"Enzo, don't forget we have a dinner tonight sa bahay. 8:00 PM. Don't be late," sabi sa kanya ng ama nang matapos na ang meeting nila. Naiwan sila sa meeting room kasama si Dale. "Yes, Pa," tanging sagot niya. "Kasama natin ang mga Ledesma. Pag uusapan na natin ang tungkol sa inyo ni Shopie," sabi pa ng ama. Hindi siya kumibo, naikuyom ang mga kamay. Ilang araw na niyang pinaghandaan ang dinner na sinasabi ng kanyang Papa. Alam niyang para sa kanila ni Shopie ang dinner na iyo. Kung may plano ang ama, may plano din siya. Ihaharap na niya si Bella sa ama bilang asawa niya. Matatapos na ang pagtatago niya sa asawa. Lalo na ngayon lumiliit na ang mundo kay Bella at Shopie. Nabanggit ng asawa kung paano nito nalaman ang tungkol sa kanya at kay Shopie. Narinig daw nitong pinag uusapan ng m