailangang mag sinungaling pa rito. "Yeah, If I were you, ganyan din mararamdaman ko," sagot nito at uminom sa wine glass. Alanganin siyang ngumiti rito. Kanina pa siya sa komedor at hinihintay ang pagbabalik ni Enzo. Hindi na nga siya mapakali, baka kung ano na ang nangyayari sa asawa. Nakokonsensya siya, pakiramdam niya pabigat lang siya kay Enzo. Ang laking gulo ng ginawa niya sa pamilya ni Enzo. Sobra ang galit ng Papa nito, at talagang nakakatakot. Kung bakit naman kasi pumayag-payag pa kasi si Enzo na pakasalan siya. Ayan tuloy nagkagulo-gulo. Kanina ng