“Asaan ang asawa ko, Papa!” galit na sigaw niya nang sumugod sa opisina ng ama. “Kuya Enzo?” gulat na tawag sa kanya ni Dale na naroon din sa loob ng opisina. Sabay na lumingon sa kanya ang ama at si Dale nang makapasok siya. Malakas niyang sinara ang pinto, lumikha pa iyon ng ingay na umalingawngaw sa loob. “Nasaan si Bella, Papa?!” sigaw niya. Nais niyang magwala sa galit na nararamdaman sa ama. Kahapon pa siya nakabalik ng San Miguel galing Europe, at hindi niya nadatnan ang asawa sa bahay. Wala ring kaalam-alam si Manang Lucing kung paano nakaalis si Bella. Nasa bahay ang kotse nito, pero wala ang asawa. Nakausap pa niya ang asawa bago siya bumiyahe pauwi. Ang ganda pa ng usapan nila. Masaya ang tinig ni Bella, wala siyang napansin na kakaiba habang magkausap sila. Kaya

