“Are you ready, Bella, to meet Papa?” he asked. “Yes, Enzo,” Bella answered confidently and nodded. Ngumiti siya sa asawa at nauna nang bumaba ng kotse para pagbuksan ito ng pintuan. Nasa loob na sila ng bakuran ng bahay ng kanyang ama. Nakikita na naman niyang handang-handa na rin si Bella sa pagharap sa Papa niya. Inalayan pa niya ang asawa pababa sa passenger seat. “Thank you, Enzo,” pasalamat pa nito sa kanya habang magkahawak ang kanilang kamay. “Let’s go, they are waiting for us,” sabi niya at lumakad na sila palapit sa pintuan ng malaking bahay. Isang kasambahay ang nagbukas sa kanila ng pintuan. Nagulat pa ang kasambahay nang mapasulyap kay Bella na nakatayo sa tabi niya. “Ah… eh… magandang gabi ho, Sir Enzo,” alanganing bati pa ng kasambahay. “Si Papa?”

