Lihim na tinitigan ni Daimon si Khara habang nakatayo ito malapit sa kanya. Napansin niya ang kalungkutan sa mga mata nito kahit na tumatawa kanina. Gusto tuloy niyang itanong rito kung masaya ba talaga ito na maagang nag-asawa. Sayang ang pinag-aralan nito kung nandito lang sa probinsya. Ngunit naiintindihan naman niya dahil may asawa na si Khara at ang lahat ng desisyon nito ay dapat nitong ipaalam sa asawa nito. Bumuga ng malalim si Daimon at muling tumingin sa kalangitan. Kanina maaliwalas ito ngayon mukhang nagbabadyang umulan. Kumukulog at may pagkidlat sa kalayuan. Nakatingin si Khara sa kinaroroonan ng kaibigan nito. Mukhang lasing na lasing nga ang asawa ni Mildred na si Berto. "Khara, mukhang uulan... sumilong ka muna dito sa inuupahan ko," pang-aalok niya rito. "Pero... Dai

