• LESTER POV • Pagpasok namin sa school ay marami ng tao, papunta kami sa Auditorium para mag misa! "Anjan na pala kayo." sabi ni Celine at Jaycel. Hindi kasi kami sabay-sabay pumasok ngayon, kanya-kanya kaming dala ng sasakyan namin. Open kasi ang buong school ngayon at pwede kang lumabas pero bawal pa rin out sider. "Wala pa ba si Leigh?" Tanong ni Celine kay Jaycel. "Inaantay ko nga eh, hindi din sinasagot yung tawag ko. "Nakita na namin si Szam sa school nila." "Tinanong mo sana?" "Hindi ko na natanong dahil busy na sila. "Dumaan ako sa bahay nila, pero walang sumasagot, akala ko nandito na." sabi ko sa kanila. "Ethan dito." tawag ni Ranz sa bagong dating na si Ethan. "Pinuntahan mo din ba si Leigh?" tanong angad ni Jaycel. "Wala na daw doon sa bahay nila eh." sabi niya.