"Dale? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa kapatid ng makita ito sa may gate ng bahay. Tumawag ang security kay Manang Lucing para sabihin na may naghahanap sa kanya. Kaya naman lumabas na siya para tignan kung sino ang naghahanap sa kanya. Hindi niya inaasahan na ang kapatid ang makikita. "Kuya." Nakangiti ito sa kanya. Pinapasok niya ang kapatid sa loob ng bakuran. "Ang layo pala ng San Miguel sa San Ignacio," sabi nito habang naglalakad sila sa bakuran. "Malayo nga. Paano mo naman nalaman ang address dito?" Curious niyang tanong sa kapatid. Ang alam lang nito ay ang San Miguel, hindi ang address ng bahay ni Bella. Dahil hindi naman niya binabanggit sa kapatid ang exact address ng asawa. "Dumaan muna ako sa university." "University?" Kunot noong tanong niya, at napahinto sa