Chapter 54

2096 Words

Mavis Nhea's P. O. V. Isang buwan ang lumipas matapos ang insidente. Napahawak ako sa aking tagiliran na ngayon ay magaling na ang sugat na natamo ko sa bala ng baril, mabuti na lamang at mababaw ang tama ng baril sa akin kaya mabilis itong gumaling. "Mavis, ubos na ang iniinom mong capsul, gusto mo bang bumili ako sa kaibigan mo?" nakangiting sambit ni Mommy. Nakaupo ako sa aking kama, napakatagal kong nakahiga lamang dito, isang buwan akong hindi pumasok para magpagaling. Minsan ay dinadalaw ako nila Hermosa. "Kuntento na po ako sa kaputian ko ngayon, Mommy. Isang buwan din po akong hindi nasikatan ng araw," ani ko at mahinang tumawa. Nawala ang ngiti sa labi ni Mommy at nagulat ako nang bigla itong lumuha. Naupo siya sa gilid ng aking kama at niyakap ako. Rinig ko ang mahihina niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD