• ETHAN POV • Pagpasok pa lang ni Leigh nagtataka na ako sa kilos niya, hindi na niya kasi ako kinakausap at parang iniiwasan niya ako. Ano kaya problema nun may nagawa ba ako? "May sakit nga kasi Ethan." Sabi ko sa sarili ko. Kanina yung sa elevator nakita ko sila ni Lester. Masaya ako kasi unti-unti na niyang nakakayanan sumakay sa elevator. Ang laki din ng pinagbago sa katawan ni Leigh, tapos yung mukha niya namamaga at may sugat sa labi niya, baka sinaktan na naman siya ng papa nila. Gusto kong tanungin si Leigh kung anong nagyari sa kanya kaya lang sa tuwing lalapit ako ay iniiwasan niya ako, kahit nga titignan ko lang siya hindi na niya na akong kayang tignan, dati nakikipag contest pa ng titigan sa akin iyon pero ngayon ilag na siya, hindi ako sanay na ganito siya sa akin.